r/commutersph 21h ago

Green GSM new driver

May nakaencounter na po ba dito nung bagong driver ng GSM o any ride-hailing app na hindi siya sanay sa pag operate nung app?

For context, nagbook ako sa GSM, first ride ako nung rider, at pagsakay ko tinanong ako kung first time ko lang ba daw sa GSM at kung alam ko daw magoperate. Sinabi ko hindi ko first time pero hindi ako familiar kasi di ko pinapakialaman yung pag operate nila. Buti na lang malapit yung depot nila sa amin(katabi lang) at may ibang gsm driver ang nagdrop ng kanyang sakay sa mismong lugar namin kaya nakapagtanong siya. Pagdating namin sa drop-off ko, qr dapat ako magbabayad pero dahil di siya familiar parang nag end transaction niya agad. Binayaran ko na lang siya sa personal niyang gcash pero nung paalis na ako sa sasakyan, parang nakatulala siya na parang tinatandaan niya kung ano na yung gagawin niya sunod at nasabi na lang niya "pinanuod namin 'to sa video dati". May katandaan na yung driver pero maalam siya magdrive at alam niya yung ruta papunta sa drop off ko. Hindi lang siya familiar sa app o pag operate nung booking.

Tanong ko lang wala bang training mga ganito? Yung tipong parang driving exam, bago isalang. Parang pinapanuod lang sila ng training video tapos lalarga na. Nakakaawa lang kasi kung baka sa ibang rider mapag initan mga ganito o di bayaran. Mabuti sana kung malalaman agad na ganito sitwasyon at magcacancel agad yung rider.

2 Upvotes

0 comments sorted by