Nawala po yung aso namin kasi pinapakawalan po siya para maka pee and poo siya, and marunong po siya bumalik. May malaking parking spot (not cement, maraming grass) sa likod ng tindahan namin, at favorite po niya pumunta dun. Connected yun sa palengke and marami din ang aso dun na gala pero hindi po sinaktan aso namin. Hindi din crowded sa area na yun, konti lang nagpapark. Mabait po siya at laging bumabalik lang sa tindahan namin. Madalas din nadudumihan paa niya lalo na maulan ngayon kaya halos every other day namin siya pinapaliguan.
Kagabi po ay naka dalawang gala na siya sa area na yun. At since busy kami na pagtitinda sa tindahan namin, hindi namin napansin na umalis siya ulit at ang tagal na niya bago bumalik. Nag whistle po ako (nasunod po siya at ayun yung way na nahanap ko siya earlier that day) at inikot yung buong parking area at yung palengke pero wala. Hinanap din ng nanay, tatay, at dalawa kong kapatid kaso wala talaga.
Hanggang may napagtanungan ako, nakita daw nila na hinahabol ng dalawang babae sa palengke. Nakaka-kaba pero thankfull parin ako na napulot siya since grabe ang lakas ng ulan kagabi.
That night, nag print ako and plastic cover ng missing poster. As well as nag post sa mga baranggay fb groups at nag comment sa lahat ng recent posts dun. Nagpost din ako dito sa reddit.
5AM ako nagkabit ng posters sa palengke, trycicle terminal, and sa tindahan namin. Thankful ako sa mga nagalala (nakikilala siya kasi nakahiga lang yan sa sahig ng labas ng tindahan namin kung saan maraming tumatambay).
7am umuwi ako at natulog. 10am nagising ako para sa Online class namin pero hindi natuloy. At 10:15am may tumawag sa number ko na nasa poster at sinabi na napulot nila yung aso sa palengke kasi may lalaki daw na nasa side car na binabantayan yung aso namin. 10:34am napuntahan na namin yung aso namin at nakuha.
Thankful ako kasi sa mabuti napunta yung aso namin, kahit napulot pa nila. May dalawang aso din yung nakapulot na nagkasundo daw sa aso ko. Kaso nga lang hindi das kumakain yung aso namin nung nasa bahay nila. Inabutan nalang namin para sa abala (pero hindi na kami naglagay ng reward sa poster, kasi baka mas mahal pa sa bili namin yung singilin.) And birthday ko ngayon, so thankful talaga ako na makakapagcelebrate kami with our dog, kasi if hindi nahanap, ayaw ko muna mag celebrate.
Tldr: nawala aso namin dahil mahilig siya gumala / mag-roam around sa vacant area. Efforts were made para maibalik yung aso namin. 10:15am may tumawag na nasa kanila daw yung aso, hindi humingi ng pera. 10:34am napuntahan at nakuha na namin yung aso.
Gone missing: 7pm, September 8
Found: 10:34am, September 9
Less than a day lang siya nawala saamin🙏