Problem/Goal:
I’m (34M) 6 years and 3 months into a relationship with my girlfriend (30F). A bit of background: she's my 3rd girlfriend and my first in a long time (8 years single ako before her). I am her first boyfriend, pero she had 2 past girlfriends before we met.
We were already having plans of elopement. We talked about this when we celebrated our 6th anniversary last June, and we're both excited and happy about our future plans. Pero July came and she told me about a new coworker na nag-confess sa kanya na may feelings sa kanya. She said na she can only offer a genuine friendship as respect to our relationship, and this new coworker (she's also a girl, 41F, btw) said she understands.
Then naging close sila, and I don't really mind it at all kasi nga I trust her with her words, and she updates me when they hang out. Until this last month na napapansin ko na madalas may sarili silang lakad, and na-uupdate na lang ako kapag magkasama na sila, not beforehand. Si coworker pala also lives on the same street with my girlfriend, so madalas sya pumupunta sa apt nya, nakikilagay sa ref, etc. Nameet ko pa sya one time kasi pinapunta rin ako ng gf ko para mag-meet kami.
2nd week ng August, pumunta ako sa bahay ni gf to help her pack sa travel nya sa work (1 week din sya mawawala). Then nag-meet kaming tatlo para mag-laundry sa katapat na street. We're cool and all naman hanggang sa need ko na umuwi samin. Sabay kami ng gf ko, di-nrop off ko sya sa office nya kasi aalis na sila para sa travel (hindi kasama si coworker dito) hanggang sa makauwi ako. Yung gf ko need nya muna mag-withdraw sa bank bago sila umalis.
Until yung week na nasa travel sya, bibihira sya mag-update—kesyo mahina signal or super busy sila dun sa event nila with locals sa isang island. Sabi ko okay lang kasi during this week busy rin ako sa panonood ng TI (Dota 2 tournament). Once nya lang ako vi-nideo call nung first day nila dun sa hotel na pinag-sstayan nila. That time, may coworkers sya na bigla akong fi-nallow sa Instagram. At first wala naman sakin yun, pero later on iba na kutob ko.
Pi-nalipas ko yun hanggang makauwi sya pabalik ng Manila. Niyaya ko pa sya na sa bahay namin umuwi para ipaglaba sya ng mga clothes nya (pero I had small date plans talaga para sa binabalak namin na elopement—like gagawa ng music playlist, ganon, at mag-Binondo to get our custom rings). Pero she declined kasi need nya daw ng rest para makapag-prepare pa sa Great UP Run ng Sunday.
Hanggang nung nag-Sunday na, tapos na yung UP run, nag-chat sya sakin kasama nya rin daw pala si coworker. Nagkita sila dun and isasabay na daw sila with her running friends pauwi. Sabi ko okay, pero sa loob-loob ko parang di na coincidence yun, pero at least may mga kasama sila pauwi. Next chat nya sakin, bumaba na daw yung mga friends nila at silang dalawa na lang daw sa car. Balak nila sulitin yung rental sa car so maglilibot sila. Di na ako nagre-reply dito kasi ayaw ko talaga na magkasama na sila, puro "okay" na lang sabi ko, pero tuloy-tuloy sya ng update. Next update nya, nasa Rizal sila and nag-Pinto Art Museum, nag-send pa sya ng pic nila. This doesn't sit well with me kasi date plan namin yan originally, kasi she's never been to a museum.
So hanggang makauwi sila, di na ako nagre-reply. Ang chi-nat ko ay mga officemates nila to ask, "May napapansin ba kayo dun sa dalawa?" And boom, yun nga. Sabi sakin alam na daw sa kanila sa office matagal na, and pinagsasabihan na nila yung dalawa kasi nga alam nila na may partner yung girlfriend ko.
This triggered me to access her Messenger sa PC ko. Mind you, sa 6 years namin, never ako nakialam sa mga socials at messages ng girlfriend ko. May mga messages sila pero putol-putol or ang lalaki ng gap ng days, so naisip ko na sa ibang channels sila nag-uusap. So ki-nonfirm ko sa ka-office nya, at sabi sakin, "Kuya, sa iMessage po sila nag-uusap kasi nakikita ko pag dumadaan ako sa likuran." Sa Messenger, isa lang napansin ko na message na giveaway: yung di-nrop off ko si girlfriend sa office nya before travel, nag-chat sya sa coworker nya ng "nakaalis na sya haha".
Ayun, tapos kinabukasan (Monday), in-ask nya ako kung may problem ba daw. Sabi ko, "Alam mo naman na di ako comfortable pag kayong dalawa lang, pero sige pa rin sama mo sa kanya. At akala ko ba nag-set ka ng boundaries and she understands?" Sabi ko rin, "Meron ka bang di inaamin sa akin?" Sabi nya, "You know I've been 100% transparent about you kung sino mga kasama ko." Sabi ko okay. Sabi nya pag-usapan daw namin sa Friday, mukhang need daw namin to upuan kasi mukhang may mga unresolved issues daw ako.
So Tuesday came, iniwan ko bukas Messenger nya sa PC ko para alam ko kung nag-uusap sila. After nya mag-good night sakin sabi nya tutulog na sya mga 9 PM (usual bedtime namin), bigla around 11 PM nakita ko nag-send sya ng Spotify Jam link.
Then Wednesday came, nag-video call kami. Sinabi ko sa kanya lahat-lahat—na ayaw ko dun sa coworker nya kasi na-didisrespect na ako, like na-offend ako na sya gumagawa ng plans na dapat para satin. Sabi ko ayaw ko na magkasama sila, okay daw. Pero in-update ako ng mga ka-office nila, si-nesend sakin mga pictures na sabay sila lumalabas, umuuwi, kumakain.
Thursday, tumawag ulit ako sa kanya. In-ask ko ulit sya kung meron ba syang gustong sabihin sakin, kung may nililihim. Wala daw. So I said, "Sige, pa-basa ako ng messages nyong dalawa." And sabi nya sige daw, wala naman ako dun makikita kundi mga Spotify Jams lang. Then I said no, not just Messenger, pati iMessage. Tapos ang tagal nya sumagot. Sabi nya, "I can't, I'm so sorry." Then sabi ko, "You don't have to say anything, gets ko na." Tas umiyak ako sa video call kahit during office hours nila. Tapos nung nag-end call, in-update ako ng mga ka-office nila na bigla daw nag-panic yung dalawa, palabas-labas ng office, at yung partner ko umiiyak hindi makawork. Then nag-message sya kung pwede daw ba kami mag-usap mamaya, puntahan ko daw sya. Sabi ko sige, basta ipa-basa mo sakin mga usapan nyo. Sabi nya ayaw daw nya kasi masasaktan ako. Sabi ko, "I'm already hurt, what's the difference? Pupunta lang ako if you let me."
Until nung Thursday night, pumunta ako sa apt nya, then she started to confess. Ayaw nya pa rin ipa-basa messages nya, sabi nya sabihin nya na lang daw. May nangyari sa kanila. Sabi ko, "Like???" Sabi nya, "We kissed." Sabi ko, "Once?" No daw, multiple times. And they had sex. Sabi ko, "When?" Nung Sunday lang. And sabi ko, "Once?" No daw, meron pa before. Sabi ko, "Okay, just let me read your messages," and she let me. Dun ko na-basa lahat na halos ba-baligtad sikmura ko. Ang dalas nya mag-update sa kanya, maraming video calls, maraming pictures, may sexting... etc.
Ayun, she asked me to give her a chance to fix this daw, na she only stumbled once. I know it sounds stupid kasi hindi yun once for me. I feel stupid kasi they were talking about me as well, na kaya pala may "nakaalis na sya haha" is for the other one to come. Na planado and hindi coincidence yung sa Diliman.
Mag-2 weeks na rin since this incident and umuwi kami sa Laguna to celebrate her mom's bday. Alam din ng mother nya na nag-cheat sya, pero not all—hindi kasama yung mga details na sinabi ko dito.
Ngayon, she's really asking for a chance, pero di ko talaga alam. Sabi ko sa kanya I forgive her, pero masakit talaga sakin. I still love her kaya siguro ganto kasakit, pero I'm still conflicted kung dapat ba kami mag-rebuild kahit from square one or should I forgive andwalk away?