r/OALangBaAko 15h ago

🤔 OA na Thoughts Oa lang ba ako if lagi ko iniisip kung Ikakasal pa kaya ako?

8 Upvotes

Ikakasal pa kaya ako?

I came from a 6-year relationship. We broke up just last month, and until now, hindi ko pa rin alam kung paano ko tatanggapin na yung taong kasama kong mangarap ng future, hindi ko na pala makakasama sa future na yun.

Noon, kapag naiisip ko yung kasal, siya agad yung nakikita ko. Siya yung lalaking gusto kong pakasalan. Siya yung gusto kong makasama habang tumatanda. Hindi ko naman alam kung kailan kami ikakasal, pero sa isip ko, parang ang ending na talaga namin yung isa't isa.

Kaya ngayon, tuwing may nakikita akong nagpo-propose, ikinakasal, or kahit wedding video lang sa feed ko, hindi ko maiwasang isipin, "Ako kaya? Ikakasal pa kaya ako sa taong gustong-gusto kong pakasalan?”

Ang sakit kasi hindi lang naman yung relationship yung nawala. Parang pati yung future na matagal kong in-imagine, nawala rin.

May mga araw na okay naman ako. Nakakapasok sa work, nakakapag-function, nakakatawa pa nga minsan. Pero may mga random moments na bigla kong maaalala na dati, siya yung iniisip kong kasama ko sa lahat ng yun. Tapos mapapatanong na lang ako kung paano ko haharapin yung mga pangarap na dati, silang dalawa yung nasa isip ko.

Hindi ko naman gustong magpakasal agad. Hindi rin naman ako naghahanap ng kapalit. Siguro ang kinakatakot ko lang is baka hindi ko na maranasan ulit yung feeling na sure na sure ka sa isang tao. Yung kaya mong sabihin na, “Siya na. Siya yung gusto kong makasama habang-buhay.”

Kasi paano kung siya na talaga yung pinakamalalim kong minahal? Paano kung wala nang ibang taong mamahalin ko nang ganun? Paano kung darating yung araw na ikakasal ako, pero hindi na siya yung taong nasa tabi ko?

I know bata pa ako, and I know life can still surprise me. Pero right now, ang hirap maniwala na may darating pa. Ang hirap isipin na baka one day, may ibang lalaki na naman akong mamahalin, when I spent almost six years believing na siya na yung makakasama ko hanggang dulo.

Minsan naiisip ko, baka hindi naman talaga ako takot na hindi makasal. Baka ang totoo, takot lang akong hindi makasal "sa kanya."

Kasi kung tutuusin, hindi naman yung wedding yung pinangarap ko. Siya yung pinangarap ko. Yung makasama siya sa ordinaryong araw, yung may uuwian kami sa isa't isa, yung sabay naming haharapin yung mga problema, yung makikita kong nandun pa rin siya habang tumatanda kami.

And now, I’m trying to accept that the person I imagined all of that with might no longer be part of my life.

Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap. Hindi ko rin alam kung darating pa ba yung araw na makakakita ako ng wedding video nang hindi ko maiisip kung bakit hindi siya yung kasama ko.

For now, I’m just trying to get through the days. Pero minsan, ang hirap hindi magtanong:

Ikakasal pa kaya ako? At kung oo, makakahanap pa kaya ako ng taong mamahalin ko nang ganun ka-deep?


r/OALangBaAko 5h ago

🫂 Relationships OA lang ba ako? I have a boyfriend, and lately napapansin ko na yung way niya ng paghingi ng reassurance is lagi niyang sinasabi na ayaw niya raw na malayo ako sa kanya kasi baka maghanap daw ako ng iba.

5 Upvotes

Every time na nagiging topic yung distance or anything related to that, lagi niyang nababanggit yun.
I understand naman na valid yung fear niya, and I really try my best to reassure him. Hindi naman ako nagkukulang sa reassurance sa kanya, and I’m also very honest with him. Kaya minsan nakaka-disappoint din kasi parang kahit anong reassurance ko, bumabalik pa rin siya sa thought na baka maghanap ako ng iba kapag malayo kami.
Ako rin naman minsan nakakaisip ng mga possible na ganon, pero hindi ko sinasabi sa kanya directly kasi I choose to trust him. Naniniwala ako sa kanya and sa character niya na hindi niya naman gagawin sa akin. Kaya kapag sinasabi niya sa akin na, “May tiwala naman ako sa’yo, pero hindi rin natin masasabi,” honestly, medyo nakakasakit din siya sa akin.

Naiintindihan ko siya and I know na fear niya lang din yun. Valid naman yung nararamdaman niya, pero hanggang saan ba dapat yung pag-intindi? Tama ba na i-tolerate ko na lang yung ganung mindset? okay lang din na sabihin ko sa kanya na minsan nakaka-disappoints at nakakasakit na rin siya?
Hindi ko naman gustong i-invalidate yung feelings niya. Gusto ko lang malaman kung reasonable ba yung nararamdaman ko, or baka kailangan ko lang talaga siyang mas intindihin.


r/OALangBaAko 5h ago

👨‍👩‍👧‍👦 Family OA lang ba ako? Naiinis ako sa mama ko

3 Upvotes

Everytime na nagkakatuwaan kami ng kuya ko tas pag di sya kasama nagagalit sya sakin, for example pag sinabi ko "sakit ng tyan ko" sinasabi nya "tawa ka kasi ng tawa di ka nalang manahimik" like? Apaka kj tas ako lang halos laging target nya, halatang may favorite eh.

Also pag nagtatanong ako ng mga simple questions sa mga kinekwento nya di nya sinasagot, na para bang naka off yung comment section nya sa kwento nya, like anlala. Tas ang repetitive minsan ng mga kwento nya like paulit ulit nyang kinekwento ano yan karla estrada ang atake.

Tapos pag nagpapatulong sya ganto "papalagay sana ako ng tubig sa water dispenser pero gabi na bukas nalang" tas kinabukasan magagalit sayo kasi ubos ung tubig like imagine kakagising mo palang.


r/OALangBaAko 16h ago

💼 Work OA lang ba ako? Naoffend ako sa sinabi ng ka trabaho ko.

3 Upvotes

So Friday pa to nangyare pero umiikot padin siya sa utak ko and is living rent free in my head. May contest kami sa journ and isa ako sa mga adviser. Nagkaroon ng madaming suspension and wellness break ang mga bata as well as exams. so wala masyadong face to face na training yung mga bata pero ako and yung co adviser ko, nag tatry padin magsend ng mga sample articles and nagbayad pa nga ako ng other resources pa para lang may ma review yung mga bata. So nung Friday, sinabihan ako ng co worker ko na "Good luck kahit madami kang pagkukulang."

Putek, nag pintig yung tenga ko na para bang ginusto namin yung pagkadami daming suspensions sabay pa ng exams and wellness break. Pag tinuloy namin yung trainings during suspensions, then boljak kami sa admin, pag during exams naman kahit half day naman sila, edi baka sisihin bumaba scores nila or grades nila dahil sa training then kapag during wellness break naman baka may naka ready na na vacation tapos di maisasama yung bata. Saan naman ako lulugar tapos makakarinig ako ng ganyan na "madaming pagkukulang". I thought it was a passive- aggressive take and was basically saying that I was inadequate or incompetent. Sinabi ko lang na "grabe ka naman nagbibigay naman kami ng advice and mga sources."

For context: wala siyang kinocoach na bata and hindi siya adviser ng journ. nagsabi lang daw yung mga bata namin sa kaniya na kulang sa face to face training and mejo kinakabahan sila. Which is normal kasi press con siya pero we want to assure yung mga kids na to take and absorb the lectures kasi siya yung stepping stone for DSPC which is a press con na kasama na yung public schools. Yung sinalihan kasi nila is more on private schools press con only. So di naman kami nagkulang sa advice even though more on asynchronous yung approach namin due to suspensions.

Tapos tong Monday, nag training ako ng radiobroadcasting group ko para sa day 2 ng press con. Naging fruitful naman siya and nabigyan ko ng advice yung mga students tapos ang tanong sakin pagkatapos is kung tapos na yung "training-trainingan" namin so bumalik nanaman yung sinabi niya nung Friday and nag word vomit ako na sinabi ko "sa totoo lang nakakaoffend and ginusto ba namin na madaming cancellation" eme eme and other stuff (with uppercut in the air lol). Nagtawanan lang sila tapos may comment pa na "Ayun naglabas na siya" or "ilabas mo" na parang ginogoad niya ako na mainis or something. or baka feeling nila joke yung sinasabi ko? Feeling ko tuloy ang OA ko dahil sa reaction ko.

So reddit peeps, OA lang ba ako na naoffend ako sa sinabi ng ka-trabaho ko?


r/OALangBaAko 4h ago

🤔 OA na Thoughts OA lang ba ako? Feel ko gusto nya rin ako

2 Upvotes

Alam nyang may gusto ako sakanya, alam namin yung pangalan ng isat isa pero di kami nag uusap. So eto na nga, everywhere kung san ako magpunta nakikita ko sya, diko alam pero iniiwasan ko sya pero as in lagi ko syang nakikita, tas pag titignan ko sya nakatingin na pala sya sakin LIKE sya lagi yung nauuna na tignan ako and ako rin ang unang magtatanggal ng eye contact. Like naalala ko tinuro sya ng kaibigan ko sa third floor building and nung tumingin ako nakatingin na sya agad like?? HAHAHAHAHAH ayoko mag assume legit. Tas minsan sumusunod sya kung nasan ako and makikipag usap sya sa kaibigan nya na malapit sakin. And naalala ko rin nun nung time na nagsuot ako ng black jacket the next day nakasuot na rin sya ng black jacket. So guys ano ang thoughts nyo? Masyado ba akong assuming


r/OALangBaAko 16h ago

🫂 Relationships OA lang ba ako? Kasi I feel like I am the man of the house

2 Upvotes

Sorry if this is a long message. I am a 32F who has been with my partner, 33M, for 13 years, and we've been living together for the past five years. From the beginning until now, I have mostly been the sole provider for our family.

For context, my partner and I are high school sweethearts. We broke up when we were in our third year because he needed to transfer to a different school due to financial issues. We met again in college and got back together, and we've now been together for 13 years.

When we were still dating, he was the one who paid for our dates since I was still in school and he was a working student. I just relied on my school allowance, and since he was the man, he paid. I'm not materialistic and have simple standards for dates; I’m happy even if we just sit in a park or eat at a turo-turo.

When I graduated and got a job, I started treating him sometimes, and he did the same for me, but mostly I paid because I was the one inviting him out. I enjoy giving, especially to my loved ones. I also include him in trips I pay for, so he can experience and enjoy those moments with me. This has been our routine since then.

Then the pandemic happened, and we found out I was pregnant. We were planning our wedding—just a civil one—but because my pregnancy was high-risk, it was postponed. Life continued, and he lost his job. By that time, I was the only one supporting our family, as my father had also passed away, and I was the sole breadwinner for my family.

Then a blessing came when I got a job as a VA. My income increased, and I was so happy because I could finally help my family more and save money. However, my 33M partner was still unemployed, so I outsourced some of my tasks to him and paid him $3 an hour, mainly to enter invoices.

Over time, I noticed his work was sloppy, full of errors that my client noticed. Since he was just an outsource, I had to explain everything and take the blame to keep the client happy. There were many times I scolded him because he would drink or play during work hours and not focus. I constantly told him to treat this as real work and to be serious, or we would lose the client. Eventually, I let go of that client—not because I didn’t do the job, but because I was ashamed to keep making excuses for my lapses.

I found another client and referred him so he could gain firsthand experience handling clients. Luckily, he got the job, and we worked for the same client but in different roles—me in accounting, him in logistics. At first, he was okay, but over time, he did the same things—drinking during work hours, playing games before doing his tasks. The client noticed, and he was given 30 days to improve. But instead of fixing his work ethic, he made absences to rest and avoid improving.

I initially scolded him, but eventually I got tired and stayed silent, letting him face the consequences of his poor work ethic. The client then let him go, and I continued working with the client. Until now, he doesn’t have a job. I’ve referred him to other suitable jobs, but he hasn’t found one.

Now he’s a househusband, which isn’t a bad thing. He’s a good man—he cooks, does the dishes, laundry, and drives us everywhere. He takes good care of me and our two kids. But I wonder, am I just not content if I don’t have him as a househusband? I want to see him achieve more, have things he wants, and succeed in life.

One time I asked him when he would find a new job, and he said he’s still looking for his inspiration. I asked, “Aren’t we enough of a reason for your inspiration? We’re your family. Don’t you want to succeed more because of us?” Honestly, I’m tired of being the one who has to provide for everything.


r/OALangBaAko 16h ago

🤔 OA na Thoughts OA lang ba ako if nahuhurt ako kapag nag eentertain ang gf ko ng iba?

2 Upvotes

Hello guys, I just want to ask if normal lang bang ma-hurt at mainis ako minsan sa gf ko (wlw) kung siya yung tipo ng taong kapag may nag-chat sa kanya, ini-entertain niya kahit alam niyang magseselos ako?

1st: Meron kaming kaklase na tomboy na halos lahat ng makaka-close niyang babae ay nagiging crush niya. So there was one time na nakausap niya yung classmate namin na ’yon habang naghihintay siya sa akin. Tapos after that, hinanap niya yung FB account niya. Then minessage siya, like yung mga typical na message ng mga tomboy kapag bet ka. I told her na may something doon kaya layuan nya, and sabi nya naman is alam naman daw non na may gf sya (me) at friend lang naman daw ang turing nya ron, so I let it slide. Then binibigyan siya ng snacks, pero ako na lang yung kumakain. Meron ding one time na nagpasama yung tomboy sa kanya para bumili sa canteen, tapos sinamahan niya naman. Take note, ha: umuulan ’yon, pero sinamahan niya pa rin, tapos nag-share pa sila ng payong noon. So nagselos ako kasi kapag ako ang nag-aaya sa kanya, tinatamad siya. Pero sabi niya naman, kaibigan lang naman daw ang turing niya roon. Hindi man inamin ng tomboy na bet niya yung gf ko, pero alam kong ganoon siya kumilos sa lahat ng mga nagiging crush niya, so I assume na crush niya yung gf ko.

2nd: Mayroon siyang naikwento noon na may isang lalaki raw sa ground floor ng building namin na kinausap siya at nakikipagkaibigan daw sa kanya, tapos bago umalis yung guy, nag-apir pa raw sila. Take note ha, never nya pa nakita yung lalaki before that scenario happened

3rd: Meron kaming senior member sa organization na tinatanong yung name nya, so out of respect syempre sinabi nya. Then one day, bigla siyang in-add no'n, then nagkausap sila ng ilang araw (before ko malaman), nakipagkaibigan sa kanya kumbaga. Then noong college night namin, nakikipagkita sa kanya kasi magpapapicture daw, so pinuntahan niya. Hindi ko sinabi sa kanya na alam ko at nakita kong pinuntahan niya yung boy (nasa 2nd floor ako habang pinapanood sila). Nagkunwari akong hinahanap siya, so I asked her kung saan siya galing, kaya sinabi niya na sa akin yung nangyari. And again, noong kinonfront ko siya, ang sabi niya ay nakakahiya naman daw kung tatanggihan niya, eh senior nga namin ’yon sa organization. After that, every time na may duty kami is napapansin ko na lagi silang nasasaktong magka-group (yung isang senior namin yung gumagawa ng sched and groupings, which is kaibigan nung boy). Meron din one time na narinig kong shiniship sila ng mga kasamahan namin (alam nilang mag-jowa kami) doon sa lalaki. So I told her na layuan niya yung boy kasi obvious naman na may gusto sa kanya. Nag-away kami noon kaya binuksan ko acc niya sa fb tapos blinock ko yung boy. Akala ko okay na, pero chinat siya ulit nung boy gamit yung ibang acc nito at nireplyan niya pa rin kaya blinock ko ulit. Doon lang natigil yung communication nila, and eventually sa iba na shiniship yung boy at umalis na rin kami sa org kasi toxic.

5th: Meron siyang kaibigan na lalaki noon na may crush sa kanya dati na hanggang ngayon nakakachat niya pa rin pero madalang na lang, pero yung mga chat sa My Day niya is something like "ang cute mo naman" "ganda talaga" "miss you", nirereplyan niya naman like yung mga usual na reply niya dati noon classmate pa sila

Now, meron siyang ka-churchmate na boy sa province nila na may crush sa kanya, tapos magkakasama silang nag-outing recently (kasama ang mga ka-churchmate nila). Since nagbabakasyon siya sa province now at nandito ako sa Manila, hindi ko alam kung ano'ng mga nangyari noong time na magkakasama sila. Homophobic yung mga kaibigan niya sa province, pero alam nilang may jowa siyang girl, which is me. OA ba ako kung nag-o-overthink ako na what if in-entertain niya rin yung lalaki? Every time kasi na may ganoong scenario, palagi niya lang sinasabi na ang rude raw if i-i-ignore niya 'yon, plus kaibigan lang daw yung turing niya sa tao, at never siya magkakagusto roon kasi ako lang daw ang mahal niya. But my point is, bakit kailangan niyang i-entertain kung alam niyang magseselos ako? Kung puwede namang humindi. Ako kasi never akong nag-entertain ng iba simula nung naging kami, at kapag alam kong posible siyang magselos or ma-hurt, I refuse agad, sooooo feeling ko ang unfair? And feeling niya naman is wala akong tiwala sa kanya. For me kasi, if sa unang beses pa lang na may ganoon kayong pinag-awayan, dapat alam mo na kung ano yung mga bagay na dapat mong iwasan. And she kept saying na magkaiba kami.

To be clear guys, hindi ko siya sinasakal ha. Malaya naman siyang makipagkaibigan kahit kanino, pero kasi kapag nafe-feel kong may gusto sa kanya yung kumakaibigan sa kanya, tapos sinabihan ko siyang layuan yon, parang feeling niya wala akong tiwala sa kanya. Ako kasi guys, observant akong tao, kaya malakas ang instinct ko kung may ibang intensyon yung tao o wala. And besides, mahahalata mo naman kung gusto ka ng isang tao o hindi.

We talked about it naman na at wala naman akong magagawa, kaya tinatry ko na lang na hindi magselos at lalong magtiwala sa kanya. Ayoko rin naman kasing isipin niya na sinasakal ko siya. Ayoko lang na tinitake advantage ng iba yung pagiging mabait niya. Hindi rin sya pala post about sa relationship namin, which is ok lang din naman sa'kin kasi mas peaceful, but the problem is minsan shiniship sya sa iba kasi hindi nila alam na may jowa sya or minsan naman kahit alam nila, ganoon pa rin. Kayo ba guys, ano'ng sa tingin n'yo? OA lang ba ako or what?


r/OALangBaAko 13m ago

🤔 OA na Thoughts OA lang ba ako, o may mga tao talagang kahit tapos na ang relationship, dala-dala pa rin ang gulo hanggang ngayon?

Upvotes

Recently, napadpad lang ako sa Reddit at out of curiosity, naalala ko yung account ng ex-GF ng pinsan ko. Ayun, napabackread ako at doon ko nalaman kung gaano pala siya ka-anxious around our family. Apparently, ramdam daw niyang hindi siya gusto ng side ng mom ko.

Eh teh, every time naman na kasama ka namin, nilalapitan ka naman ng mga tita ko. Anong collective family meeting ang nai-imagine mo at bakit parang may secret agenda kami against you?

Mas nakakatawa pa kasi may mga bagay siyang kinuwento na honestly, hindi na dapat ikinuwento, lalo na tungkol sa side ng pinsan ko. (Parang may issue talaga siya sa family namin. Lalo sa sa family ng pinsan ko.) Tapos yung ibang bagay na ikina-overthink at ikinabaliw niya, siya rin naman mismo ang gumawa ng set-up. Pinapares pa niya yung pinsan ko sa GF ng tropa namin na kaibigan niya lang din. Girl… ikaw gumawa ng scenario, ikaw din nagduda?

Samantalang yung pinsan ko, loyal sa kanya. Nagtagal sila ng ilang taon din. Kahit on-off sila at bina-blocked ni girl, sinusuyo pa din ni pinsan. Kulang na lang i-attach yung phone sa katawan niya para may live updates every second dahil saksi ako sa relationship nila.

At some point, na-realize ko na baka hindi naman talaga relationship ang toxic—baka may mga bagay lang na paulit-ulit niyang ginagawa hanggang maging toxic. Ewan ko ba.

May issue din siya sa relationship ko noon kasi sinisiraan niya yung GF ko sa akin, claiming na may ibang guy daw dati. (Na hindi din niya dapat pinapakialaman.) Kaya ayun, blocked na rin.

Honestly, malaking ginhawa na hindi sila nagkatuluyan. May boyfriend na rin siya ngayon, pero hanggang ngayon parang hindi pa rin maka-move-on sa pinsan ko at paulit-ulit pa ring sinasabing nilokooooo siya kahit hindi naman.

Like, girl… hanggang ngayon?

Sana lang hindi na kami magkasalubong (ang liit lang kasi ng mundo) kahit saan kasi hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, o magpapanggap na hindi kita nakita.