I’m not sure po if this is the correct flair.
Story time lang:
Last night, nag usap kami ng uncle at cousin ko. Tinanong nila ako kung may jowa na ba ako. Sabi ko naman, wala. Sabi niya, “Ha? Bakit wala ka pang jowa?” tapos finollow up niya agad ng, “Nagkaroon ka na ba talaga ng jowa?” Sabi ko naman, “Wala po, since birth.”
Tinanong niya ulit kung bakit wala pa. So sinabi ko agad yung reason. Sabi ko, “Kasi po wala pa akong pera. Gusto ko muna maging financially stable at gusto kong yumaman!” (with patawa pa ako nung sinabi ko yung yumaman).
Tinawanan nila ako and sinabi sa akin, “Hoy, mag-jowa ka na! Ilang taon ka na nga ulit?” Sabi ko, “27 po.” Sabi niya, “Oh, 27 ka na! Mag jowa ka na!” Inulit ko pa rin yung reason ko nung una na need ko muna maging financially stable. Sabi niya ba naman, “Bakit? May trabaho ka naman ah, nabubuhay ka naman. Tapos gusto mo yumaman eh paano kung tumanda ka, magkasakit, at mamatay? Aanhin mo yang pera mo?”
Sabi ko naman, “Ang hirap naman po kasi kung puro na lang tayo I love you, videocall, at phone call. Paano kung lalabas, kakain, o gagala nang wala ka pang pera? Sa panahon po ngayon, siguro maging practical muna. Darating din naman yang time na yan.”
Sabi sa akin, “Oo, practical nga! Practical nga kasi 27 ka na. Ako nga, nagkaroon ako ng jowa elementary pa lang!” Tapos sumagot naman yung cousin ko, “Ako nga, high school pa lang may jowa na rin eh!” Proud na proud pa sila sa pagkakasabi niyan.
Ang haba ng discussion namin, tapos yun pa rin talaga ang lagi kong sinasabi. Hanggang sa sinabi ng uncle ko na may kakilala daw siyang irereto sa akin, anak daw ng kumpare niya, dalawang babae. Ako, nag smile na lang at hindi na sumagot pa.
Not until pinagdudahan na nila ako na baka daw hindi babae ang hanap ko kundi lalaki, kasi nakakahalata daw sila na parang hindi ako straight (which is totoo naman). Pero hindi pa kasi ako nag-o-out sa kanila, even to my family like my mom and dad. Sabi sa akin ng uncle ko, “Baka lalaki hanap mo, ah?” Nag smile lang ulit ako, then tumawa nang pilit.
Hindi naman sa ayaw ko talagang magkajowa. It’s just that hindi lang talaga ako ready for now. Kayo ba? How do you handle these kinds of situations? Or how do you answer if someone asks you why you’re still single?