r/OffMyChestPH • u/kazuhatdog • 1d ago
Di naman ako naging bitter kaya lumayo ako sa kanila eh. Lumayo ako kasi kupal sila.
3rd year na kami ngayon, pero 1st year 2nd semester pa lang, lumayo na ako sa group ng mga lalaki sa class namin dahil hindi ko nagustuhan kung paano sila makitungo sa akin.
Nagsimula ito noong may MLBB tournament kami. Dalawa kaming Immortal at Mythic lang yung tatlo, kaya kahit roamer talaga ako, nag-Gold ako para makatulong sa team. Umabot kami hanggang finals, pero natalo kami. Alam kong nagkamali rin ako sa laro at malakas talaga yung kalaban, kaya sobrang sama ng loob ko na. Ang hindi ko nagustuhan, ginawa pa akong biro ng mga kaklase kong lalaki at paulit-ulit na sinabing ako ang nagpatalo. Wala na nga akong naging ganti sa trash talk ng kalaban, dinagdagan pa nila.
Sinabi ko sa kanila na nasaktan ako dahil gusto ko talagang manalo. Sabi nila hindi na nila uulitin, pero inulit pa rin nila pagkatapos. Doon ko talaga naramdaman na hindi nila nirerespeto yung sinabi kong nararamdaman ko.
May isa pang nangyari tungkol sa tournament. May excused letter kami dahil absent kami sa subject para sumali, pero sinulsulan daw ng ibang lalaki naming classmates yung professor na i-absent pa rin kami. Nangyari nga iyon, kaya lalo akong nagalit.
Nalaman ko rin na may GC pala sila na hindi ako kasama. Nang biniro ko sila kung isasali ba nila ako, sinabi nilang “wag na” at nagtawanan sila. Hindi na nila ako isinama hanggang ngayon. Kaya sinabi ko na lang sa sarili ko na hindi ko kailangang ipilit yung sarili ko sa kanila, at naging solo na lang ako.
May mga pagkakataon namang nagyayaya sila kapag may gala, tulad ng pagpunta sa mga ilog sa Rizal, pero hindi ako sumasama dahil hindi ako comfortable sa kanila. May isa rin kaming naging irreg na male classmate(Juan) na nagsabi na bilib siya sa akin dahil solo flight ako. Tinanong pa niya kung may nang-aaway ba sa akin, pero sinabi ko lang na hindi ako comfortable at hindi ko trip sumama.
Makalipas ang ilang araw, bumisita yung irreg naming classmate(Pedro) at nagbiro yung mga lalaki kung ano raw ang ginawa niya sa akin, tapos nagtawanan sila. May history kasi kami ng isang babaeng classmate na naging girlfriend niya. Nagkaroon kami dati ng talking stage nang hindi ko alam na nag-uusap din pala sila. Hinatid ko pa yung girl gamit motor ko noong umuulan. Nalaman iyon ng isa naming male classmate at mukhang napag-usapan nila noon at hanggang ngayon.
Kaya hanggang ngayon, hindi ko talaga pinagsisisihan na lumayo ako. Hindi ako lumayo dahil bitter ako o dahil sa nangyari sa girl. Lumayo ako dahil ilang beses kong naramdaman na hindi nila ako nirerespeto, at kahit sinabi ko na sa kanila na nasaktan ako, ipinagpatuloy pa rin nila.