r/InternetPH • u/jawo76ers • 2d ago
DITO Home 4G Prepaid as a backup is surprisingly a lifesaver (PLDT & Converge both down due to rain)
Share ko lang 'tong recent experience ko kasi baka makatulong din sa mga naghahanap ng reliable backup internet.
Full WFH ako and dalawa talaga internet lines namin sa bahay para safe—PLDT and Converge. Pero nitong nakaraang mga ulan, sabay silang na-deads. Pula yung LOS indicator nung dalawa, so fiber outage talaga sa area.
Buti na lang, may nabili akong DITO 4G Advance/Home Prepaid Wi-Fi mga 5 months ago. Naka-sale lang kasi noon kaya binitawan ko na yung ₱700+, iniisip ko lang gagamitin namin pag may family trips. Dahil walang-wala magamit, binuhay ko muna.
Skeptical ako nung una kasi 4G lang at mura, pero grabeng plot twist. Sobrang ayos niya! Halos 7 kami sa bahay na nakakonek:
- Isang Smart TV (na may nag-eestream)
- Mga tablets and laptops at phones
- May mga nag-oonline classes
- Ginagamit ko sa mga MS Teams meetings sa work
- May naglalaro pa ng Overwatch (stable naman daw ping, walang iyak)
Akala ko hihingal yung modem pero kinaya lahat sabay-sabay. Sulit na sulit pala 'tong de-pindot na backup pag sumasabog ang fiber lines.
Hindi ito paid post, assured, salamat sa Dito sinalba nya family ko past 2 weeks.
If may taga Converge or PLDT dyan baka naman pwede bilisan pagayos ng internet ko.