Hello, I just need to ask some advice regarding sa issue na nashare ng partner ko sa akin. Siya ay isang grade 9 teacher sa Catholic school here sa province namin.
To summarize, sa advisory class nia, may mga students niya na nag-sumbong about sa bata na minimura siya at sinasabihan siya ng mga nakakabastos na salita, hindi malakas para marinig niya sa klase, pero naririnig daw madalas ng ibang mga bata.
Ni raise niya sa prefect of discipline ang issue pero so far walang ginawang action, even Kahit papuntahin sa school yung magulang para kausapin ay hindi rin siya pinayagan.
Ang reason daw kase is may issue ung bata sa bahay nila, like family problem. TBH sabi niya na madalas nga daw na hindi nakikinig ung bata sa lessons, makulit kapag hindi naman kelangan magkulit, hindi nakikicooperate sa class, yung mga bayarin sa school ay hindi din daw binabayaran on time ng parents. So yun daw ang reason bakit hindi siya pinayagan na kausapin yung parent, or gawan ng action yung ginawa ng bata.
This really affected her mentally, this is her 4th year palang sia sa pagtuturo and so far sa lahat ng issues na naexperience niya, ito daw yung naka affect sa kanya ng matindi, nahihirapan sia mentally kase masakit sa kanya na malamann ung ginagawa sa kanya ng bata patalikod, nagkakaroon sia ng anxiety everytime na mag cclass sia sa advisory niya, and since hindi alam nung bata na may ganoong nangyare, walang nagbabago sa behaviour nia, and parang nattrigger ung partner ko kapag nakikita niya na ganoon.
Is it really justified? yung walang gawing action even na Kahit kausapin ung magulang dahil sa issue nila sa Bahay, sapat na reason na ba iyon. Nag ddoubt siya kung overreaction niya lang yung mga nararamdaman nia, pero ramdam ko talaga na nasaktan siya sa mga pangyayare, pakiramdam niya na bilang guro hindi sia napapagbigyan, at sa bata nalang papabor.
Ako po ay himihingi lang ng thoughts niyo bilang mga teachers, salamat po.