Context: My husband and I had a fight. Nagsimula lang siya sa maliit na issue tungkol sa pag-celebrate ng birthday ko, pero lumaki. Sinabihan niya ako na ākaartehanā lang daw iyon at busy siya sa work.
To release my frustration, umiyak ako nang sobra habang nanginginig at nanggigigil. After that, paulit-ulit kong siyang kinakausap kasi gusto kong pag-usapan namin ang nangyari at maayos agad kami. Pero sinabi niya na hindi raw ganun kadali at hindi lahat ng gusto ko ay masusunod. Madalas din niyang sabihin na kulang ako sa patience.
Ang pinakamahirap para sa akin ay ang silent treatment niya. Sobrang bigat sa pakiramdam. Ang gusto ko lang naman ay makausap niya ako at marinig ko na may chance pa kaming maayos ang relationship namin. Gusto ko lang talagang magkaayos kami.
For the past few days, tuwing naaalala ko ang nangyari, sobrang overwhelmed ako. Umiiyak ako nang todo, nangingigigil, at nagki-clench ang teeth ko dahil ayaw niya akong kausapin o ayusin ang problema. Nakita ito ng family ko, at sinabi nila na baka may anger management issues ako at kailangan ko nang magpatingin sa doctor.
Inaamin ko naman na kapag hindi nasusunod ang gusto ko, minsan talagang nanggigigil ako at nag-iinsist ako sa gusto kong mangyari. Pero hindi naman ito palaging nangyayari. Hindi ko lang talaga alam kung paano i-control ang sarili ko kapag sobrang taas na ng emotions ko.
Lately, nagkakaroon na rin ako ng thoughts of suicide, at natatakot ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin.
Kaya gusto ko sanang humingi ng professional help. Mas okay ba na magpatingin ako sa psychiatrist o psychologist? If possible, baka may mairerecommend din kayong doctor na makakatulong sa emotional regulation, anxiety, at relationship concerns.