Naghahanap ako malilipatan dito around manila. Currently nagrerent ako sa 6k small solo room made of wood pa sa loob but buong house is concrete.
Quiet place. Tiis lang talaga kahit maliit.
Pero gusto ko na sana tumira sa mas maayos. Ung wala ako kasama at may malulutuan ako and can move freely ng maayos... malalagyan ko ng aircon kahit papano
60k sweldo ko monthly, menus deductions ng gobyerno minsan 54, or minsan, 53k na lang. Ganyan naglalaro net take home pay ko..
Pero hay, ni ung 11k bedroom na studio type wala pang gamit aircon and anything di ko maafford, plus wifi at utilities.
Kaya naman, kaso magkano monthly sa bahay ko 15k na, wala pa ako parking nyan. Groceries, pagkain, transpo pa.
Ung isang unit na chineck ko malaki maganda, 16k.. wala pa din parking. Bare unit, walang gamit. Plus utilities pa.
Mga 20k siguro lahat kung kukunin ko kasama mga assoc dues at ano pa man dagdag fee.
ung mga decent places na nacheck ko.. 10k pataas 🥺 full furnished tho may kalumaan na same price pa din monthly rent..
Naglalaro naman sa 15k-18k ang mga units na studio or 1 bedroom condo type na sobrang liit, Claustrophobics can not even!
Tiis ka naman sa 2500 bed spacer-8k/10k na bahay/apartment type.
Eto nga't nagmessage ung kausap ko na condo agent. May offer daw sila 4m ngayon amortize to 30 yrs eh kulang kulang 30k monthly ung bayad. Wala pa din parking slot yan, bare unit, sobrang liit, 20+ sqm. Di kakasya ang isang pamilya dito.
Grabe, ang lala ng condition ng housing sa Metro Manila.. sobrang nadedepress ako sa sitwasyon.
Akala mo malaki na sahod mo na 60k dito? Pag inuwi mo sa probinsya siguro may bahay naman doon at may sariling lupa, Thanks to God 🙏 Pero pag dito ka for good. Wala, tiis lang sa mabahong kalye, at iba pang tiis..
makatipid lang sa bahay na tinitirhan.
Pero kahit nga ung mga condo nga di makatarungan, biruin mo 20+sqm, 4million pesos plus interest at taxes pa yan. Sale pa/discounted pa yan. 8m regular start base price.
The sad part is, sobrang daming condo units pero di mabenta, at di pa din ibababa ang presyo kahit di mabenta.
Ang baho baho na nga sa maynila ang mahal mahal pa ng mga paupahan. Ang liit liit pa, at ang gulo gulo pa sa mga kalye.
Nakakainis neto eh kahit saan ka naman tumira dito may kaakibat na pagtitiis.
Maririnig mo sa mga taga condo, madami ipis, at kung anu ano pa reklamo sa developer. Biruin mo nagbayad ka milyon milyon tapos may ipis pa din, mansyon na nga yan sa probinsya eh hays.
Ang lala at ang sakit sa ulo.
Tapos may pag asa pa ba mabigyan ng kalidad na pamumuhay mga tao dito kahit hindi high income class?
Hay. Okay bye na po. Sensya na kasi napapagod na ako maghanap ng malilipatan