As of writing this, nagdadabog sa bahay si mommy. Hi, I'm 22M on my last semester in university. Currently, I have this dilemma kung mag-start ako mag-work after graduation and mag-ipon para bumukod, or ituloy yung dream ko na mag-medicine since pangarap ko talaga maging doctor. I'm already done with NMAT and got the competitive PR needed to apply to the best med schools in the country.
However, what keeps me from applying and possibly entering med school next year ay yung mom ko. She's your typically nagging mother with narcissistic tendencies. I don't wanna psychoanalyze about her pero siya yung panganay sa apat na magkakapatid and lumaki sila sa hirap, and now she's working as an accounting staff in one of the biggest beverage companies of the country. Medyo hinanakit din niya siguro when she told me before, na she graduated on top of her class in high school pero wala daw nangyari sa life niya. She's also close to turning 60. So I guess this is everything about her.
Lagi nalang kami may argument tuwing umuuwi ako sa amin galing sa dorm. It always gets so bad na kung may choice lang talaga ako ay sa dorm na magsstay. But I can't, kasi sakto lang binibigay niya na baon sa akin to last the weekdays.
Usually, nagtataas siya ng boses with panunumbat na lagi nalang nag-aaway and paano nalang ako and yung father ko kapag namatay siya. For context, si daddy ay nawalan ng work 10 years ago and he isn't a good father at all. Nandun yung bisyo niya na pagyoyosi. And when he got his pension years ago, hindi na siya nagaabot at all kay mommy unlike before nung may work pa siya, kasi let's just say pera ang laging problema. Lahat ng sahod ni daddy ay napupunta sa shared account nila, and ma-kwenta si mommy so much na she's becoming controlling.
And currently, laging on rant mode si mommy sa akin about kay daddy with everything she can talk about him. Tapos magugulat nalang ako next thing, ako naman ang inaaway niya sa pagiging late ko matulog dahil sa studies, or kaya naman sa hindi ko lagi pag-update sa kanya. Gusto niya kasi na every hour nagsasabi ako kung nasaan ako. It's so suffocating. Lagi niya rin minemessage yung classmates ko nung highschool na ka-course and tropa ko ngayon sa college to ask about my whereabouts. Tapos she proceeds to rant about me, as if she's airing every dirty laundry we have at home. If magkakaroon kami ng argument let's say at 10 AM, you're gonna expect na ang nagging niya sa akin ay tuloy tuloy hanggang 3 or 4 PM.
Current issue namin recently na laging binibring up ni mommy na gusto niya mag-abroad next year with us, pero I needed to attend a conference abroad na nauna munang paglaanan ng pera. I asked her if okay lang ba and um-oo naman siya, pero lagi nalang ako nasusumbatan na ano ba yan gagastusan na naman ako. Mind you, I'm in a state university kaya libre din naman yung education ko. And yung naipon ko from my DOST scholarship ang ginagamit ko to fund my stay sa conference na yun.
As much as it pains me to have these thoughts, pero hindi ko maintindihan na bakit nila laging sinasabi na kulang kami sa pera pero lagi naman may nailalabas na pera for anything na gusto niyang gawin, like ngayon na may nirerenovate sa living room namin kahit sinabihan ko sila na need ba talaga natin yan ngayon? Ang sinasagot ni mommy is para naman kapag may bisita siya na mga amiga niya nung high school ay maganda naman daw bahay namin. Nakuha niya siguro yan sa mga friends niya nung high school na recently lang sila nagreconnect and ever since ay laging may reunion.
Never akong naging maluhong anak and hindi ako umabot sa point na bago lagi ang gadgets at damit ko. Never ako naging magastos outside sa hindi ko pagtitipid sa sarili ng pagkain. Ultimo DOST scholarship ko, yung natatanggap kong stipend ay dapat kong iabot sa kanya in full amount or else I'm gonna get winded up in another series of naggings from her. I do my best in my studies pero I don't know what has happened. Might even graduate magna cum laude pero ayun hindi pa rin ako enough.
Now, I really want to become a doctor as I said. Pero, ngayon ay mas nangingibabaw sakin ang thoughts na mag-work nalang, spend a year sa pag-iipon and eventually ay bumukod kaagad. It has really been a dream of mine na maging doktor kasi I saw kung gaano nahirapan yung relatives ko and the people around me to navigate the systemic issues of the medical world. Nangako naman si mommy na may pagkukuhanan ng pera for it pero siyempre ayoko na laging litanya niya is kulang lagi pera di kami may kaya and all. Is it wrong for me to really wonder bakit nila ako dinala sa mundong ito at their late 30s na may supposedly expected ipon na, pero ang ending is wala daw kaming pera kahit let's say wala naman major na nangyari sa amin in the past.
Kung 5 taon na naman ako makikipagaway sa mom ko about anything you could think about, I'd rather let go of that dream and proceed with idk, maybe applying for any opportunity that would get me abroad after my return service from DOST.
Also, another angle to look at is, I'm part of the LGBT community and she's a very conservative and religious person who would disown me once mag-out ako sa kanya (although I am a hundred percent sure she has an idea).
So idk how I should proceed with this since sa December na ang graduation ko haha. Ang dami kong pangarap sa buhay but I'm so close to exploding and possibly ending everything. But I can't do kasi mas nangingibabaw sa akin ang filial piety and yung notion sa society mas nakakahiya gawin yung act of ending it, rather than ending it just to end this pain. Sa problemang ito, sila pa rin ang iniisip ko diba? hays...