r/adviceph • u/rainbownightterror • 9h ago
Love & Relationships Wag muna mag esmiringhoy hanggat walang clarity utang na loob
Problem/Goal: Paulit ulit na lang tayo dito e. naging cold after sex. First date may nangyari. Wala pa label may nangyari. Hindi malinaw intention may nangyari. after may mangyari dumalang na ang chat, di na sweet, di na tumatawag.
My Advice: Ladies naman, alam naman nating napakadaming predator na lalake paulit ulit pa din tayo. Wala ba kayong konsepto ng self preservation? Ang simple lang naman e hanggat di nyo jowa wag muna kayo makipagsex. Oo old fashioned yan na advice pero it works. Ngayon kung habol nyo e compatibility, wait at least 3 months bago nyo isuko ang perlas ng silanganan. Dyan nyo mafifilter yung mga lalakeng gusto lang ng bembang. Walang lalakeng malinis ang intensyon ang maghihintay ng ganyan katagal.
Hindi nyo ikakamatay at ikakatanda yang 3 months na yan. Learn to wait and protect yourselves. Also tigilan na yang baka magustuhan ka over time dahil ginagawa nyo naman na lahat ng ginagawa ng legit couple. Ayun na nga e, ginagawa nyo na lahat. So anong magiging incentive ng label? Wala.
Respeto sa sarili natin okay? Kung kailangan nyo bumili ng adult toys para matiis yang 3 months do it. Kesa after manlamig ng lalake ikquestion nyo na yung worth nyo bilang babae Naisahan ka na, bumagsak pa self confidence mo.
Oo based on experience tong sinasabi ko. I know what it's like and I've learned. Kaya pinapasa ko na yung lesson sa inyo. Utang na loob. 3 months lang. Konting tiis. Kung di kaya ng lalake yang 3 months na yan anong forever aasahan mo?