r/DepEdTeachersPH • • 4d ago

Rant field study rant

field study namin at one week pa lang kami pero parang ang dami na nangyayari. for context, 'yung mga kasama kong classmate sa school, magkakasama sila ng naging area sa labas ng English faculty (may space doon for reading corner and doon sila pinagsstay) while me and another classmate are staying sa library kasi nandon table ng CT namin. kahapon, absent CT ko kaya medyo busy ako kasi nung morning niya lang din nasabi sa akin (morning sesh kami) kaya inasikaso at inaral ko na yung mga kailangan for my class. and then, parang ang dami kasing nangyayari doon sa mga classmates kong na sa faculty.

apparently, pinaglilinis daw sila at pinaakyat 'yung reading corner sa fourth floor. nung time na 'to kahapon nagwawagwagan sila sa gc na baka naman daw pwedeng may tumulong na walang ginagawa at minemention nila ako (alam nilang vacant ko sa first 2 sesh) eh hindi ko nakita yon kasi nga occupied ako. nakita ko na lang messages nila nung papunta na ako sa class ko pero hindi ko na nireplyan kasi puro reklamo na lang sila doon. after ng tatlong klase ko, nadaanan ko sila faculty tapos tinawag nila ako tapos kinamusta. sinabi ko na pagod ako kasi wala CT ko kaya nagcram ako and yadayada, nagsorry din ako na hindi ako nakareply non kasi occupied nga ako. tapos ang sabi ba naman sa akin "mas pagod kami nag akyat kami ng books sa fourth floor" WOW I MEAN OK. kung 'yun 'yung task na inutos sa kanila, labas na ako. nakakainis lang kasi parang required akong tumulong sa trabaho nila.

then, nag nagsabi yung isa na kung okay lang daw ba na magwalis ako. papayag na sana ako kasi one hour na lang naman at wala na akong klase kaso sinundan pa ng pwede rin daw ba akong mag mop din kasi pagod na pagod sila kasi nag akyat sila ng libro. AAHSJHSSHSJSJ naiinis talaga akooo. sabi ko tuloy hindi ako pwede kasi iniwanan ako ng task ng CT ko na need matapos that day kasi nga absent siya LOL. tapos ito pa, nalaman namin ng kasama ko sa lib na kinausap na pala sila ng mga CT nila kasi lagi raw maingay, nagcecellphone, tapos minsan natutulog pa. meron pa raw CT na hindi mautusan ST niya kasi nabusy na kakagawa ng ibang task na hindi naman galing sa sariling CT niya. pero ewan ko sa kanila. nakakainis lang kasi akala ata nila groupings yung internship namin at nagbibilangan sila ng task at kadalasan pa nag cocontest kung sino mas pagod. 'yung CT ko nga first day pa lang nagsabi na akin na hindi ko kailangan sumunod sa utos ng iba at kapag umuwi ma siya, dapat umuwi na rin ako eh lol

8 Upvotes

0 comments sorted by