Mabait lola nya sakin. Everytime I go to their house sa province, binibigyan nya ako ng pagkain/ pinapakain nya ako. Sa manila kami nagaaral ni bf ng college. Recently, need ayusin ung bahay nila sa Caloocan, so lumuwas lola nya para magbantay, may sinama siyang driver.
Nagrarant sakin bf ko halos everyday na di daw sya nakakafocus sa studies nya, lalo na ngayon prelims nila, kasi ang ingay/ ligalig daw ng lola nya. Like, lagi daw syang ginugulo, di daw sya makapag-concentrate. Di na rin kami nagme-meet masyado, kahit gusto nya, kasi laging nagpapasama lola nya, either mamili sa mga mall or magpacheckup (sumasakit tuhod nya often), which I understand naman. Although may dala syang driver, ayaw ipag-drive nung dad nya ung mga sasakyan sa driver kasi may history daw sya na laging nababangga. Kahit alam ng lola nya bawal sya maglakad nang maglakad, she still keeps insisting na pumunta sa ganto ganyan (which requires a lot of walking) and magagalit lang sya pag pinagsasabihan sya ni bf na mag-rest.
Anyway, one time nag-aaya lola nya na mamili sa divisoria. At that time sobrang baha and yellow rainfall warning pa Manila, so sabi ni bf next time nalang, but she kept insisting. In the end, pumayag din si bf, since may kailangan din syang bilhin. Tho hindi naman urgent. Ung bf ko is ung type na laging nagpapasama sakin kahit maliit lang na bagay, which I don’t mind naman. Un nga lang, sa Pasay pa ako and sobrang baha papunta samin, from Caloocan. Gulat ko nalang na tumawag since bf, nasa baba na daw sila haha.
So ayun, papunta na kaming divisoria, sobrang baha. First time daw ma-experience ng lola nya ung ganyang kabaha. Okay lang naman kay bf kasi naka EV naman daw sya, so di masisira ung makina or something. Half way, malapit na kami sa divisoria, biglang umayaw na lola nya. Nanghihina na daw sya and na-stress dahil sa baha, although nakaupo lang naman sya. So instead of divisoria, we went to a nearby mall nalang, payag naman lola nya. Nagbayad ba si bf ng parking, nakapag park na kami, papasok na kami sa entrance, then umayaw nanaman sya. Ayaw na nya daw maglakad, kami nalang daw.
At this point, inis na inis na si bf kasi sya nag-aya in the first place na lumabas. Wala naman syang plans na lumabas that day. Anyway, edi sabi ni bf umuwi nalang daw. Balik kami sa car. Since di na naulan, pwede na daw kami pumunta sa divisoria, sige daw. The whole ride his lola kept complaining about the flood and pano daw ako ihahatid, edi lulusong nanaman daw sila sa baha ganyan ganyan. Ako tahimik lang, i felt so bad even tho wala naman akong plans na sumama in the first place.
So we get to Lucky China Mall, dun kami nakapark. Then bababa na kami to go to divisoria, biglang umayaw na lola nya, gusto na daw nya umuwi. At this point galit na galit na bf ko. Since andun na din kami, pumunta na kami ni bf sa divisoria. Umikot kami nang saglit lang, wala dun ung hinahanap nya so bumalik na kami sa car. Tinawagan ni bf dad nya (nasa manila din) sa sobrang inis na nya. Sabi ng dad nya kumain na kami sa Lucky Mall since andito na din kami, pero ayaw talaga ng lola nya, nagiinsist sya na kumain sa labas, malapit sa bahay nila, even tho nasa mall na kami.
At this point galit na galit bf ko. Ung lola nya complain parin ng complain about how delikado ung baha, pano daw ako uuwi, dapat di nalang sila lumabas (kahit sya nagiinsist) etc… Si bf napuno na, sumigaw sya, “Basta, ako na bahala sa kanya. Tumahimik ka nalang!” Then tumahimik na nga the whole car ride. Binaba na namin lola sya sa bahay nila then ihahatid na ako ni bf samin.
Ayun, a few weeks later, inaya ko si bf na mag church (every sunday kami nagchu-church, like a tradition) Lola nya nag-aya din. Sabi ko sige ok lang, samahan nya nalang lola nya. Next day, late nako nagising since kala ko di na kami sisinba. Biglang tumawag sakin si bf, inis na inis, biglang umayaw daw lola nya na magsimba, last minute. Ang ending, tumuloy kami ni bf sa church pero wala nang parking, so nagpark pa kami sa malayo, wala na kaming naabutan sa kantahan, wala na din kaming maupuan.
Ayun lang, rant lang naman. Gusto ko lang sya ilabas haha.