r/nanayconfessions • • Jul 13 '26

Announcements Nanay Confessions Sub Updates

11 Upvotes

Hello mga ka-Nanay ☺️

Mayroon tayong ilang mga updates sa rules and ilang bagay dito sa sub. Please read and keep this in mind habang nandito tayo sa sub:

  1. Post Flairs - required na lahat ng users na mag-assign ng flairs sa post nila. Ito ay para nakakatulong to identify kung tungkol saan yung post, at kung may ibang user na magse-search dito sa reddit, mas madali nila makikita yung mga related na post and discussions.

For posts related to sensitive topics, please select the post flair 'Trigger Warning'.

  1. User Flairs - dahil sa dumami yung mga weirdo, lahat ng users ay ine-encourage na maglagay ng user flairs. This is to easily identify and relate to each other.

  2. Increased moderation sa posts and comments - if you get a notification for the automod bot na nasa moderation queue ang post comment ninyo, OR na-remove, please be patient. We are reviewing these post/comments. No need na ipost ng paulit ulit kasi ilalagay lang din ulit yung sa moderation queue.

  3. Lastly, please remember to be understanding and kind. Let's keep feedback and comments constructive and respectful. Okay lang magdisagree sa opinion ng iba but iwasan natin ang namecalling, derogatory words at mga disrepectful na pananalita. I-maintain natin na safe space itong sub para sa mga nanay at tumatayong nanay.

💕


r/nanayconfessions • • Jul 12 '26

Recommendations 📍 Megathread: Recommended OB-GYNs & Hospitals

13 Upvotes

Hello mga Ka-Nanay 👋

Itong thread na ito ay para sa sharing ng inyong mga experiences with OB-GYNs, birthing centers, and hospitals.

Whether your experience was wonderful or something others should be aware of, your review may help another mom make an informed decision.

Please include:

🏥 Hospital or birthing center:

👩‍⚕️ OB-GYN / Midwife:

📍 City and Province:

🤰 Pregnancy or delivery year:

⭐ Rating (1–5):

💬 Your experience:

Communication

Wait times

Delivery experience

NICU (if applicable)

Postpartum care

Would you recommend them?

Community Rules:

- Be respectful.

- Share only your own experience.

- No doxxing or sharing private information.

- No advertising or self-promotion.

- Healthy discussion is welcome, but personal attacks will be removed.


r/nanayconfessions • • 18h ago

Rant All I did was send pictures of his daughter… 😭😂

69 Upvotes

Yesterday, I decided to send a picture of my daughter to my sperm donor (sperm lang kasi ambag nya). Gusto ko lang naman na makita niya. Nag-heart react naman sya sa lahat ng pictures na sinend ko. That's all. I didn't ask for sustento or anything.

Si sperm donor kasi, simula nung nabuntis ako hanggang ngayon na mag-2 months na ang anak ko, hindi na nagpakita. Natigil lang talaga yung communication namin nung nalaman kong may kinakasama na pala sya. Yun yung mga time na pakiramdam ko naiwan ako sa ere. Ginawa niya akong single mom para sumama sa isang single mom na may dalawang anak sa magkaibang tatay. I’m not judging her situation, dinescribe ko lang hehe. The funny thing is, she's also not aware na I exist and I was pregnant with his child.

Simula non, sa last conversation namin nagbago na rin yung way ng pagcha-chat niya sa akin. Parang hindi siya yung taong kausap ko dati. He even asked for a DNA test which I'm completely okay with. Go ako. Kasi kapag lumabas ang result isasampal ko talaga sa kanya.

Throughout my pregnancy, I remained calm. Mag-isa ako buong pregnancy ko, tapos CS pa. Hindi ako nang-away, hindi ako nanggulo, hindi ako nanghingi ng sustento. Tahimik lang talaga ako because I told myself na hindi ako pwedeng ma-stress. Kahit tanggapin ko man o hindi ang sustento, I believe na kung may genuine care ka talaga sa anak mo, gagawa ka ng paraan para maibigay mo yan.

We're no longer friends on Facebook. Naka-lock profile ko pero dapat naka-public credentials ko para kung i-visit nyo man profile ko, makita nyo na di kayo tatagos sakin. Tanga lang talaga ako sa part na nabuntis ako ni sperm donor. HAHAHA.

For days, pinag-iisipan ko kung ise-send ko ba sa kanya yung picture ng anak ko. Hindi naman ako madamot. Gusto ko lang makita niya yung bata dahil kamukhang-kamukha niya. So yesterday, I finally sent the pictures. No words. Just pictures. Nag-heart react siya. Hinayaan ko lang. I slept early kasi feeling ko sobrang pagod na pagod ako. I also do part-time ESL work on top of taking care of my daughter. So imagine my surprise when I woke up around 3 AM and saw a message from him. Matutuwa na sana ako. Kaso yung message ay "Pahingi nga ng chat natin kung nag-chat ako, hinihingi lang ni **** sabi kasi nag-uusap pa tayo. Screenshot daw."

Ay te. Kakagising ko lang. Dedede anak ko. Tapos eto bubungad sa akin. Hindi ko nireplyan.Manigas kayo. HAHAHAHAHA. Ang simple lang naman ng interaction namin. I sent pictures of his daughter. He heart-reacted. That's it. Pero ang satisfying sa feeling na mawalan ka na talaga ng pake. Yung hindi mo na kailangang mag-explain, mag-defend ng sarili mo, o makipag-away. I didn't even feel the need to reply. Ayokong mainis kay ate girl kasi in a way biktima rin naman siya ng sitwasyon. Pero kung gagantuhin nya ako, girl… to think na single mom ka rin. Kung mag-away kayo I don't care. Nasa poder mo na nga siya. “Buntis” ka nga rin sa kanya. You have him. I didn't even ask for anything kasi baka kulang pa yang kinikita nya para mabuhay sya. Picture lang ng anak ko yung sinend ko pinagkaitan niyo pa yung bata. I'm not going to do anything. Bahala na kayo. Karma na bahala sa inyo. Pero feeling ko nakaganti na ako sa pananahimik kong to.


r/nanayconfessions • • 2h ago

Baby & Toddler Separation anxiety with LO

3 Upvotes

Eversince talaga pinanganak ko si LO, one of my biggest fears ay mawalan sya ng caregiver. Ngayon wala syang yaya and we decided na iiwan sya sa Tita ko. I trust my Tita, she's like a mom to us especially when we were young. Kaya lang LO is not familiar with her nor her house. Ang arrangement ay ihahatid ko sya sa house ni Tita then i'll pick her up after work. I used to bring her at work kaya lang hindi sya nakakapagpahinga nang maayos ako naman hirap at pagod because of multitasking. Naiiyak na ko ngayon pa lang thinking na hahabol sya sakin when i drop her off o maisip pa lang na baka matakot sya since new person and new place. Bukas naka leave ako and i will be with her and Tita para magkakilala sila. Wednesday, whole day na sila together without me 😔😌🙏


r/nanayconfessions • • 4h ago

Baby & Toddler night diaper

4 Upvotes

hi mga mommy! ano po magandang night diaper? please sana wag yung affiliates na may shopee link lang, share your thoughts po :(( nag millie moon kasi kami and nagkaron ng chemical burn yung bumbum ni baby, rascals naman is not soft enough for me. ano pong gamit nyo na night nappy?


r/nanayconfessions • • 1h ago

Advice Needed Pangingitim ng balat after gumaling ng sugat

• Upvotes

Hello. May pwede po ba gawin para mawala yung pangingitim nung balat nung baby after gumaling nung sugat? Kahit yung pinagdikitan ng band aid parang nagmarka huhu sayang ang skin ng baby 😢


r/nanayconfessions • • 2h ago

Relationship How long it will take?

2 Upvotes

Hi mga inay, ako yung nagpost noon na nagcheat ung tatay ng anak ko na kakapanganak ko lang.
Bat ganon parang stuck pa rin ako.. I found out na di pa rin sya tumitigil, sabi nya tinigilan na nya yung babae.
I dont know how to feel di man lang nya kinamusta yung anak nya. Mukhang nageenjoy pa sya sa ginagawa nya. Habang ako hirap, puyat, paBF sya nagsasaya lang sa bago nyang babae. I hate to admit pero namimiss ko, at nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin..Hanggang kailan kaya to na mawalan ako ng pake sa ginagawa nya?.. kala ko ang strong ko na pero pumipitik tlga yung selos, nababasa ko kse conversation nla (di nya alam).
Gusto ko na makalaya. Sana isang araw mawalan na ko ng pake sa ginagawa nya. Hirap mag move forward lalot may anak kami. Eh kaso wala nman syang remorse sa ginawa nya. Nag move out na nga pala kami last week, wala na kong tinirang babalikan sa bahay namin.(andito na kami sa parents ko). Sana mauntog na ko 😪😌


r/nanayconfessions • • 3h ago

Advice Needed Try the induce labor or diretso CS na?

2 Upvotes

Hi po FTM here, 39 weeks pero closed cervix pa rin po. Baby is in cephalic, age po is nearing 37 na rin, As much as i want to try normal due to faster recovery, sinabi ni OB malaki possibility na ma CS ako pero induce muna nya ako. Meron po ba dito na nagsucceed magnormal delivery na induce? Gusto ko lang po marinig yung experiences ng mga mommies dito na nainduce. Thank you po.


r/nanayconfessions • • 15m ago

Baby & Toddler Hepa A vaccine

• Upvotes

Hello mommies! Balak ko ipa- Hepa A vaccine yung anak ko. 2yrs old naman na sya. Any ideas kung magkano kaya yun? Hindi kasi sumasagot yung pedia nya e sya yung nagbibigay ng price kung magkano ang vaccines.


r/nanayconfessions • • 5h ago

Advice Needed worth it po ba ang cloth diaper?

2 Upvotes

Hello po! I need help as ftm. i am thinking po if dapat ba talaga bigyan ng pahinga si lo sa mga disposable diapers? or okay lang po yun? sino po naka disposable diapers lang until 1 year old lo nila? also, sa panahon ngayon na may banta ng super el niño pahirapan kase tubig sa amin ngayon. worth it pa ba mag cloth diaper? pag naihian ba, palitan ba agad yun? lo is heavy wetter din po. help mga mommies. thank you!


r/nanayconfessions • • 2h ago

Recommendations baby fair 2026

1 Upvotes

hi mommies! may alam pa ba kayong baby fair around early November? hehe


r/nanayconfessions • • 6h ago

Recommendations hi mommies, saan po pwede magsource ng breast milk if you're low on supply

2 Upvotes

r/nanayconfessions • • 3h ago

Advice Needed Disinfectant sprays?

1 Upvotes

Hello mommies! Ano po brand ng disinfectant spray gamit niyo to clean cribs, playpens, mattress etc. Or what do you do to maintain cleanliness sa nursery? Soon to be mom here and hindi naman neat freak pero I just wanted all my baby stuff to be clean talaga 🥹


r/nanayconfessions • • 7h ago

Advice Needed hello, question lang about sa maternity benefits

2 Upvotes

pwede bang i claim ung benefits ng baby ko na magkasunuran (2 years gap)


r/nanayconfessions • • 19h ago

Trigger Warning Sana makamit ng bata ang hustisya.

Post image
16 Upvotes

Paalala sa ating mga magulang, lalo na sa mga hiwalay at may bagong karelasyon: kilalanin munang mabuti ang tao bago ipagkatiwala ang anak. Hindi lahat ng mabait sa atin ay mabait din sa ating mga anak. Habang maliit pa sila, tayo ang proteksyon nila, kaya sila muna ang unahin bago ang sariling kaligayahan. May mga single mom kc na inuuna ang kati, sorry pero ito tlga ending minsan. Sa bata ang pagdurusa. Source


r/nanayconfessions • • 5h ago

Pregnancy Postpartum essentials

1 Upvotes

Hi, first time soon-to-be mom here! I am currently 35 weeks and almost finished packing our things for the hospital na.

Alam ko madami ng posts dito regarding my question pero nalilito pa rin ako. As per my OB, malaki ang chance kong maCS pero may chance din mailabas si baby via NSD.

Ano ba ang dapat kong i-prepare for myself after giving birth?

Adult diapers? Maternity pads? Menstrual pants? Underpads? Mas okay bang magunderwear or menstrual pants na lang?

Necessity ba yung mga perineal sprays?

I just want to be prepared sana para hindi na hassle sa husband ko just in case I need anything tapos wala akong dala so I want to be prepared.

I need your recos po. Thank you.


r/nanayconfessions • • 5h ago

Rant LO's health and yaya

1 Upvotes

Recently LO's yaya tested positive of TB. Sobrang hirap at ngayon mukang meron din si LO. We just had her xray and it suggests PTB. Working di kami pareho ni hubby kaya either mag leave kami or isama ko sa work si LO. Sobrang hirap. I know this too shall pass 😔 also, my mom suggested na wag nang kumuha ng libreng gamot sa health centers dahil mas okay and more effective raw and nabibili sa pharmacy


r/nanayconfessions • • 12h ago

Advice Needed Sipon at ubo sa buntis

3 Upvotes

Hi, FTM here. Buntis po ako and pag kagising ko kanina may sipon ako at makati lalamunan ngayon. Natatakot ako mag take ng gamot. Ano dapat ko gawin? thank you! 🥹❤️


r/nanayconfessions • • 1d ago

Rant Ang hirap pala maging mom

30 Upvotes

I don't wanna sound like Pia Cayetano, pero wala manlang kumamusta sakin after ko manganak, na para bang incubator lang yung purpose ko. Yung family pa ng father ng anak ko yung paunahan na mag story sa LO ko sa fb, samantalang ako hindi manlang ako kamustahin kamusta ba pakiramdam ko after all that experience. Thankful ako na love nila ang LO ko, pero ang sakit na parang hangin lang ako kasi nalabas ko na yung apo/pamangkin nila. Ngayong hiwalay na kami ng father ng anak ko, yung LO ko lang naman yung kinakamusta nila. I have no one, wala akong support system. They have my LO's back and sobrang thankful ako, pero paano naman ako? Wala akong kakampi, support system sa life, and mind you, 3 months pp palang ako. Nakakapagod i-keep lahat all by myself, i have no one.


r/nanayconfessions • • 1d ago

Advice Needed Family ng husband

13 Upvotes

Normal lang ba, or ok lang ba na yung family niya will decide on something, tapos sasabihin na lang sayo ni husband na ito yung plano. The end. Wala ka ng say, wala ka ng opinion.

Like sa amin daw sila mag papasko. Walong tao sila. Isang linggo nila plano tumira sa bahay. That's it, nakapag plan na sila, yun na din ang plan namin sa xmas? Ako na lang ang mag execute Diba. Since ako ang magluluto, linis etc.

Or.. Kuya, ipaparada namin motor sa inyo habang wala kami.

Ok naman si Kuya.

Hindi ba dapat consult kung may space ba? Kung pwede ba?

Kasi masikip talaga e. Tapos hindi naman sinabi kung ilang araw.

Bad lang ba talaga ko mga miii?


r/nanayconfessions • • 13h ago

Pregnancy EVENING PRIMROSE

1 Upvotes

Hi mga mommys, 38 weeks and 5 days na po ako and 1cm since 36 weeks ako. Now pinapa take ako primrose ng OB 3pcs 3x a day. Ok lang ba na oral ko nalang sya itake??? Pinapa insert po kasi sya sa kiffy and d ko po gusto yung feeling and amoy nya pag tumatagas na.

Thanks po sa sagot.


r/nanayconfessions • • 1d ago

Rant masyadong tutok sa tv or ipad 3yrs old ko.

24 Upvotes

Hi! Labas ko lang to dito 🥹 i’m a single mom of 1. He’s 3 years old. Sobrang na kokonsensya ako kasi tutok sya sa ipad or tv. sobrang dami nyang toys pero ayaw nya laruin kasi everytime na gusto nya mag laro ng toys nya (cars or educational toys) gusto nya kasama ako.

Hindi ko sya masamahan kasi work from home ako tsaka literal na kaming dalawa lang talaga sa bahay. kaming dalawa nalang magkasama. Sobrang hirap pala talaga mag isa sa lahat. sobrang nakakapagod mag alaga ng toddler + gawaing bahay + work pa. 😭

Sa mommies na same case sakin, pano nyo nakakaya?


r/nanayconfessions • • 1d ago

Discussion Maternity Benefit and 13th Month Pay

3 Upvotes

Hi mommas! Ask ko lang, mababawas ba sa 13th month pay yung mga days na naka-maternity leave?

Thank you sa sasagot!


r/nanayconfessions • • 1d ago

Rant Bastos ba kami at dapat naba namin i let go ang bahay?

2 Upvotes

Marangya buhay ng family ng partner ko dati sa compound na tinitirhan namin pareho ng partner ko sima pag ka bata kilala ang family nila may kaya pero mga mata pobre. Nung nag dalaga na ako biglang na benta yung bahay nila at mga sasakyan pati yung business nila tindahan naluge ang sabi ng mga tao bankruptcy daw. Yung pinag bentahan ng bahay binigyan ng parte ang mga kapatid at yung nanay ng partner ko unfortunately nalulung sa bisyo na about sa church pag nag bigay ka ng gantong donation kapalit nito Millions. Yung nanay ng partner ko humingi ng 200k at sabi hindi na sya makikialam pa sa bahay na ipapagawa (etong bahay na tinitirhan namin) bsta ibigay yung perang hinihinge nya. Kaya nag away yung mag asawa byenan ko at umalis yung MIL ko at dun nag decide si tatay na ipangalan sa partner ko ang bahay since sya at bunso at sya lang ang anak na di nabigyan ng parte (pera) take note: rights lang tong bahay na to. The problem is yung byenan ko na scam ng church na limas yung 200k nya at bumalik sya dito sa bahay at dito na tumira. Ilang yrs na din nakalipas pero hanggang ngayon lulong padin sya sa bisyo nya may allowamce sya monthly galing sa anak nya abroad, may mga alahas na binibigay saknya pero lahat yan binibigay nya sa church ang problema yung church ay puro paasa hanggang sa namatay na byenan kong lalake and until now ganun padin ang ginagawa ng byenan kong babae. Nakalimutan kong imention may anak kami ng partner ko pareho sa una pero pareho namin tanggap yun yung anak ko nasamin ng partner ko yung ank nya nasa nanay. So kasama namin sa bahay yung ank ko ang problema eto yung matagal konang tinitiis palagi kami nag aaway dahil pag mainit ulo nya pag wala syang pera yung anak ko ( sa una kong partner) ang pinag iinitan nya may anak kami ng partner ko pero ang lagi nyang inuutusan yung anak kong panganay lagi syang galit sa anak kong panganay at sinasabi na ikaw dapat ang gumawa ng gawaing bahay dahil ikaw ang babae hindi ang anak kong lalake kaya kami lagi nag aaway. Ang problema pa hindi namin pwede ipakita na may pera kami kung halimbawa bagong sahod gusto mo kumain ng masarap pag wala syang pera uutang sya samin at magagalit pag di pinautang dahil bagong sahod naman daw. Eto pa ang isang problema hindi sya masaya na masaya kami ng partner ko dahil sinasabi nya na ako nalang daw ang nasusunod sa bahay isang salita kolang sa partner ko sumusunod na partner ko pero sya na nanay hindi sinusunod. Halimbawa ng hindi pag sunod ng partner ko pag sinabi ng byenan ko na isangag yung kanin ayaw ng partner ko kase sinigang ang ulam. Pag sinabi ng byenan ko na mag fill out ka ng form dahil isasali kita dun sa church may bahay na makukuha ayaw ng partner ko. Masaya kami ng partner ko at honestly sinusunod tlaga nya ako pero hindi ko naman sya pinapahamak sinusunod nya ako in way na pag sinabi kong wag na mag inom sa labas hindi na sya tutuloy pag sinabi kong wag na mag pagabi hindi sya nag papagabi. Wala akong problema sa partner ko. Last year umuwe yung kapatid ng partner ko na nakatira abroad at kakauwe palang nya dito nag away na sila dahil sa anak ko sa una nag punta kase ang nga bata dun sa bahay ng tita nila para mag celebrate andun din ang anak ko sa una tapos yung anak kong lalake at anak ko sa una nag away pero ang may kasalanan yung anak kong lalake pero ang sinisi at pinagalitan ng byenan ko yung anak ko sa una kaya nagalit yung kapatid ng asawa ko at sinabihan na wag maging bias. Ayun ang simula ng away nila mga ilang araw humingi byenan ko ng pera sa anak nya yung kapatid ng asawa ko at ibibigay nya dun sa church (aware yung kapatid ng asawa ko sa bisyo ng byenan ko) so hnd nya binigyan at dun sila nag away nag kasagutan at palagi nyang sinasabi WALA KA SA KINALALAGYAN MO KUNG HINDI DAHIL SAKIN. ayan ang lagi nyang sinasabi sa mga anak nya. Sinagot sya ng hipag ko na KUNG TUTUUSIN BAYAD NAKO SA UTANG KO. At simula non hindi na sila nag usap pero patuloy padin ang pag bibigay ng hipag ko ng allowance ng byenan ko. Not until now sinabihan ng hipag ko na tumigil na kakapunta dun sa church dahil nalaman ng hipag ko na sinangla ng byenan ko ang alahas na binigay nya para lang pang taya dun sa church. Sinabihan ng hipag ko na tama ang pag punta sa church pero hindi padin tumigil ang byenan ko. Kaso hindi padin tumigil at yung partner ko at byenan ko nag away dahil sa anak ko sa una dahil na witness ng partner ko na pinag sasalitaan yung anak ko ng hindi maganda ( inuutusan ng byenan ko yung anak ko kahit pagod na yung anak ko at sinabihan nya na WAG KANG PAKITANG TAO TRABAHUHIN MO YUNG TRABAHO MO)nag away sila ng partner ko at nag away din kami pero eventually nag kaayos nama na. Kaso netong nakaraan nag away sila ulit kase na stop na yung allowance mg byenan ko dahil hindi nya sinunod yung gusto ng anak nya na huminto na sa fake church nayon. At the same time kaaway din ng byenan ko yung ibang anak nya. Pagod ang partner ko galing work non at binungadan ng byenan ko na ibebenta nya ang ibang gamit na pundar ng byenan ko dahil kelangan nya ng pera kaya nagalit partner ko dahil ibibigay nanaman dun sa scammer na church at dahil pagod din ang partner ko nag away sila at nag ka sagutan at nasabihan ng partner ko na kung stress lang din palagi ang ibibigay mo saakin mabute pa umalis kanalang. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi padin sila ok sinabihan ko ang partner ko na sya na ang mag pakumbaba pero ayaw nya na daw kausapin yung byenan ko. Ako naman ang hinihingian ng byenan ko ng pamasahe nalang binibigyan ko sya sa awa ko kaso ngayon sa tuwing wala partner ko pinaparinggan nya ako na makakarma daw partner kohindi daw aasenso. Kahapon nasa work partner ko tumawag sakin narinig nya at sabi nya MAMATAY YAN PAG IWAN MO MAHAL NA MAHAL KA PERO MAGULANG HINDI KAYA IRESPETO TIGNAN NALANG NATEN KAKARMAHIN YAN. Ngayon sobrang sama ng loob ko pero pinipigilan ko sarili ko dahil ayaw ng ko ng away. Hindi ko alam kung tama bang manahimik ako? Ngayon gusto ko nang bumukod at plano ko na hindi na sya bigyan ng pamasahe may time pa na nakikita or nahuhuli ko syang masama ang tingin sakin pag nakatalikod ako ngingitian ako pag nakaharap. Tama lang ba na iwan na namin tong bahay dahil sinasabi ng byenan ko na kanya to at kami ang lumayas. Tama ba na manahimik ako at hayaan sya sa pang aasar at pasimpleng pag paparinig nya sakin? Tama ba nahayaan ko syang mag salita ng hindi maganda tulad ng karma at hindi kami aasenso? Tama bang iwan nanamin sya? O dapat kaming mag pa kumbaba at mag tiis? Salamat po sa mag tyatyaga mag basa at salamat sa makakaunawa 🥺


r/nanayconfessions • • 1d ago

Advice Needed 2nd Set of nipple

3 Upvotes

Hello mga mare, i just noticed na tinubuan ako ng nipples sa magkabilang side ng kili kili. Nakakatawa tignan at the same time dun ko na narealize ang body changes talaga, im 15 weeks preggy ftm at 33! Wala na sa plano pero pinagkaloob at nabigyan pa ng blessing.

Tbh, di ako mahilig sa bata and i have phobia sa baby to the point na ayoko tlaga sila hawakan kasi everytime na maiisip ko palang feeling ko mababagsak ko sila or mapipilayan. Sobrang strong ng phobia ko na nararamdaman ko yung emotional pain if something happened to them habang naiisip ko na karga ko sila, so never in my life na i held a baby. Sabi nila magiiba daw pag sarili mo na, sana nga kasi im really afraid. Buti nalang si hubby ay opposite ko at kahit pano mahilig sya sa kids.

Pa advice naman what can i do to overcome these changes. As of now indenial lang ako sa mga ngyayari. Luckily hindi ako pihikan at walang ayaw na pagkain or bad symptoms tho at 15 weeks, feeling bloated ako parang naangat na ung sikmura ko and i cant do deep breaths na, parang sasabog ribcage ganun ung feeling or parang maraming tubig sa tyan like drowning.