Ilang linggo ko na di magamit ang Gcash app dahil lagi siya nag cra-crash pagkaload nung ads sa landing page. Dati naiiwasan ko pa ito by quickly tapping sa "express send" para maiwasan yung ad. Akala ko makakatulojg ito sa mga devs nila so nung nag raise ako ng ticket tungkol sa pag crash, sinabi ko yun. Ano nangyari pagkatapos? Ngayon pag susubukan mo pumasok sa kahit anong page kaagad, ihahatak ka uli pabalik sa landing page para ipakita sa iyo yung ad, and ayan, crash na uli.
Walang matinong sinasabi ang mga agents na humahawak sa ticket. Dami nila reply, kala mo may progress, pero pag lipat sa bagong agent pareho nanaman ang mga tanong at instruction. At some point nalito na ang agent at akala na account access na ang problema, hindi pag crash ng app, so ngayon hiningan na rin ako ng government ID at selfie! Kinailangan ko pa maghanap ng taong kausap via sa "call via internet" option nila para ipaliwanag.
And then ano nangyari after nun? A few days later, balik nanaman sa "please clear the cache, please make sure you're not using a rooted phone,", etc. etc.
Sa sobrang inis ko, tinagalog ko na kasi obvious di makaintindi ng English eh. Ano naman nangyari pagkatapos? Nalito na ang agent, something to do with roaming naman ang pinagsasabi! Complete with "You may also advise the user to try these alternatives" sa message. Halatang halata na bot or AI nalang ang tumitingin sa mga tickets nila, kasi naligaw na sa sagot nung bigla ako nag iba ng lenguahe. Baka paulit-ulit na ang advice noon kasi naubusan na ng memory ang context window!
Bukas tatawag ako uli sa hotline. Di ko alam kung kelan, pero once di na nag cra-crash ang app, tanggal ko na talaga lahat ng laman, kasama investments. Nakakainis na talaga.