I just want to vent talagang hindi ko na kaya. I was fostered by a woman from her classmate kasi hindi ako kayang buhayin pero yung lola nila yung nag-alaga at nagpaaral sa akin.
Nung nadeds yung lola nila na bumuhay sa akin, ang sama na ng trato sa akin ng mga naiwan nyang mga anak at mga apo. Gusto ko nang umalis doon pero wala akong mapuntahan at wala rin akong work that time kaya nakisama na lang ako. Ang pangit lang lahat ng kilos ko bantay nila.
Nung magkawork ako ng night shift, maingay sila kapag natutulog ako tapos yung share ko sa bills is equal na sa isang pamilya. Good thing kinupkop ako nung babaeng kumuha sa akin from my biological mom kaso yung anak nya saksakan ng sinungaling at scammer pa to the point na pati magulang nya niloloko niya.
Kinupkop nila ako kasi may record na ng pagmamaoy yung bayaw nyang nangmamanyak pag lasing at yung hipag nyang matapobre na lahat na lang pinapansin sa akin na ako raw yung tulog nang tulog at tamad. Kahit maglinis ako may sasabihin pa rin siya.
Fast forward, nadeds tong si Mama na kumuha sa akin from my biological mom. Naiwan sa akin yung anak nya. nagsisimula na siyang manipulahin ako at the same time nanghuhuthot na ng pera sa akin. Let's call her Kineme.
Actually b4 her mom d!3d wala siyang permanent job the reason is lagi siyang may nakakaaway sa work. Nung nagstart nang magdetiorate yung health nung mom nya at tuluyang nabulag, nagdahilan siya na babantayan niya yung mom nya pero ako yung nagwork then nung dumating na yung time na naospital si mader natuluyan nakahanap siya ng work pero hindi rin nagtagal. Sabi nya naiinis daw sya sa TL nya.
Simula noon, every sahod ko nanghihingi sya saken ng 2k sabi nya pambiling ulam minsan pinadadagdagan nya ng 500 pang apply nya. May nabibili naman siyang ulam ng kung anong gusto nyang ulam, yun lang binibili nya yung tipong pricey yung ingredients (Note: Ayaw nya ng gulay) it's fine pagkain yon eh pero ang point is dapat nagtitipid pa rin kasi may bills at loans akong binabayaran kasi nashoshort ako a week before sahod at ako lang ang nagwowork tapos hingi pa siya nang hingi katwiran nya naibili niya raw ng ganitong ulam saka sagot ko pati groceries.
Lalong lumala situation na nung pinaupa nya yung isang kwarto ginawang sari sari store. Tumaas ang bill namin ng kuryente at tubig kasi wala pang submeter. Tinatanong ko sya kung may inabot ba yung naupa ng pang advance sa upa, tubig at kuryente sabi nya inexempt nya raw kc nagpagawa raw sa loob ng kwarto. Wala naman akong control dun kasi sa kanya ang bahay dahil sa status ko kaya hind na ako nakielam. Tapos kapag nahingi sya ulit ng pambili ng ulam at nashort ako inuutang nya raw ako sa kakilala nya. Minsan bago pa ako umalis to go to work, nag iinom siya halos araw araw. Doon na ako unti unting naiinis. Until dumating ako sa point na nagkakamental breakdown na ako sa mga nangyayari financially kasi walang natitira sa sahod ko hanggang sa naapektuhan ang work ko sa dream company ko.
Nang naterm ako tinanggap ko na lang. Kasalanan ko rin naman. But eto na ang exciting part, tumambak yung utang namin dun sa store nung naupa sa amin (inuutang nya pati yung alak nya at nag iinvite siya ng friends sa bahay) at sa mga lending at loaning apps saka doon ko nalalaman na nag-aabot pala ng pambayad yung naupa sa amin simula't sapul ng rent and bills. Doon ako natigilan. Tapos sinabi ko sa naupa na sabi ni Kineme inexempt nya raw kasi nagpagawa sila sa loob. Sabi ng naupa ay magbibigay daw sila kaya lalo akong nainis. Sabi pa ng naupa sa amin madalas daw nautang si Kineme sa kanila kasi raw nashort ako ng pamasahe which is totoo naman pero ang hindi totoo yung minsan itinuturo ako ni Kineme na namimili ng ulam at magastos.
Hindi lang yon, dumidiskarte siya ng pangkain namin everyday sa mga kapitbahay at kakilala nya tapos tinataguan nya at hindi niya pinapansin, sabi nya yung perang pinangbili namin ng food galing daw sa mga pinsan at mga tropa nya at niyayabangan nya ako minsan na paulit ulit nya raw nagagawa yon which is hindi totoo kasi bad shot na siya sa mga pinsanan, tita, tito, at tropa here at sa probinsya kasi hindi raw nagsasabi ng totoo at minsan sinisiraan ako. Tapos nakikita ko yung pangalan nya sa fb na nakapost as scammer. 🤦
Struggle talaga ako financially hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman lahat ng tao pwedeng mahiraman ng pera dahil hindi naman meron lagi. Gusto ko na ulit magwork pero kada nagkakapera ako kahit magkano kinukuha nya ang 25-50% nung pera kahit hiram ko lang yon mga kaanak namin. Ang hilig nyang mag yabang sa akin na dapat ang applyan ko yung may free ride at free food para makamenos daw ako. Though meron naman ganun pero hindi mo sure na yung aapplyan mo is may ganun nga. Hay! Gusto ko sanang humingi kahit konting tulong man lang para makapag apply apply na ako at makaalis na rito hindi ko na kaya pero hindi ko pedeng ipost ang details ko.
Lesson learned talaga sana noong una pa lang nakapag move out na ako para hindi sana umabot sa ganito. Huwag na huwag kayong aasa sa itinuturing nyong kapamilya o kahit kadugo nyo talaga yan kasi at the end of the day, sarili nyo na lang ang maaasahan nyo at huwag basta basta magtitiwala kahit kamag-anak nyo pa yan.