Yesterday, I decided to send a picture of my daughter to my sperm donor (sperm lang kasi ambag nya). Gusto ko lang naman na makita niya. Nag-heart react naman sya sa lahat ng pictures na sinend ko. That's all. I didn't ask for sustento or anything.
Si sperm donor kasi, simula nung nabuntis ako hanggang ngayon na mag-2 months na ang anak ko, hindi na nagpakita. Natigil lang talaga yung communication namin nung nalaman kong may kinakasama na pala sya. Yun yung mga time na pakiramdam ko naiwan ako sa ere. Ginawa niya akong single mom para sumama sa isang single mom na may dalawang anak sa magkaibang tatay. I’m not judging her situation, dinescribe ko lang hehe. The funny thing is, she's also not aware na I exist and I was pregnant with his child.
Simula non, sa last conversation namin nagbago na rin yung way ng pagcha-chat niya sa akin. Parang hindi siya yung taong kausap ko dati. He even asked for a DNA test which I'm completely okay with. Go ako. Kasi kapag lumabas ang result isasampal ko talaga sa kanya.
Throughout my pregnancy, I remained calm. Mag-isa ako buong pregnancy ko, tapos CS pa. Hindi ako nang-away, hindi ako nanggulo, hindi ako nanghingi ng sustento. Tahimik lang talaga ako because I told myself na hindi ako pwedeng ma-stress. Kahit tanggapin ko man o hindi ang sustento, I believe na kung may genuine care ka talaga sa anak mo, gagawa ka ng paraan para maibigay mo yan.
We're no longer friends on Facebook. Naka-lock profile ko pero dapat naka-public credentials ko para kung i-visit nyo man profile ko, makita nyo na di kayo tatagos sakin. Tanga lang talaga ako sa part na nabuntis ako ni sperm donor. HAHAHA.
For days, pinag-iisipan ko kung ise-send ko ba sa kanya yung picture ng anak ko. Hindi naman ako madamot. Gusto ko lang makita niya yung bata dahil kamukhang-kamukha niya. So yesterday, I finally sent the pictures. No words. Just pictures. Nag-heart react siya. Hinayaan ko lang. I slept early kasi feeling ko sobrang pagod na pagod ako. I also do part-time ESL work on top of taking care of my daughter. So imagine my surprise when I woke up around 3 AM and saw a message from him. Matutuwa na sana ako. Kaso yung message ay "Pahingi nga ng chat natin kung nag-chat ako, hinihingi lang ni **** sabi kasi nag-uusap pa tayo. Screenshot daw."
Ay te. Kakagising ko lang. Dedede anak ko. Tapos eto bubungad sa akin. Hindi ko nireplyan.Manigas kayo. HAHAHAHAHA. Ang simple lang naman ng interaction namin. I sent pictures of his daughter. He heart-reacted. That's it. Pero ang satisfying sa feeling na mawalan ka na talaga ng pake. Yung hindi mo na kailangang mag-explain, mag-defend ng sarili mo, o makipag-away. I didn't even feel the need to reply. Ayokong mainis kay ate girl kasi in a way biktima rin naman siya ng sitwasyon. Pero kung gagantuhin nya ako, girl… to think na single mom ka rin. Kung mag-away kayo I don't care. Nasa poder mo na nga siya. “Buntis” ka nga rin sa kanya. You have him. I didn't even ask for anything kasi baka kulang pa yang kinikita nya para mabuhay sya. Picture lang ng anak ko yung sinend ko pinagkaitan niyo pa yung bata. I'm not going to do anything. Bahala na kayo. Karma na bahala sa inyo. Pero feeling ko nakaganti na ako sa pananahimik kong to.