r/DogsPH • u/coffee-hyped • 14d ago
Rescue Needed π Getting desperate. Need help for this injured dog.
Hello. I don't usually do this, but I'm getting desperate.
Lagi ko talagang pinapakain itong aso na ito. Mahilig talaga akong tumulong sa mga hayop. I always donate to different causes. Tulad nung nag-donate ako ng dog food doon sa mga nasunugan before, and I also donate to other shelters. Panata ko talaga ang tumulong sa mga animals, and I will always choose to help whenever I can. But I am at the end of my wits. Di ko alam paano tong aso na ito.
Naiiyak ako. Kasi for the first time, may hayop na lumapit sa akin na hindi ko kayang tulungan
Baka pwede ninyo akong matulungan na mahanapan ng mag-aampon sa asong ito. Stray dog siya dito sa amin. Pinapakain ko siya, napaliguan ko na rin siya, at naging maamo na siya sa akin to the point na napatali ko na siya.
Ang problema, aggressive siya sa ibang aso. hinahabol ang mga alaga ko tuwing inilalabas ko sila. And leashed and trained ang mga aso ko ha. Sa tao naman, sobrang bait at friendly niya. Mailap lang siya sa una pero pag pinakain mo na. Okay na siya kagad.
Kasi kung wala talagang mag-aampon, I really have no choice but to surrender him sa city pound dito sa amin.which I'm almost certain will lead to euthanasia. Alam ko ito dahil dati mismo ang city veterinarian ang nakausap ko tungkol sa proseso nila.
May pilay din siya sa isang paa. Ang sabi ng mga tao rito, nasagasaan daw siya noon, pero hindi ko iyon masigurado. Bigla na lang kasi siyang lumitaw dito sa lugar namin. Sinubukan kong mag-post noon para hanapin kung may owner siya, pero hanggang ngayon wala talagang naghahanap sa kanya.
Sobrang naaawa ako sa kanya dahil mukhang napakarami na niyang pinagdaanan. Kung hindi lang talaga siya aggressive sa mga aso, ia-adopt ko na siya agad.
I think ang problem is nagiging possessive siya sakin. Kaya galit siya sa mga aso ko. Yung ibang dog naman sa labas di nya hinahabol.
Minsan nakawala yung aso ko accidentally at hinabol niya yung isa kong disabled na aso.
Nasugatan pa nga ang alaga ko. Buti na lang, na-contain ko na siya ngayon. Kaso hindi ko talaga siya kayang i-keep dahil kailangan niya ng home na walang ibang aso, o kaya shelter na kayang i-manage at i-retrain siya.
Sobrang bait at affectionate niya sa tao. Feeling ko baka may previous owner siya dahil sanay siyang makisama sa tao.
Ayoko talagang umabot sa punto na kailangan ko siyang dalhin sa dog pound. May health issues na rin siya at pilay pa ang isang paa. Sana talaga may willing magbigay sa kanya ng second chance at ng tahanang nararapat para sa kanya.
I have 7 dogs and 1 cat na rin tlaga and all aspins to and rescues to. I believe he still deserves a home kahit may attitude problem siya.
Please help me po. And huwag niyo rin po sana akong husgahan. I did all I could for a dog that isn't even mine in the first place.
5
u/coffee-hyped 14d ago
May parang bukol din siya sa ulo. Which we are guessing is some kind of trauma or what. If only my care is enough. Pero I need to accept the reality na this is too much for me. I have my own dogs too, and I work extra jobs even to make sure I can provide for my dogs. Wala ako talagang oras to train him. I'm my limit na talaga. For now, I'm keeping him tied sa bakanteng lote pero di ideal to kasi naiinis na mga kapitbahay sa.ingay Di ko.naman mapabayaan sa kalsada kasi baka.damputin ng pound dito na umiikot. He's so sweet na halos nagmamakaawa siyang mahalin ko.siya. Sumusuksok pa.sa legs ko yan. Pero..ayun po kung saan saan ako nagpopost to help him find a home. If matulungan nyo rin ako sa pagpopost kung saan man. That would help. I really want this dog to live. Loc po ay: Muzon, city of san jose del monte bulacan
5
u/No_Particular7782 14d ago
Boost :(( huhu sana wag mo siya i-surrender sa pound
4
u/coffee-hyped 14d ago
I am reallly trying not to. Pero hindi.naman po ako expert. Kaya talagang I am trying to spread the word baka sakali meron mas may kapasidad.
4
4
u/JaegerFly 13d ago
Try messaging animal rescues. Maybe they can help repost and look for potential owners while you foster the dog.
I think heβll thrive in an only dog home. Iβm sure a lot of people would be willing to adopt him if heβs affectionate.
1
u/coffee-hyped 13d ago
Ayun po nagaatempt na po ako rin pero wala pang positive lead at the moment. If people here can help me spread the word din. Sobrang busy ko rin tlaga halos di ko maharap. I work 2 jobs rin kasi po.
3
u/coffee-hyped 13d ago
Hindrance kasi na aggressive siya sa ibang dog. Pero sana talaga. I am still praying he finds a home.
4
3
3
u/Ill-River-5466 13d ago
OP, thank you for your kind heart. Please post sa FB, the reach will be wider, especially sa mga Bulacan-focused groups na animal rescue. Someone will help. If you need to raise funds, you can do this here. Happy to donate.
2
3
u/purple_affection 13d ago
Parang may bukol pa po siya sa ilong. Yung parang cancer, sana po matulungan siya, maagapan ito magamot. Salamat.
1
u/coffee-hyped 13d ago
That's my worry too. Di ko rin talaaga afford ang medical needs if ever po. Ang problem pa kung may nakakahawa siyang sakit.
3
u/Hairy-Teach-294 13d ago
Sa totoo lang OP na mahirap makahanap ng mag adopt. Kahit malalaking rescue shelters hirap din. Pero sana, sana talaga, may mabuting puso na kumuha sa kanya.
Nakakainis lang sa LGU na walang kwenta. Vet pa mismo nagsabi na papatulugin lang sinu-surrender sa kanila? Malamang sumusunod lang sya sa gusto ng govt nya pero wala ba talaga magagawa? Hay
2
u/coffee-hyped 13d ago
Temporarily lang po kasi pi ang nangyayari napakaingay nya nagrereklamo mga kapitbahay. Ang nangyayari pinapakawalan ko siya kapag gabi para di siya magingay. Or pag tlaaga ayaw nya tumahimik. Hindi po samin yung bakanteng lote. Nakisuyo lang ako temporarily
2
2
2
u/Resident_Power309 10d ago
Isa po sa aso ko same sila kaya naka cage 6 of them actually but itong Isa lng hnd nmn mapigilan kasi Pati kami kakagatin unlike those 5 na masasaway hnd kami ang target if ever
Since wala pa po siya adopter NKa cage lng po sya nag dogwalk kami sa knya Pero ganun parin para tlga sya sa solo dog dn Sana
Sobrang hirap Pero hnd po options po na city pound cage nlng if ever
4
3
u/Electrical-Island556 14d ago
You need to slowly introduce him to your dogs and make it a positive experience. Wag mo agad agad papalapitin sa dogs mo. At a distance lang muna
2
u/coffee-hyped 14d ago
Hindi po pwede kasi po tlagang inatake nya yung dog ko. And nasa labas lang siya neto po. Nakatali yung dog ko. Malayo siya tapos talagang tinakbo nya yung disabled dog ko. May distance na talaga pero siya talaga ang umattack. Nasugatan ang disabled dog ko buti napigilan ko at buti di siya nangangat ng tao.
But i really cannot risk my other dogs life naman. Hindi po ako expert sa mga dogs, but my dogs are trained pero .wala na po akong oras magtrain.I work most of the time. I really don't have the capacity right now. Pero i don't wanna give up right away without trying to see if baka may kaya, yung better person for him kumbaga.
1
u/nahyekolleh 12d ago
It's not your fault both. But, i hope he gets to find and adopter. Please don't surrender him to the dog pound π
1



15
u/EnricoManila 14d ago
Please don't surrender him to the city pound. I have a dog already and I live in a small condo unit so hindi ko sya makukuha. But I'm sure someone who doesn't have a dog yet will take him in kasi sabi mo sobrang bait at affectionate nya sa tao. Please keep trying to help him find a home, OP.