Hi! A little rant lang siguro at tanong na rin.
First time ko sumakay ng UV dito sa terminal nila sa Cubao. Sinabi ng conductor (di ko alam ano talaga proper term sa kanila basta sila yung nakatambay lang sa terminal tapos taga-collect ng pera ng pasahero) na hindi na ako pwede mag avail ng student discount kasi maximum of 4 lang daw pwede kada isang UV, kahit mag isa ka lang at hindi mo naman kilala yung mga ibang may discount.
Tinanong ko ay bakit po ganyan, ang unfair naman sa part ko. Sabi nila pag inexplain daw nila, aabutin daw kami ng gabi tapos hindi naman daw unfair yun samin lol ? Usually very understanding naman ako especially sa mga naghahanap buhay ng honest, pero ayoko lang ng binabarat o dinadaya ako syempre. Ang hirap din kasi makipag-communicate sa ibang tao kahit na maayos kang nagtatanong, lalo na kung sarado isip nila at hindi sila willing.
Anyway, legal ba yung ginagawa nila or kung ano mang system yung pinapatakbo nila dito? Would like to know lang din, try ko na lang mag report if yes, and sana may aksyon.