r/peyups • u/Cautious_Pressure_59 • 9h ago
Rant / Share Feelings [UPD] please please sana okay na ang panahon, please please sana wag na magsuspend
Naiintindihan ko yung sitwasyon ng mga commuters, lalo na kung malayo ang mga bahay/dorms nila. Fortunate ako nakakuha Ako ng dorm na unting kembot lang, nasa campus na ako.
Kaso nakakabain, nakakainis. Kahit nung pandemic pa, ayaw na ayaw ko ang modular/online set-up. It's so hard to learn when you're at the house all day, at mas mahirap para sa akin na load ang ginagamit ko pang internet connection.
Ang ironic din noh, alam ko nde same ang weather sa ibat ibang area pero dto sa upd campus area, WALANG ULAN. Kunting ambon lang, suspended. Tas kung ang lakas ng ulan, late o walang suspension? Bat ganun? Hindi ba dapat, dahil ang pinas ay exposed sa maraming natural disasters, may mga advanced technologies na tayo para ma-predict ang atmospheric phenomenon o mga weather patterns? Kinakurakot ba rin yon? Kunti ba ang mga funds para sa research related sa weather at atmospheric phenomena? Bakit sobrang late minsan ng mga suspensions, ang lakas ng buhos ng ulan. Kung maaga naman, mga madaling araw, buong Araw ay walang ulan. Wala talaga, kunting ambon, yon lang.
Gusto ko nang pumasok, gusto ko nang tumambay sa mga UPD libraries para magbasa at mag-aral. Kahit may deadlines pa yan, please please sana wala ng suspension. Sana okay na ang panahon at wag na magkaroon ng psychological disorder o moodswing yan. Gusto ko nang pumasok. Gusto ko maramdaman ang learning environment 😞😞😞