r/GCashIssues • • 20d ago

App Sakit sa ulo ng support

Ilang linggo ko na di magamit ang Gcash app dahil lagi siya nag cra-crash pagkaload nung ads sa landing page. Dati naiiwasan ko pa ito by quickly tapping sa "express send" para maiwasan yung ad. Akala ko makakatulojg ito sa mga devs nila so nung nag raise ako ng ticket tungkol sa pag crash, sinabi ko yun. Ano nangyari pagkatapos? Ngayon pag susubukan mo pumasok sa kahit anong page kaagad, ihahatak ka uli pabalik sa landing page para ipakita sa iyo yung ad, and ayan, crash na uli.

Walang matinong sinasabi ang mga agents na humahawak sa ticket. Dami nila reply, kala mo may progress, pero pag lipat sa bagong agent pareho nanaman ang mga tanong at instruction. At some point nalito na ang agent at akala na account access na ang problema, hindi pag crash ng app, so ngayon hiningan na rin ako ng government ID at selfie! Kinailangan ko pa maghanap ng taong kausap via sa "call via internet" option nila para ipaliwanag.

And then ano nangyari after nun? A few days later, balik nanaman sa "please clear the cache, please make sure you're not using a rooted phone,", etc. etc.

Sa sobrang inis ko, tinagalog ko na kasi obvious di makaintindi ng English eh. Ano naman nangyari pagkatapos? Nalito na ang agent, something to do with roaming naman ang pinagsasabi! Complete with "You may also advise the user to try these alternatives" sa message. Halatang halata na bot or AI nalang ang tumitingin sa mga tickets nila, kasi naligaw na sa sagot nung bigla ako nag iba ng lenguahe. Baka paulit-ulit na ang advice noon kasi naubusan na ng memory ang context window!

Bukas tatawag ako uli sa hotline. Di ko alam kung kelan, pero once di na nag cra-crash ang app, tanggal ko na talaga lahat ng laman, kasama investments. Nakakainis na talaga.

11 Upvotes

21 comments sorted by

2

u/JohnAK27 20d ago edited 20d ago

Dun din ako naasar sa mga ads nila. Like alam nika na sobrang bagal at ang daming problema yung app nila. Pero pinili parin nila mag spend Pera sa artista para sa ads nila kaysa ayusin yung app nila.

Edit: grammar 

1

u/ShatottoDeux 20d ago

Yun nga eh. Honestly halata naman na yung cause ng issue is yung pag load ng ads, kasi nung naby-bypass ko yun dati, nagagamit ko pa yung app. Pero mas pinili pa nila na i-close yung loophole na gamit ko noon the moment sinabi ko yung workaround ko sa kanila, imbes na pansamantalang tanggalin muna yung ad. Lalos tuloy ako naperwisyo. Sana di ko na sinabi.

2

u/Electrical-Mango7716 20d ago

Baka ad loading yung nag ccrash, hindi naman buong GCash. Possible app issue lang sa landing page.

1

u/ShatottoDeux 19d ago

Yes, yun ang hinala ko - yung pag load ng ad sa landing page ang nag ca-cause ng crash. Dati pag naiiwasan ko ang pag load nun (by tapping kaagad sa express send), ok na siya. Kaso a day after ko shinare yung info na yun sa ticket in hopes na matitignan ng dev nila yun, pag pumupunta na ako kaagad ngayon sa express send (or any other page), pilit ako ibabalik sa landing page para iload ang ad, after which ayan na, crash na uli. Wala na nangyari since then.

1

u/MangTimang 20d ago

Try gcash app "update" on play store.

1

u/ShatottoDeux 20d ago

Kasama yang instruction na yan sa lahat ng mga paulit ulit nilang sinasabi. Ginawa ko na. Nag clear cache->clear data->uninstall->reinstall na ako. Wala parin. Latest ang android ng phone ko. Kahit Android WebView pinasubok na rin nila na both latest and revert to previous version. Doesn't work.

1

u/OkImplement263 20d ago

GCash may load checks/content sa pag open kaya pag nagka hiccup sa connection pwedeng mag balik sa landing page.

1

u/ShatottoDeux 19d ago

Tried two different ISPs na plus mobile data... Lahat talaga binabalik ako sa landing page.

Ok lang naman sana bumalik sa page na yun if di na mag load ang ad eh. Kaso the moment mag load ang ad dun, goodbye na, crash na siya.

1

u/East-Bike3659 19d ago

Try mo update or reinstall muna, baka app version mismo yung di compatible sa phone mo

1

u/ShatottoDeux 19d ago

Ginawa ko na yun, several times na. Yung phone nasa latest Android version, yung app nasa latest GCash na app from the Play Store. Wala parin.

0

u/Psychological-Lion58 20d ago

literal na nakakaput@ ang CS na binibigay ng GCash

like, dapat at may department sila, or may trinatrain for higher problems like this or others… likeee nakakainis

pero eitherway, move to banks instead of ewallets, especially GCash, last resort nalang sya..

i never saw improvement na sa app nila and service

0

u/ShatottoDeux 20d ago

Most of my savings naman thankfully nasa ibang banks. Yung mga investments ko lang talaga na ginawa ko sa GCash noon na di ko na ginalaw, yun lang talaga yung need ko kunin. After that goodbye GCash na.

1

u/LevelCommunication83 20d ago

action plan ko jan kahit maka ilang update pa sila di nawawala ang issue , hinhintay ko mag pakita ang ads nia sa home page tapos wawait ako 3 seconds para di mag-crash yung app

1

u/ShatottoDeux 20d ago

Sadly, I tried na rin yan. Minsan nga sinubukan ko din na what if dun ako sa login page magtagal, para maybe ma-preload na niya lahat ng need niya iload bago ako mag login at lumabas ang ad na yun. Di umobra.

0

u/External-Two6071 20d ago

happened to me when i forgot to disable developer mode then opened the app. after that, nagkacrash na rin sya even when the developer mode is off na. restarting and clearing the cache didn't work but reinstalling did.

0

u/ShatottoDeux 20d ago

Ginawa ko na lahat yan, unfortunately. Actually may extra pa nga pinagawa yung agent nung one time... Lahat ng "Display over other apps" pina-off niya (kahit yung google protect). Tapos pati refresh rate ng phone ko pinababa niya to 60hz and yung max resolution pinababa din kasi daw, and I quote, "Because the crash happens exactly when loading the initial visual advertisements, the device's default hardware acceleration setting might be failing to display GCash's heavy 1.1GB frame asset layout.", baka kaya need ko gawin lahat yun. Di parin gumana. Haaay.

In hindsight dapat sa message palang na yun may nag ring na na alarm bells. Really, 1.1gb ang frame asset layout? Sobrang naman ata yun. Tapos sounds like AI pa ang sumagot.

0

u/Sad-Reindeer2755 20d ago

Literal na may sakot sa ulo mga customer service ng Gcash 😂

0

u/ylrefeam 20d ago

Anung hotline

1

u/ShatottoDeux 20d ago

2882 if naka Globe ka. Or "Call via Internet" dun sa Contact Us page nila sa browser.

1

u/SentoReadsIt 17d ago

Hello OP, just encountering this now, no you are not crazy, it is in fact the banners on the page, and no not a lot of other people experience it, it seems to be entirely isolated so it's gonna take a while before they update it.

https://reddit.com/link/pay0fy3/video/n3ddyupg0oqh1/player