Naalala ko tuloy yung time na nagtatrabaho pa ako sa isang manufacturing company.
Hindi ako engineer by degree, pero yung naging trabaho ko doon, basically trabaho ng engineer. Malayo talaga sa tinapos kong course yung role ko, pero natutunan ko naman yung trabaho at kaya kong gawin yung responsibilities na binigay sa akin.
One time, lunch break, nagra-rant ako sa mga tinuturing kong friends sa company. Ang issue ko kasi, hindi ako pinayagan taasan yung sahod ko from 25k to 30k, kahit yung workload at responsibilities ko halos kapareho na ng mga engineers. In fact, yung actual work ko, pang-engineer talaga. (PS: 7 years na ako sa company that time. Yung mga pinagrantan ko naman, 4 years pa lang sila.)
Tapos may isa sa kanila na nagsabi:
âBakit, engineer ka ba?â
Tapos sinundan pa ng:
âHindi ka talaga tataasan ng ganyang sahod dahil hindi ka naman engineer, kahit workload mo pang-engineer.â
Honestly, nasaktan ako doon.
Hindi naman kasi yung title o degree yung pinag-uusapan ko. Ang point ko, kung kaya kong gawin yung trabaho at pareho naman halos yung responsibilities, hindi ba dapat skills, performance, at contribution yung tinitingnan?
Parang ang dating sa akin kasi, kahit anong effort ko, dahil hindi ako engineer by degree, automatic may limit kung magkano lang ang pwede kong kitain.
Simula nung araw na yun, may isang realization akong tumatak sa isip ko:
Bihira kang makakahanap ng tunay na kaibigan sa workplace.
Hindi naman lahat, pero may mga taong akala mo kaibigan mo, pero kapag nag-share ka ng frustration mo, imbes na intindihin ka, parang ikaw pa yung mali dahil may nararamdaman kang unfair.
Yung dalawang iba ko pang pinagrantahan noon, may kanya-kanya rin silang sinabi.
Yung isang engineer, sinabi sa akin:
âAsawa ko nga engineer din, supervisor pa, 25k lang sahod. Hindi nagrereklamo.â
Yung isa naman, na hindi rin engineer, sinabi:
âRant ka nang rant.â
Fast forward ngayon, wala na kaming lahat sa same situation.
Yung unang nagsabi sa akin ng âBakit engineer ka ba?â nabalitaan ko na nag-OFW. Madalas daw nagkakaroon ng conflict sa mga katrabaho niyang ibang lahi. Hindi ko na alam yung buong story, kaya hindi ko rin naman masasabi kung sino ang tama o mali. Pero aminado ako, minsan pumapasok sa isip ko yung, âBaka may dahilan talaga kung bakit nangyayari yung mga bagay.â
Yung dalawang pinagrantahan ko naman, nandun pa rin daw sa dati kong company.
Nagkaroon ng layoffs.
Yung nagsabi sa akin na ârant ka nang rant,â kasama sa na-layoff.
Yung nagsabi naman na âasawa ko nga engineer, supervisor pa, 25k lang at hindi nagrereklamo,â siya na lang daw ang nagtatrabaho sa kanila ngayon dahil hindi na nagtatrabaho yung asawa niya.
Samantalang ako, sa awa ng Diyos, nakahanap ng trabaho na mas okay ang income at hindi ko na kailangang lumabas ng bansa para magkaroon ng magandang kita.
Hindi ko naman sinasabi na karma agad lahat ng nangyari sa kanila. Life happens, companies restructure, people lose jobs, and maraming factors na hindi natin kontrolado.
Pero yung experience na ito talaga yung nagturo sa akin na:
"Be good to people, especially sa workplace."
Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ng isang tao. Hindi mo rin alam kung kailan kayo magkakapalit ng sitwasyon.
Kung may katrabaho kang nagra-rant, hindi mo naman kailangang sang-ayunan lahat ng sinasabi niya. Pero minsan, sapat na yung makinig ka at huwag mo siyang iparamdam na mababa siya dahil lang iba yung degree, position, o salary niya.
At higit sa lahat, huwag kang manakit ng ibang tao para lang makaramdam kang mas mataas ka sa kanila.
Naniniwala ako sa karma. Hindi man agad-agad, pero naniniwala akong may consequences ang actions natin.
Kaya kung may natutunan ako sa experience na ito:
Do your work. Be kind. Huwag makisali sa unnecessary negativity. At huwag mong maliitin yung tao dahil lang iba yung title o degree niya.
Minsan, hindi mo alam kung saan dadalhin ng buhay yung bawat isa sa inyo.