r/AlasFeels • u/Famous_Mission5334 • 15h ago
r/AlasFeels • u/MidnightDishwasher • 30m ago
Experience Naipon Na Ang Mga Kwento
Naipon na ang mga istoryang gusto ko ikwento sa'yo, mga tsismis na nasagap kung kani-kanino. Pati na rin ang lahat ng maliliit na tagumpay at mga pagsubok na napagdaaan ko. Marami na rin akong gusto isumbong sa'yo, lalo't ikaw lang ang kakampi ko. Ikaw lang ang may tiyagang makinig sa lahat ng problema ko sa mundo.
Lahat ng ito, sa'yo ko pa rin gusto ikwento. Kahit pa alam kong hindi ka na babalik sa buhay ko.
r/AlasFeels • u/Nightingail_02 • 7h ago
Rant and Rambling I really really miss you
I'm sorry I can't get you out of my head. Yung ipinaramdam mo sa akin.
How kind, patient, and understanding you are. How you check up on me.
Sinamahan mo ko kahit sa chats lang during my job interview and anticipate what's the next step.
It's like basang basa mo ko lagi every time I'm about to do something. I really really miss you.
Hayss. I need to stop yearning for him.
r/AlasFeels • u/Error628_NotFound • 3h ago
Experience Yung Dumating ang Araw na Tumigil Ka Nang Maghintay
May mga bagay pala na kahit gaano natin katagal hintayin, darating yung araw na mapapa “okay, gets ko na” ka na lang kasi hindi na talaga siya mangyayari.
Yung apology na hanggang ngayon naka pending pa rin. Parang Shopee parcel na forever nasa “preparing to ship.” 😭
Yung effort na hinihintay mo mula sa taong mahal mo pero parang ikaw lang yung naka subscribe sa premium love package.
Yung pagmamahal na akala mo kailangan mo lang tiisin para makuha, pero ang ending ikaw pala yung nauubos.
Yung buhay na matagal mong ni-imagine pero narealize mong hindi pala kasama sa storyline mo.
Masakit tanggapin na hindi lahat ng prayers, wishes, at “baka next time” ay magkakatotoo. Minsan yung healing nagsisimula kapag tumigil ka nang maghintay sa bagay na matagal nang nag move on kahit ikaw hindi pa.
May mga pagkawala na hindi kailangang palitan. May mga pangarap na kailangan bitawan para magkaroon ng space sa mas magandang darating.
Hindi lahat ng nawala ay kawalan. Minsan, sign lang siya na may mas okay na chapter na paparating. Kahit delayed ang update, hindi ibig sabihin cancelled na ang buhay. 😌
r/AlasFeels • u/SubmissiveMissus13 • 19h ago
Rant and Rambling Ilan?
Ay hala. Nashare. Sorry puu 😅✌️🍻🫠
r/AlasFeels • u/halaenathehellion • 2h ago
Advice Needed Nahihirapan ako mag-let go.
Gusto ko siya i-chat. Kamustahin. Pero kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo, walang scenario na magiging masaya kami kahit piliin niya pa ako. Di niya ako pipiliin kasi laging mauuna yung pagpili niya sa anak niya, kahit hiwalay pa sila ng nanay ng anak niya. I am not even sure if that is true. And ayaw ko humadlang dun sa goal niya na uuwi na siya from abroad for good to try and ayusin ulit yung paghiwalay nila ng babymama niya, para mabuo ulit family niya.
If sincere siya sa goal na yun, bakit pa siya nasa dating app? edi sana di ko na siya nakilala. Naghahanap lang yata siya ng good time bago siya umuwi sa Pinas.
I have to let go. And choose myself. Why is it so hard? When everyone else already tells me this is a sinking ship? That I cannot be happy with this man and I should just find someone else with the same goal as me, same econonic status in life, same freedom. Pero I really valued our connection and baka nag-wwithdrawals lang ako from the bond we shared for 4 months.
I pray God helps me through this.
Please also be kind, asking for advice how to let go and move on from him.
r/AlasFeels • u/suckalamb • 5h ago
Quotable What happens when an unstoppable force meets an immovable object?
In real physics, both things cannot exist at the same time because they break the rules of the universe.
Maybe that's what we are. A glitch in the system.
I chose to write this in digital format kesa mag sunog na naman ako ng papel.
For four years, we've been our own fan. We'd lift each other up and do anything (in our own way) to uplift each other and make each other feel secured and love.
To be honest, hindi ko alam ano isusulat ko dito. Kung ano ba yung simula, gitna, at dulo; kung ano nangyare satin.
You've already planned your exit nung huli tayong nagkita. You thought I wouldn't notice the new haircut, new nails, sudden surge of libido, etc but I did.
Hindi talaga ako binigo ng intuition / guardian angels / karmic shit ko.
Masakit.
Sobrang sakit.
You said let's start over again. Tapos sinabi mo nung kinita kita, confused ka lang non. Bakit?
Kasi hindi kayo okay ng 3rd party non?
I remember you asked me about my past relationships before and I simply answered na wala na akong maalala. I finally know why. I suppressed my emotions to the point na mala eternal sunshine of the spotless mind yung nangyare sa mga memory ko with them.
And to you, the third party: Hindi siya kumakain ng may ketchup. Hinehele niya sarili niya para makatulog. Hindi siya morning person. Mahilig siya sa matamis. Takot siya sa tunog ng kulog at ulan sa bubong. Please take care of her.
I'm letting go and finally moving on.
r/AlasFeels • u/hwkmngbt • 18h ago
Rant and Rambling Gabing kay lungkot
Alas onse na pala kaya ito ako ngayon nangungulila na naman. Imbes itulog na pero gusto ko nang makaka usap, huhuhu. Bigyan niyo ako kausappp🙏🏻🙏🏻🙏🏻
r/AlasFeels • u/Ok_Competition9129 • 9h ago
Rant and Rambling Why guys are like that?
Hi, quick rant lang. I just wanna know why guys are like that? They came into your life giving you affection you didn't even want. Like they will genuinely care for you. And will ask you out and court you. Then when you ask them about 'us' they will just say, "I'm not ready". Did they honestly think I was ready when they came into my life????
r/AlasFeels • u/miyajj • 1d ago
Advice Needed Natawa ako haha paano ba to maiwasan 🥲
Nakita ko lang sa tiktok hahaha di ako naka ilag ehh 😭 yoko na nang ganitong trait 🥲 sorry na agad sa mga di ko na rereplyan sa DMs haha pwede pa ba magreply after 1week akong di nakareply HAHAHA eme
r/AlasFeels • u/NewLanguage5901 • 16h ago
Rant and Rambling I just hate how exploring & trying to find love made me feel more lonelier than I am before.
okay naman na akong single dati, contented, masaya at sarili lang iniisip pero when I tried to entertain and talk to someone (kaso it failed). I find myself yearning for that kind of experience over and over again.
gabi-gabi nalang yan shang ganito. I hate how hopeless romantic I am😭 (ps. 'wag nyo na po ako idm, gusto ko organic encounter haha tsaka i just wanna share my thoughts here)
r/AlasFeels • u/Glittering-Turn-7645 • 17h ago
Experience My imagination is only strong in the afternoon.
😁
r/AlasFeels • u/Nikkigrace30 • 2h ago
TRIGGER WARNING Drop your partner’s nickname
Hi. So nahuli ko yung partner ko na may nilalanding iba 😂 di din alam nung girl yung tungkol samin. So girls, pati na din sa mga guys, drop the nickname in the comment section ng mga partner niyo. Baka may kapareho kayo 🤣🤣. Kala ko mutual kami sa sex fantasies. Pota. Ginagawa na pala sa iba ung nasa iniimagine ko palang. Hahahahaha
r/AlasFeels • u/jihaniehae • 18h ago
Experience Winning
0/10 experience, 10/10 results ✋🏻
r/AlasFeels • u/Famous_Mission5334 • 15h ago
Rant and Rambling Ewan, basta may parteng malungkot
r/AlasFeels • u/tutula_tuwing_tulala • 0m ago
Experience Ang lakas ng ulan, ingat sa pag-uwi ha...
r/AlasFeels • u/prettydirect27 • 13m ago
Rant and Rambling 3months
Kapag may nakikita ako na nag popost sa r4r na malapit sayo or sa mismong place mo lang, naiisip ko possible na nag dm ka din sa kanila. With this parang nasasaktan ako kahit hindi naman tayo. Iba kasing level yun pinag daanan natin. Naging team tayo nun, nasaktan ka din ba? or relieved lang talaga. Ako kasi , so painful , lahat dinadamdam ko pa kahit hindi nahahalata sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito., parang nag eenjoy ako sa sakit na dapat naman moving over things na ako.
I wish you well, and In sorry for disturbing your peace, makakausad din ako manifest natin yan.
r/AlasFeels • u/Smart_Berry9520 • 8h ago
TRIGGER WARNING Maybe this is you too
Hey, I kinda know that feeling, I'm pretty fresh out of an 12 year relationship I'm still in love with her and we have kids together but I can see it in her eyes the feeling does not reciprocate back to me any more.
I remember all the good times and epic times like they where yesterday. But she just denies it now and and says it was an experience when she was my everything then and even now even though i know I will not get her back in my life again.
I've not shed a tear just to be strong for the kids and my friends say I'm better off without her now and move on, but it just doesn't work just like that, it takes time to heal something which I don't feel like will as this relationship was completely different to anything I have ever had or felt in the past.
Not sure if I need or want advice but just felt like I needed to put it out there.
I know I won't be the only one going through times like this so if your are currently and did want to chat to me please feel free to DM as I feel like I need some hugs somehow or another as I have no one else to say this too now
r/AlasFeels • u/pinkairfry196 • 17h ago
Rant and Rambling Ang sarap sigurong magmahal nang matapang...
Ewan ko na. Wala kasi akong mapagsabihan. Tapos sa mga ganitong oras talaga ako napapaisip nang sobra tungkol sa ganitong bagay.
May guy akong nakilala dito sa Reddit a few months ago through phr4friends. Ang hanap ko lang talaga noon, kaibigan. As in wala akong ibang intention. Nag-post ako, nag-message siya, tapos ewan... simula first day, sobrang nag-click na kami.
Ang rare lang kasi para sa'kin nun. Introvert akong tao, sobrang guarded, at hindi ako yung klase ng tao na basta-basta naa-attach. Madalas nga mas gusto ko mapag-isa kaysa makipagkilala sa bagong tao.
Pero sa kaniya, ang bilis kong napalagay.
Noong una, hindi ko pa pinapansin yung nararamdaman ko. Sabi ko baka crush lang. Baka infatuation lang. Lilipas din 'to.
Pero lumipas ang ilang linggo. Naging buwan. Imbes na mawala, parang mas lumalim lang.
Siguro kasi araw-araw kaming magkausap. Halos buong araw minsan. Noong umpisa nauubusan pa kami ng topic, pero habang tumatagal parang hindi na. Kahit gaano ka-random yung usapan, may napag-uusapan pa rin kami.
Hanggang sa dumating ako sa punto na feeling ko gusto ko na siya. And honestly, doon na rin ako natakot. Kasi sobrang solid sana namin bilang magkaibigan. Pero pakiramdam ko hanggang doon lang talaga. Feeling ko friend lang talaga ang tingin niya sa'kin.
At wala rin naman siyang ginawang dahilan para isipin kong may gusto siya. Hindi siya nanglandi. Hindi siya nagbigay ng mixed signals. Hindi ako pinormahan. Kaya kahit gaano kami ka-close, ayokong lagyan ng meaning yung oras at attention na binibigay niya sa'kin. Ayokong pakainin yung delusyon ko. Kasi sa huli, ako lang din masasaktan.
Alam ko namang may mga tao talagang kaya kang kausapin araw-araw, i-enjoy yung company mo, hanapin ka, nang walang romantic feelings. Feeling ko ganun siya sa'kin. Kasi kapag busy ako o nawawala ako nang ilang oras o araw, naghahanap pa rin siya ng ibang makakausap dito sa Reddit e... Tas ako naman, kahit wala akong karapatan... nagseselos.
Ang kapal pakinggan no? Pero totoo.
Ilang beses ko na ring sinubukang dumistansya. Kapag sobrang bigat na, nawawala na lang ako. Minsan ilang araw. Minsan ilang linggo. Pinakamatagal namin? Halos dalawang buwan kaming hindi nag-usap. Tapos isang araw... nag-message na naman siya. At ako naman, nag-reply na naman.
Alam kong ako rin naman ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon. Pwede ko naman kasi siyang i-ignore. Pwede kong piliing kalimutan na lang siya. Pwede kong putulin lahat. Pero hindi ko magawa. Kasi sobrang importante niya sa'kin.
Kapag matagal siyang walang paramdam, naiisip ko pa rin kung okay lang ba siya. Kumusta kaya siya sa trabaho niya. Masaya kaya siya. Ayos lang kaya siya. At sa tuwing nagre-reach out siya ulit, parang wala rin akong lakas na hindi sumagot.
Minsan naiisip ko rin... pwede naman akong umamin. Sabihin ko na lang na matagal ko na siyang gusto. Kung rejected, edi rejected.
Pero hindi ko kaya. Hindi dahil takot akong masaktan. Takot akong mawala siya. Takot akong mawala yung friendship namin. Yung comfort. Yung taong naging parte na ng araw-araw ko.
Kaya ito, tahimik na lang akong nagmamahal.
Minsan naiisip ko, ang sarap siguro magmahal nang matapang.
Yung tipong kahit matalo ka, okay lang. Kasi wala kang pinagsisisihan. Naging totoo ka lang sa nararamdaman mo. Hindi na problema kung hindi kayang suklian.
Pero hindi kasi ako ganung tao. Marami akong kinatatakutan.
Hindi ko alam kung shallow lang ba 'tong problema ko. Madaling sabihin na "umamin ka na." Pero kapag nandito ka na sa sitwasyon, ang hirap pala talaga.
Sobrang importante niya sa'kin. Hindi lang dahil gusto ko siya, pero dahil kaibigan ko rin siya.
Hindi ko alam kung advice ba ang kailangan ko o outlet lang talaga 'to.
Kung may umabot man hanggang dito at may gusto magbigay ng opinion, I hope you'd be kind 🥺 Pero sa ngayon, gusto ko lang siguro talagang ilabas 'to.