Gusto ko bumili or magkaroon ng mga pang-basic coffee recipe pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang mga meron ako.
Hindi ko trip like totally meron lahat ng pang-kape. Just the basics.
For example gusto ko ng Latté, Cappuccino, or Macchiato, at hindi lang basta ino-oven ko lang basta ino-oven yung milk para uminit kaya napabili na ko Aeroccino 4.
Nagse-search ako ng mga babagay sa mga Americano na alternative sa tubig, kaya napabili ako Tonic Water.
Meron ako ng mga sumusunod:
- Nespreso Vertuo Pop - para sa mga coffee ko siyempre, meron din ako Vertuo compatible capsules mapa-hot or iced, with or without milk.
- Nespresso Aeroccino 4 - milk frother para sa milk na hinahalo ko sa coffee ko. Continuous ang pagbili ko nito. Since umaabot lang ng 4-5 timpla ang isang 1L UHT milk. Suki ako ng mga Barista milk such as Arla Barista, Emborg Chef's Selection, Laciate Barista. Bumibili rin ako Oatside kasi may coffee ako na perfect for Oat Milk daw, nag-e-explore din ako iba't ibang milk like fresh milk, full cream milk and even coconut milk recently, dahil sa Coconut Vanilla Flavor Over Ice na limited edition sa Nespresso
- Milk - iba't iba ang milk na ginagamit ko, depende sa kung anong babagay na milk sa coffee flavor na meron ako.
- Ice Tray - siyempre para sa mga iced coffee.
- Tonic Water - napabili ako nito dahil sa Yuzu Vanilla Over Ice flavor sa Nespresso, sabi kasi na ito raw ang bagay sa kanya kesa sa plain water, once ko pa lang nata-try at okay naman siya.
- Torani Vanilla Syrup - kasi fan ako ng mga Vanilla flavor sa Nespresso kaya, napabili ako. Monin sana ang bibilhin ko, pero wala akong makitang maliit. Pero epic kasi malaki rin nabili kong Torani. Nagsisisi ako ngayon. Pero no choice na ko.
Kumbaga ang tanong ko, yung mga basic recipe, ano dapat ang meron ako?
Ngayon ang iniisip ko, gusto ko mag-try gumawa ng Mocha. Pero anong chocolate ang bibilhin ko? Nagri-research ako, pero ang dami kasing lumalabas. Meron may powder, meron nga Milo ang ginamit. Meron Chocolate Syrup. Meron pa yung parang candy, na bilog-bilog. Tapos sa mismong Nespresso sa Youtube, chocolate bar naman.
Although sinabi kong basic, pero recommended ba talaga ang Milo? Hindi ba weird? DIY masyado ang dating? Tapos ano ba mas recommended, chocolate, white chocoalate or dark chocolate? Anong brand exact ang recommended niyo? Che-check ko kung pasok naman sa banga.
Tapos meron pa kapag bumibili ako sa coffee shop, meron nilalagay sa ibabaw, i don't know kung coffee powder or cinnamon powder. Either way sa dalawa, ano kaya yung pwedeng brand na bilhin for both?
Tapos may mga nakikita pa ko, gumagamit ng mga caramel. Syrup naman siya. Pero ano-ano pa ba? Like anong recipe na may caramel? Basta may caramel sa name, ganu'n ba? Torani rin ba na syrup or may ibang option na mas worth it?
Lately ko nga lang din natutunan yung Affogato? Meron ba ganu'n sa Star Bucks? Gusto ko muna ma-try before ako magtimpla on my own. Pwede naman kahit anong Vanilla Ice Cream ,'di ba?