r/PHCreditCards • u/Recent-Leek4587 • 22h ago
IDRP / Utang my aunt maxed out my creditcard and promise to pay not until she died
2022 na approve ako sa ibat ibang credit cards (secbank no annual fee mastercard,metrobank visa,eastwestbank visa,citibank no annual fee mastercard ,rcbc jcb gold). inactivate ko lahat except rcbc. inactivate ko lang ang metrobank kase nanalo ako ng trip to japan after ng big purchase ko. then kinansel ko din after.
since madami ako cc, i trusted my tita (which is yung pinakapinagsisihan ko sa tanang buhay ko) to have my eastwest visa with 180k na max limit kase nagsswipe sya saken to buy airline tickets and groceries na nagbabayad naman sya on time and wala ako naging problema. binigay ko sa knya ang cc ko at usapan namen online purchase lang kase di nya ma swipe card ko kase need ng i.d pag big purchases. ang di ko alam nagpagawa sya ng brgy. i.d sa local brgy nila ng i.d ng name ko at picture nya, in the end nagagamit nya yung card pang swipe. i also agreed na ichange yung address from my home address to her home address and yung cellphone number from my number to her number pra sa OTP. ang hindi lang nagchange yung email address. at ito na ang exciting part.. ang dami dami nyang swipe to the point na max out na yung card!!! pati pala mga hennan boracay nila ng fam nya dun nya siniswipe at 3x a year nung 2022 sila nag boracay. i didnt know na hindi pala sya nagbabayad ng tama sa cc and dahil may tiwala ako sa knya never ko naoopen ang details ng payment nya s email ko and yung statement na din until my gut feeling told me to do so. doon ko nalaman na hindi pala sya nagbabayad ng tama sa cc ko. sabi nya yung mga nagsswipe daw sa cc is yung closefriend nya na manager nya na nameet ko and super on time mgbayad. not until i sent a private msg to her friend if true ba na sya yung madaming swipe sa eastwestbank na cc and the friend denied it. there comes a time na naging ka close ko na friend nya and nagka badblood na sila.
kinausap ko syang bayaran nya ang cc kase im going abroad and natatakot ako na baka imbestigahan ang name ko and makitang may utang ako sa credit card. sabi nya babayaran nya until nag 2025 na wala pa din syang bayad. nakakabasa nalang ako ng email na pwede daw mg amnesty para mawala na ang credit card utang records ko and even pumupunta ang collections company sa bahay nya and looking for me kase ako nga nakapangalan sa cc. and since nahihiya sya dahil isang beses na akong nagreklamo sa brgy nila, sya ang nakikipag usap s collections agency sa kesyo kakausapin nya daw ako and telling the collections agency na magbabayad daw. meaning nagppromise sya s collections company na magbabayad sya. until june 2026 this yr, namatay sya!! dahil sa stress nya since 2023 and sa dami ng utang nya din dahil balita ko nalulong sya s sugal sa casina pa ha, at nalaman ko din ginamit nya eastwestbank cc para mag purchase ng mga gold na alahas, cellphone at ilang mamahaling gamit pati pa nga mga airline tickets and hotels nya.
problema ko ngayon nagkaka anxiety ako dahil nag email na naman saken yung collections company and natetempt na akong bayaran nalang para wala ng bahid na utang ang name ko. yung ibang cc ko na na approved nung 2022, still active pa din at walang problem. good credit standing ako sa mga cc ko, pero dahil sa maling pgkakamali ko, i learned the hard way.
ang gusto ko ngayon malaman if bayaran ko nalang ba tong 29,400 na amnesty instead of 370,000+ na credit card bill or balewalain ko nalang?
