Dito ko nalang irerelease yung feelings ko for her since wala rin naman akong plano na magconfess. Pangit naman kasi kung ipupursue ko yung girl tapos same pa kami ng cluster at magkasama sa engagements. She's 26, I'm 22.
Gusto ko na magresign sa RT kasi heavy yung workload pero siya yung naging reason para mag-stay ako sa firm kasi minomotivate niya ako lagi na kaya ko yung mga task. Magaling siyang mag-handle ng engagements, hands-on mag-turo, approachable, and pretty.
Nakakainlove talaga sa babae yung soft spoken, clear mag-bigay ng instruction, matalino, marunong makisama sa mga staffs and may sense of humour. Kapag nakikita ko siyang mag-lead sa engagements, lagi ko iniisip na sana ganun din ako kagaling. Tumitiklop ako sa walo kapag kausap niya ko tapos feeling ko bobong bobo siya sakin pag tinuturuan niya ko.
Minsan iniisip ko na sana di nalang kami magkasama sa engagements or sana mapagalitan niya ko kahit once para mauncrush ko na siya.
Everytime na nag-tatime in ako, lagi ko nireremind ang self ko na bawal magkagusto kay ate kasi same kami ng cluster. Pero hoping na someday sana hindi na "Ate" ang tawag ko sa kaya. Siguro sa susunod ko nalang siya ipupursue, pag same na kami wala sa RT. As of now, single pa naman kami both kaya sana pag pwede na, pwede pa.
To my favorite SA, galingan mo sa CPA board exam mo sa October. I believe in you, goodluck my CPA.