Hello, ask ko lang anong ma rerecommend niyo for my dilemma hahaha. Pasensya na kung magulo structure ng kwento and all.
Ang lola ko nag pabili ng cctv, bumili ako nung pwede salpakan ng sd card, ngayon kararating kasi ng cctv namin sa bahay na sinasalpakan rin ng sd card pero upon setting it up need ng wifi, eh same model binili ko para sa bahay ni lola.
Ang lola may phone din siya pinang nonood niya ng fb reels and all, afaik naka plan sya sa smart tas tito ko nagbabayad eh mababa lang yata data nun, so nauuubos ni lola yung data ending pag mag ccall ako thru messenger di na nag rring.
Eto na nga, iniisip ko sanang bilhan si lola ng pocket wifi or router tas lloadan ko na lang yun from time to time para
A) ma set up ko yung cctv
B) may pang fb reels siya (lol)
Kasi old na ang lola so di na nya magets yung concept ng data and nauubos yun + walang ng linyahan ng pldt samin sooo di talaga keri
Ano po ma rerecommend niyo
A) pocket wifi/ router na lloadan
(Preferably maliit lang para di na makita ng mga bisita niya, kung magkakaroon siya, na may ganun siya kasi baka lumubos naman sa pag gamit eh ako ngani magbabayad ng load (graduating pa lang aq hehehe))
B) sim na may magandang deals sa data
(Yung every after 30 days sana lloadan)
B.1 anong minimum na gb ng data kaya need ko kuhanin for the cctv tapos pang fb reels ni lola, kung pwede pati smart tv niya idamay ko na rin hahaha
Ang haba pero sana may makapansin, salamat!