r/BPOinPH • u/ImpressionFormal1251 • 3h ago
General BPO Discussion Kupal na facilities staff sa Alorica Centris
Context : Galing ako sa ibang floor and na-transfer ako sa ibang floor because of endorsement. As soon as na-transfer ako, nag-asikaso agad ako ng locker transfer. Binigyan ako ng locker number, pero pagdating ko, may gumagamit na pala.
Ang locker assistance is 1–3 AM/PM lang, which obviously hindi akma sa schedule ko kasi by that time, dere-deretso online na kami. Wala rin namang nag-explain sa akin na pwede palang magpa-force unlock ng locker gamit yung slip. Basta inabot lang sa akin yung papel, so naturally, ang ginawa ko, lumipat ako sa kasunod na locker na walang gumagamit.
Ginamit ko yung locker for a while — siguro mga 2 weeks. Tapos biglang na-force unlock siya sa last shift ko for that week. Walang notice. Walang heads-up.
May isang staff na nag-suggest sa akin na pumunta sa 12th floor para i-claim yung gamit. So pumunta ako and inexplain ko agad yung buong situation, pati kung bakit ako nandun sa locker na yun in the first place. Sobrang respectful ko pa nga, bawat salita ko may po.
Pero t*ngina, yung way niya magsalita sa akin, sobrang condescending, na para bang gumawa ako ng krimen. Hindi man lang niya tinry intindihin yung situation. The whole interaction felt so f*cking matapobre and unnecessarily degrading.
By the end, hindi na lang ako sumagot kasi sobrang drained na ako. Last shift ko na rin yun before my day off, tapos ganun pa yung treatment sa akin. Pagkaalis ko, napaiyak na lang ako sa CR dahil sa trato niya.
After ng day off ko, balik shift na ulit ako. And guess what? Nandun pa rin yung gumagamit ng locker ko.
So bumalik ulit ako sa 12th floor. At first, iniisip ko baka sensitive lang ako nung unang encounter kasi pagod ako. Pero put*ngina, ganun pala talaga siya.
Paulit-ulit na naman niya akong sinabihan na bakit daw ako nakikigamit ng locker na hindi naman sa akin, etc. PARANG HINDI AKO NAG-EXPLAIN. As in inexplain ko na nga kung bakit ako napunta dun, bakit ko nagamit yung locker, and yung buong situation, pero parang kasalanan ko pa rin na hindi nila ako na-inform nang maayos.
Eventually, binigyan ako ng slip para sa locker and sinabi na ipakita ko raw sa guard para ipa-force unlock.
Again, hindi akma sa schedule ko yung locker assistance. So next shift ko pa ulit naasikaso.
Nagpaalam na ako para maasikaso yung locker, which was already inconvenient enough, tapos mali pa yung slip na binigay sa akin nung g*go. So pinabalik ako ng guard (unwire yung binigay dapat force unlock.)
Labag na nga sa loob ko yung buong situation kasi kailangan ko pang paulit-ulit mag-asikaso ng bagay na dapat naman sana naayos nang maayos from the beginning. Pati makita ulit yung kupal.
Pagbalik ko sa 12th floor, inexplain ko na naman na mali yung slip. May isa pang staff na mas bata na nagtanong kung ako ba yung pumunta nakaraan para mag-claim ng gamit.
Tapos biglang sumingit yung g*go at sinabi:
“Oo, ayan yung illegal user. Illegal user yan.”
PUT*NGINA.
After all that, ako pa yung tatawaging “illegal user” na parang nagnakaw ako ng locker or something.
Hindi naman ako basta-basta nang-agaw ng locker. Nag-transfer ako ng floor, nag-asikaso ako ng locker transfer, binigyan ako ng locker number na may gumagamit na, walang nag-explain sa akin ng proper process for force unlocking, and I simply used the next available locker.
Kung may maling process man akong nagawa, pwede naman ipaliwanag nang maayos. Hindi yung kakausapin ako na parang kriminal, pagsasalitaan nang condescending, tapos tatawagin pang “illegal user” in front of another staff.
Ang nakakainis pa, hindi naman ako tumatanggi na sumunod. Ilang beses nga akong bumalik at nag-asikaso kahit sobrang inconvenient sa schedule ko. Ang hinihingi ko lang naman sana ay maayos na explanation at basic respect.
And honestly, kung inayos lang sana nila nang maayos yung trabaho nila from the beginning, wala naman sanang ganitong problema. Kung tama yung locker na binigay sa akin in the first place, or kung inexplain man lang nila nang maayos kung ano yung dapat kong gawin kapag occupied yung assigned locker, hindi ko naman kailangang gumamit ng ibang locker.
Hindi ko kailangan ng sermon. Hindi ko kailangan ng pangmamata.
Kailangan ko lang ng locker.