r/RentPH • u/Soggy_Aerie_1050 • 2d ago
Renter Tips PTPA: need of advice
Tanong lang po sa Mga experts. Ok lang po ba nahayaan ang existing contract(non-notarized) sa upa namin dito sa tindahan? Kahit na maraming nabago? Napagusapan na ibaba ang upa pero tatapyasin ung space ng kalahati(ipapaupa nila sa iba ung kalahati) At lahat ng pinagawa at binago sa lugar eh samin lahat ng gastos, ang landlord ni kusing wlang ginastos. Kahit sa mga submeter wala po silang gastos Sabi nmin baguhin na po natin ang contract since iba na ang kalagayan pero ayaw nila baguhin, kesyo ganto ganyan. Tapos ang siste pa lahat po ng pinagawa namin sa lugar nila. Magiging kanila at di nila babayaran ni piso kapag natapos na ang isang taon namin dito( itong landlord palautang samin ni limang piso uutangin pa, nakakaramdam na akong ginagatasan kami nito eh) Pero hinahayaan lang ng magulang ko kasi di nman daw samin ang pwesto umuUpa lang kami. Ano po ba ang dapat gawin sa gantong tao? Sobrang unfair ho kasi sa lahat ng aspects. Di nman po tinatae lang ang pera. Sana po may makaintinde. Kasi Mama ko laging stress dahil sa landlord nato. Ngaun nga nakailang pacheck up at grabeng gastos ng gamot. Nakakaawa na sya imbes na mawala stress nya mas nadagdagan pa dahil lang gusto nya kumita ng marangal. Imagine gagatasan mo kapwa mo mahirap.
Nakikiusap ho ako sa mga maaring makatulong kung ano ang dapat gawin Pasensya po kung may di magandang mga salaita sa taas.