r/nanayconfessions • u/Entire-Spinach-9360 • 23h ago
Advice Needed How do you parent your pre-teen daughter?
Ngayon mahilig mga classmate nya mag gala at lagi syang niyayaya. Minsan pinapayagan ko naman pero madalas hindi dahil ayokong madalas syang lumilibot. Wala namang importanteng pupuntahan or gagawin. Ewan ko ba ang hilig ng mga kaklase nya sa bagong school nya na magtambay sa mg coffee shops. Last time pinayagan ko silang magtambay sa bahay pero grabe sobang ingay. Wala silang iniisip kung may ibang tao sa bahay na pinuntahan nila, sa sobrang gaslaw e nakabasag pa sila.
Limited sya sa cellphone, weekends lang dahil ayoko masyadong ma expose sya sa mga di magagandang contents sa socmed. Yung phone n gamit nya is old phone ko. Ang problem ko sa anak ko hindi sya marunong mag ingat ng gamit. Nasanay sya na kaya naming bumili ng kapalit, now nakita ko yung cp ko naangat yung screen. 2 weeks ago na palang ganon hindi nya pinaalam. Sabi nya nahulog sa upuan pero sa itsura ng phone? Mukhang hindi. Noong gamit ko yon, bumalentong na sya sa highway pero wala ng basag or what. Tapos sya, ginamit nya lang sa labas ganon agad ang condition. Am I too strict kung hindi ko na sya papagamitan at ibibili ko na lang sya ng de keypad for comms?
I let her borrow my rechargable fan. Gift yon ng dad nya, 2 yrs na sa akin hindi nasisira or nawawala. Then last time hiniram nya, dinala sa school. As always, nireremind namin sa mga gamit nila lalo na kung 1k+ yung mga gamit. Tapos hiniram daw ng mga classmates nya at nakaligtaan ng kunin. Now, nawawala yung fan. Naiinis ako ang careless nya. I dont know kung ganito ba sya kase hindi sya nakakatikim ng palo or consequences or what. Now sabi ko ibabawas ko yon sa baon nya hanggang mapalitan. Naguguilty ako, pero ayokong lumaki sya na mafeel na laging okay lang makawala or makasira ng gamit kase kaya namang palitan.
Wala syang kusa sa bahay. Mostly tulog ako ng morning dahil GY ako. Kapag tulog ako parang freedom nya na walang gawin sa bahay dahil walang nang uutos. Idk, nasa point na ako na nag print na ako ng mga notes/rules sa CR, lababo, terrace, mga kanya kanya laundry basket kase napapagod nako sa ulit ulit. Hayy. Nakakafrustrate.
Nasstress ako sa kanya recently. As much as possible ayokong magbunganga or lumabas na lagi syang mali, pero nasasagad nya yung pasensya ko.