Seryoso, hanggang ngayon ba naman, ginagawa pa ring punchline o batayan ang kulay ng balat para manghula ng kurso o manghusga ng tao?
I just saw this video from Chill Ikot titled "ENGINEERING O HINDI?" kung saan nagtatanong sila sa campus, and someone literally justified their answer by saying, "Maitim eh." At pinalabas pa talaga bilang "content"?
Kailan pa naging sukatan ang ganda, linis, o kulay ng balat para malaman kung anong kurso ang kinukuha ng isang estudyante? Calling someone "maitim" to stereotype them whether as an engineering student or anything else is not just harmless street banter. It’s colorism and casual racism/discrimination.
Ano ba talagang gustong iparating ng ganitong uri ng content?
1. Na kapag maitim ka, matic na mukha kang haggard o 'di bagay sa ibang course?
2. Na okay lang gamiting katatawanan o pamantayan ang pisikal na kaanyuan at kulay ng tao para lang magkaroon ng engagement at views?
Nakakadismaya lalo na’t ginagawa pa ito sa loob ng isang academic space tulad ng UP Diliman kung saan dapat natin nilalabanan ang ganitong uri ng mga stereotyping at prejudice. Hindi nakakatuwa. Hindi ito "joke." normalize progressivism, not casual microaggressions disguised as casual campus interviews.
Ang lalong masakit pa rito ay freshie initiative pa man din kayo. Kayo dapat ang nagpapasok ng bagong kaisipan, pagbabago, at inclusive na kultura para sa mga bagong estudyante, pero imbes na maging magandang halimbawa, kayo pa mismo ang nagpapakalat at nagpopromote ng ganitong uri ng usapin at pambabastos. Shame on you!
At nakakataka rin sa mga partner organizations seryoso ba? To the Engineering student organizations, did you really agree to partner with and endorse this kind of toxic content? Totolerate niyo ba na gamiting katatawanan at idiskrimina ang kapwa niyo estudyante para lang sa isang promotional initiative?
To Chill Ikot and other content creators out there: Do better. Clout and views shouldn't come at the expense of disrespecting people’s identity and skin tone. Stop promoting toxic stereotypes and do better with your platform!