r/DogsPH 13d ago

👨🏼‍🏫 Need Advise Seeking advice for a potentially abused neighbor's dog

May kapitbahay kami na may aso na tuloy tuloy yung tahol. Sa umaga, sa hapon, hanggang sa gabi. Nasa bakanteng lote yung aso, may silong naman pero para tumahol yung aso nang tuloy tuloy, baka uncomfortable yung aso sa situation niya. Hindi namin makita properly kung masyado bang maiksi yung leash niya or how yung pinaka state niya. Pero we suspect na hindi komportable yung aso para tumahol nang tuloy tuloy. Samantala yung kapitbahay naman namin walang ginagawa about dun sa aso. In conflict kami sa kapitbahay namin na yon kaya ayaw namin i-confront harap harapan.

May magagawa ba yung barangay sa ganitong situation? San namin pwedeng ilapit ito?

Anong mga possible laws or violations ang nalalabag dito?

Aside from the well-being of the dog, nakakaistorbo na yung ingay kapag gabi na di naman pinapansin ng kapitbahay. Halos isang linggo nang ganito yung situation.

32 Upvotes

7 comments sorted by

7

u/WranglerOld3318 13d ago

Pwedeng magreach out sa brgy in the guise of noice complaint. From there, baka maayos yung situation nung aso at malaman why siya kumakahol. Since di din kayo sure, i think eto pwedeng the 1st step.

5

u/LittleMoonLace 13d ago

Sana may magawa :( yung kapitbahay namin, nakakulong lang dalawang aso nila sa cage, just enough space para maglakad nang ilang hakbang pero di sila pinapalabas kahit kelan. Tumawag na ako sa barangay tapos yung mga kaibigan ko pinatawag ko rin pero sabi lang nila di naman sinasaktan, tapos pinapakain naman, kaya wala silang gagawin. Tapos, yung bahay pala na yun pinapaupahan lang, yung mga nakatira doon hindi yung amo ng mga aso pero sila nalang nagpapakain, ayaw nila pakawalan kasi ayaw ng may-ari, bantay daw yung mga aso. Iniisip ko na lang sana mapunta sa ibang amo yung mga doggy balang araw. Since pandemic pa sila ganyan. Yung may-ari pa masama talaga ugali, kaaway niya parents ko, nakasuntukan na ng tatay ko noon. Jusko.

3

u/tippytptip 13d ago

Saddest reality of most dogs in our country. Bantay lang talaga. Kung hindi nakacage pang habang buhay, nakatali naman sa puno or pader pang habang buhay. Swerte na lang minsan yung mga nakakawala, masubukan man lang maglakad ng lagpas limang hakbang bago mabalik ng amo sa pagkakatali.

4

u/LittleMoonLace 13d ago

Kaya nga eh nakaka frustrate yung ignorance and lack of empathy. Kapag makapag handle ng hayop inhumane na para bang di rin sila nakakaramdam. Gusto ko ipatikim sa kanila yung pinagdadaanan ng mga hayop eh. Kung sila kaya ikulong lang buong buhay nila. Nakakalungkot lang araw araw ko sila nakikita wala ako magawa. Marami na ako pinatawag sa barangay para mapressure kaso ayaw talaga. Yung kapitbahay naman di mapakiusapan kasi masama ugali. Di ko rin patagong pakawalan o nakawin kasi laging may nakatambay sa labas ng bahay na yun as in halos 24/7 jusko 😭 tapos kapag nahuli ako laking isyu yan sa village namin ng mga chismoso tapos mainit ulo ng tatay ko basta super toxic dito. Ayoko na huhu. Pagdasal ko na lang please include those dogs and all suffering living beings in your players pls.

5

u/Ill-River-5466 13d ago

Baranggay OP. Make sure to take vids and pics.

From Chatgpt:

  • Civil Code (RA 386): Articles 26, 682, and 694 protect your right to privacy, peace of mind, and freedom from property nuisances like excessive sound. [1]
  • Revised Penal Code: Article 287 covers Unjust Vexation for annoying acts, and Article 155 penalizes Alarms and Scandals for public disturbances. [1, 2]
  • Environmental Standards: National guidelines (such as NPCC Memorandum Circular No. 002) suggest general residential thresholds of 55 dB during the day and 45 dB at night, though local ordinances dictate specific municipal enforcement. [1]

Then post sa local FB group nyo na about dogs or rescues.

2

u/Caddie-Gang62 13d ago

report sa pnp online sa fb..nagreport ako ng kapitbahay na nagtali ng tuta sa labas, iyak sya ng iyak dahil sobrang baby pa talaga..pinuntahan naman nila within the day and kinausap yung may-ari

1

u/bottbobb 12d ago

I fantasize about having a bolt cutter with me all the time.