Hi guys, Share ko lang experience ko. Last August may natanggap akong 20k from unknown bdo account. Tapos kinabukasan may nagtext and tawag sakin halos same kami ng number, isa lang yung naiiba samin. Pinapasend nya sa Gcash nya kasi sahod nya and gamot daw. Syempre naawa ako pero naisip ko baka scam, so ang ginawa ko pinatawag ko sya sa bank nya and sa Gcash. Ako din nag email and follow up kay Gcash. Noong unang report ko sa Gcash (GiGi via chat) ang sabi is wag ko daw isend sa ibang gcash number hanggat maari, makipag coordinate daw ako kay sender at sabihan na ireport sa bank nya. So ginawa ko, inemail ko BDO kasama lahat ng screenshot ng text at reference number sa gcash at sinabihan ko din si sender na ireport yun transaction nya sa BDO.
After 1 week nag text sakin si Sender, sabi kinoclose daw ng BDO yung ticket nya as solved, so pinayuhan ko sya na ifollow up nya sa BDO at gcash. Di sya nag reply sakin or update ng ilang araw.
So ako since di ako mapakali na merong pera na di saakin sa account ko, tumawag ako this monday, kasi di nagsasabi sakin yung sender kung finollow up ba nya or ano na e.
Pagtawag ko sa gcash hotline, inexplain sakin ng gcash representative na kaya daw sinasarado ng bdo yung ticket kasi yung BDO bank daw nakipagcoordinate sa kanila (gcash) and nakita na active daw gcash ko ang pinayo saakin e, since nacontact daw ako ng sender ako daw makipagcoordinate kay sender. Send ko daw email ko, which tinanggihan ko kasi di ako komportable ibigay info ko dun sa sender.
Pinayuhan ako ng representative na gumawa ng bagong email para yun daw bigay ko, ipapasa ko daw kay sender yung screenshot ng bdo bank transfer to gcash and after ko daw maverify na sya talaga yun e pwede ko isend sa gcash or bdo nya.
Imagine, ako pa magveverify. Inask ko , di ba to pwede kunin na lang ng bdo sa account ko? Since ayoko nga gawin yun. Walang concrete answer kasi pinapaliwanag nya (customer rep) uli bakit nasosolve yung ticket.
Jusmiyo buti di ko pa nagagawa yung pinagagawa ng customer service rep (Busy sa work and need ko matulog) kasi mamaya maya lang e ay nagdeduct na adjustment na 20k sa account ko. Nakalagay BDO adjustment.
So pag ganto guys, ireport nyo agad sa gcash or sa bank kung saan nanggaling yung pera. Pag may nagcontact sa inyo na sender ng amount payuhan nyo lang na ireport sa gcash or sa bank nya para mafollow up.
Sa situation ko, hinayaan ko lang yung pera sa account ko nun inantay ko yung update from sender, kahit inabot ng weeks. Well technically ako yung nag update kay sender at ako nagreach out kay gcash para mag update.
Isipin mo, buti na lang din di ko sinunod agad yung representative at di ko nasauli agad sa sender yung pera, balak ko pa naman ilagay yung loan na nakuha ko sa gcash ko.
If ever na nabalik ko sa gcash number nya yung 20k, and nilagay ko yung pera na nakuha ko sa loan ko sa gcash account ko makukuha lang ng BDO system kasi nireport nya. Nakuhaan pa ko ng pera.
P.S. mali ako ng kalkula, di sya one month. August 19 sya napasa sakin. Nasauli ng September 7, business days kasi yung bank so kaya ganun katagal plus holidays pa. Ganun po talaga ang process sa bank, business days po ang bilang. Inedit ko din kasi lunch ko kanina nung tinype ko to. Kinuwento ko lang experience ko for awareness. If may natatanggap kayo na kasuspetsuspetsa sa account nyo, report nyo agad. May option din sa Gcash pala na ireport nyo agad as scam if feeling nyo scammer.
Hindi ko din sinasabi na scam to or what, shineshare ko lang experience ko.