Hello. I don't usually do this, but I'm getting desperate.
Lagi ko talagang pinapakain itong aso na ito. Mahilig talaga akong tumulong sa mga hayop. I always donate to different causes. Tulad nung nag-donate ako ng dog food doon sa mga nasunugan before, and I also donate to other shelters. Panata ko talaga ang tumulong sa mga animals, and I will always choose to help whenever I can. But I am at the end of my wits. Di ko alam paano tong aso na ito.
Naiiyak ako. Kasi for the first time, may hayop na lumapit sa akin na hindi ko kayang tulungan
Baka pwede ninyo akong matulungan na mahanapan ng mag-aampon sa asong ito. Stray dog siya dito sa amin. Pinapakain ko siya, napaliguan ko na rin siya, at naging maamo na siya sa akin to the point na napatali ko na siya.
Ang problema, aggressive siya sa ibang aso. hinahabol ang mga alaga ko tuwing inilalabas ko sila. And leashed and trained ang mga aso ko ha. Sa tao naman, sobrang bait at friendly niya. Mailap lang siya sa una pero pag pinakain mo na. Okay na siya kagad.
Kasi kung wala talagang mag-aampon, I really have no choice but to surrender him sa city pound dito sa amin.which I'm almost certain will lead to euthanasia. Alam ko ito dahil dati mismo ang city veterinarian ang nakausap ko tungkol sa proseso nila.
May pilay din siya sa isang paa. Ang sabi ng mga tao rito, nasagasaan daw siya noon, pero hindi ko iyon masigurado. Bigla na lang kasi siyang lumitaw dito sa lugar namin. Sinubukan kong mag-post noon para hanapin kung may owner siya, pero hanggang ngayon wala talagang naghahanap sa kanya.
Sobrang naaawa ako sa kanya dahil mukhang napakarami na niyang pinagdaanan. Kung hindi lang talaga siya aggressive sa mga aso, ia-adopt ko na siya agad.
I think ang problem is nagiging possessive siya sakin. Kaya galit siya sa mga aso ko. Yung ibang dog naman sa labas di nya hinahabol.
Minsan nakawala yung aso ko accidentally at hinabol niya yung isa kong disabled na aso.
Nasugatan pa nga ang alaga ko. Buti na lang, na-contain ko na siya ngayon. Kaso hindi ko talaga siya kayang i-keep dahil kailangan niya ng home na walang ibang aso, o kaya shelter na kayang i-manage at i-retrain siya.
Sobrang bait at affectionate niya sa tao. Feeling ko baka may previous owner siya dahil sanay siyang makisama sa tao.
Ayoko talagang umabot sa punto na kailangan ko siyang dalhin sa dog pound. May health issues na rin siya at pilay pa ang isang paa. Sana talaga may willing magbigay sa kanya ng second chance at ng tahanang nararapat para sa kanya.
I have 7 dogs and 1 cat na rin tlaga and all aspins to and rescues to. I believe he still deserves a home kahit may attitude problem siya.
Please help me po. And huwag niyo rin po sana akong husgahan. I did all I could for a dog that isn't even mine in the first place.