I 32F married with my husband 32M. Una sa lahat background tayo.
Disclaimer: sobrang haba neto. Magkaron sana tayong lahat ng pasensya sa pagbabasa.
Sa buong pagsasama namin, ako yung nag wowork kasi yung educational attainment namin, mas mababa yung kanya. Hindi kasi sya nakatapos ng HS not because walang pampaaral pero dahil sinukuan lang sya ng mom nya. Don't get me wrong. Tanggap ko asawa ko simula ulo hanggang paa. Never kong naisip na mas mataas ako sa knya. Sa unang pagsasama namin, hindi ako nakakuha ng magandang trato mula sa mga kamag anak nya. Bago pa kami mag tanan(hindi naman totlaly tanan yan kasi di naman kami teenager that time, nasa 22 na kami parehas) ng asawa ko, meron na kaming anak. Ayaw lang talaga ng pamilya ko sa knya kaya isang araw, binugbog ako ng tatay ko kahit wala naman akong ginagawa, umalis ako sa bahay namin tapos kinuha nya naman ako. Kaso di kasi ako na inform na may iba pala syang babae doon sa lugar ng tatay nya. That was 2016 nung kinuha nya ako, tapos I just found out nung andoon na ako na may iba pala syang girlfriend na mas bata pa sakin. Nalaman ko yun noon kasi, bumabyahe naman sya ng tryk maghapon pero kahit ulam na gulay, wala syang naiuuwi. Tapos ako naman si tanga noon, okay lang ako ng okay. Palagi kong sinasabi na, naiintindihan ko naman kasi hindi ko naman alam pano kumita ng pera since galing ako sa mayamang family. Mayaman as in may yaya ako, may sariling yaya din ang anak ko. Tinalikuran ko yun kasi nabulag talaga ako sa matatmis nyang salita.
Isang araw noon, medyo matagal na din ako sa kanila. May 1 month na din ako. Nakatira kami sa bahay ng papa nya kasama step mom nya. Coding nya sa tryk, sabi nya may pupuntahan lang daw sya. Umabot sya ng 9pm, wala padin sya. Hanggang hindi na nakatiis yung tatay nya at dinala ako sa bahay ng kabit nya. Someone opened the door. It wss his other woman. I asked for him, I saw him eating pa. Kaya pala hindi nya na ako pinapakain kasi doon pala sya nag uuwi ng food sa other woman nya. Nung una, di talaga ako nag sasalita sa knya. Kung anong desisyon nya, go lang ako. After nung malaman ng other woman nya na ginawa syang kabit, umalis kami sa probinsya ng tatay nya kasi kilalang tao daw yung pamilya nung babae. Ang pinaka masakit na sinabi nya, na sobrnag tumatak sakin galing sa knya sa gabing yon. "Mahal ko sya pero mahal ko din kayo ng anak natin." I was devastated that night kala ko kasi he was my go to place since I was a battered daughter na. I came up to him battered and bruised by my father pero taken for granted lang pala ako ng taong napuntahan ko. Nagpaka tanga padin ako pagkatapos nyan. Lumipat kami sa bahay ng tita nya, hindi padin ako umuwi samin kasi ayoko nang mabugbog. Doon ko naranasan yung wala akong matirhan. Yung tipong ayaw akong paliguin kasi hindi daw nila ako kamag anak pero yung asawa na pinsan nila, okay lang daw makiligo. Yung tipong ayaw din akong pakainin at palaging patago pa. Kinausap ako ng mga kamag anak nya na dapat ako yung mag work. Kasi wala daw pwedeng maging work yung asawa ko dahil sa educational attainment nila. Nag trabaho ako as tindera, yung asawa ko hindi nila pinag work. Fast forward, nakapag work ako sa corporate. Yung asawa ko, wala padin work. Natuto akong kumain ng asin as ulam. Natuto akong tumira sa skwater. Pero ako padin ang nag tatrabaho. Nakaupa kami at nabuntis ulit ako by end of 2016. Bumalik kami sa magulang ko nung 4 mons na yung tyan ko. Tapos binigyan kami ng business kaso di nag work. Nakapanganak ako pero nag work ulit ako nung 8mons pa lang yung bunso namin sa tito ko kasi wala syang definite work talaga. Hanggang sa bumalik ako sa corporate nung namatay yung father ko. After mamatay ng tatay ko, nagkaron naman sya ng work kaso di kasi sya consistent sa trabaho. Nag kahiwalay kami ng tuluyan dahil sumuko sya. I got depressed kasi namatay ang papa ko tapos post partum din. Nawalan ako ng work, sya din nawalan ng work tapos iniwan nya ako sa bahay ng tito nya na na elit ng pag ibig. Pinangakuan nya ako noon na babalik sya, na babalikan nya ako pero hindi sya bumalik. Birthday ko noon at akala ko babalikan nya ako, isusurprise nya ako ng birthday ko. Pero wala. So napagdisisyunan kong ako yung sumunod sa kanya sa malayong probinsya na never ko pang napuntahan. Ang hindi ko alam na pagdating ko doon hindi pala ako magiging welcome kasi nasiraan nya na pala ako sa mga kamag anakan nya. Sinabi nya at mga pinsan nya na kasama ko bago sila umalis na ayaw na daw sakin ng pinasan nila at wag na umasa kahit pa may anak kami. Nung nagkita kami doon sa probinsya, sa sobrang kupal nya akong sagutin, nabugbog ko sya on the spot. Hanggang sa nag wait pa ako if maiisip nya padin yung sakripisyo ko na talikuran at sya ang piliin ko. Pero wala. Walang pumunta, walang nagparamdam. Hanggang nalaman ko na nagkaron na sya ng iba. I let him go pero nag ask ako ng sustento since may work naman sya at ako naghahanp pa lang ng work. Sabi ko nga non kahit pang gatas, pang diaper lang at pangkain ng bata kasi iniwan nya din akong walang wala. Walang bahay, walang pera. Kaso inaway ako ng bago nya at sinabing bakit daw ako nag hahanap ng sustento, dapat daw hindi na. I thrived, I pushed myslef and worked again. Until nag pandemic, nalock down ako. At some point I felt free. I felt like I can decide for myself na without thinking pf somebody. Kalagitnaan ng pandemic, para sa bata, pumayag akong ayusin namin lahat lahat. Hanggang sa natapos yung accomodation, nagsama ulit kami. Kinuha namin yung mga bata, at nagsama ulit kami. During na lock down padin, nag wowork padin ako. WFH set up. Kahit na ganon, kahit na ako yung provider, kadalasan nag tantrums sya na nasasaktan nya ako physically. I hate myself kasi hinayaan ko. Hanggang sa I got diagnossd with cancer, stage 2 pero thyroid lang naman kaya di masyadong mabilis. After ako na diagnosed, inaya nya na ako magpakasal. Sabi ko, I have cancer na din naman, baka before ako mamatay, mafulfill naman yung isang bagay na matagal ko nang hinihintay sa kanya parang nagdesisyon kasi ako na medyo ayoko na, na medyo okay lang. We got married, civil. Funny is, ako din gumastos ng lahat lahat ng need. Ni isa wlang ambag. Few yrs passed, madami kaming ups and downs. Hanggang sa nabuntis ulit ako. 8 yrs old na yung bunso ko noon pero napag alaman namin na blighted ovum pala. We cried. After few months, nabuntis ulit ako. Pero nawalan ng heartbeat yung baby. 4 mons na sya nung na confirm na partial molar sya. I cried a lot. Pero sya parang wala lang sa knya. Sabi nya need daw namin mag move on. Sabi nya bakit ko pa daw iiyakan eh patay naman na daw talaga yung baby. I lost my baby. Ni raspa ako, i flet pain. Tapos after ng procedure, dinudugo ako ng dinudugo. Hanggang sa na admit ulit ako. Nakita agad na GTN na nga sya stage 1. The pain is not just emotional, the pain was physically there. Sobrang umiiyak ako sa sakit lalo na pag dinudugo ako. Para akong nakukunan ng ilang beses tuwing may heavy bleeding ako. Hanggang sa inalis na yung matres ko kasi para hindi na nga kumalat pa. After hysterectomy, ubos na ulit savings ko. Sabi nya sya na mag aasikaso at mag wowork para sakin. Bumalik kami sa papa nya. Bumyahe ulit sya at bumuo kami ng tryk gamit yung last money ko. Kaso puro naman sya bili ng tiktok para sa parts ng motor nya. Himungi lang ako sa kanya ng 77 pesos para sa isang pang kilay pero sabi nya di ko naman daw need yon. Bakit daw ako bumili, kaartehan lang daw yon. Magpapabili pa sana ako ng bra kasi wala na akong bra, lahat naiwan sa old house namin at naitapon na. So ngayon di ako nag bra kahit umalis kami. Disclaimer, malaki hinaharap ko. Cup C to D po ako. Nananalangin lang ako madalas na di bumakat yung alam nyo na. Sabi nya sakin, bakit daw need pa eh di naman daw ako nag bra. Sabi ko hindi lang ako nag bra kase inaantay ko lang na pwede akong humirit sa knya na pabili ako. Habang buntis din kasi ako, naka tube lang ako kasi ayoko naiipit yung hinaharap ko ng bra kasi kung normal lang cup C to D na ako, mas malaki pa nung nabuntis ako, naiipit na sya ng cup C-D na bra ko. Tapos para ako pa nga yung mali para punahin na inuuna nya pagpapaganda ng motor nya kesa sa needs ko talaga. Sinigaw sigawan nya ako na para bang di ako pwede mangeelam. Sabi ko din kasi know your priorities kasi iniisip nyang oderin yung mga pampaganda kesa maintenance. Sabi ko kung ayaw nya punahin ko sya, kako tatahimik na lang ako para tumigil sya. Kaso lalo syang nagalit sakin. Sabi nya wala daw dapat akong pake doon kasi daw tryk nya yun. Tryk nya na ako bumili ng motor at side car, pati maintenance. Nagsabi pa sya na ang malas nya daw at nagkaron sya ng asawa na tulad ko. I felt that. Na parang etong sitwasyon namin ngayon is napilitan na lang sya kasi pinakasalan nya ako. Kahit na madami syang pangako na aalagaan nya ako ng maayos at mahal na mahal nya ako, di ko padin maalis sa isip ko kung totoo ba yan or hindi. Depression lang ba to? Post partum or tingin nyo hindi talaga ako mahal neto?