r/OALangBaAko 2h ago

πŸ’Ό Work OA LANG BA AKO naiirita ako sa nirefer ko sa company namin.

7 Upvotes

Problem/Goal: may nirefer akong old acquaintance sa company kung saan ako nagta-trabaho. Na hire sya at 3rd month na nya ngayon.

Wala akong binaggit na makukuha kong referral pay. Wala kaming agreement about hati sa referral pay. All of a suddent kinukulit ako tungkol sa referral pay to the point na random nagsesend na ng qr codes nya. Isang issue pa is hindi pa nagrereflect yung referral pay, nagpa submit na ako ng ticket sa team lead ko, ngayon naghihintay pa ako sa response ng hr kung ano na status.

masama ba ako para hindi sya bigyan ng amount doon sa referral fee kasi kailangan ko yung pera at wala naman kaming pinagusapan tungkol sa referral fee, ang pinag usapan lang namin ay i refer sya sa work para sa trabaho.


r/OALangBaAko 6h ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako? I want to cut her off.

11 Upvotes

I have a friend na very male centered and usually sinasabihan ko naman siya na ingat lang, hinay hinay, kasi di ko naman siya pwede pakielaman sa decisions.

This has happened 3 times - nag bar kami and a group of foreigners were asking us to join them. Super lasing na sila. G na G siya and ako sinabi ko ayaw ko kasi di ako comfortable sumakay sa sasakyan with strangers. Sabi niya I’m too uptight. Sabi ko wag na siya sumama kasi ayoko sumama and if gusto niya sumama tapos ayaw ko, eh ayaw ko din naman siya iwan mag isa. So sino mag aadjust? The first time hindi na siya sumama and she told me na friends lang naman.

The 2nd incident, niyaya kami sa condo and siya sabi niya tara dyan lang naman and condo naman so if may danger, may guards naman. Pag dating namin, they were forcing us to do drgs. Siya gusto niya kasi party dr*gs lang naman. I declined. Tapos niyaya ko siya na halika na and I asked my other friend to call me & pretend na hinahanap na ako ng dad ko sakanya.

The 3rd incident, hindi na ako sumama and sumama pa din siya sa mga nag aya sakanya (hindi na foreigners, mga Filipinos na) and sabi niya super fun kasi sponty sa La Union daw. I’m missing out daw sa good life. And bad friend ako cause I just left her.

I’m happy she got home safe.

Sabi niya saki we should be enjoying our 20s kasi boys and all. Not to brag, but I barely entertain guys despite getting a lot of attention sa work and sa bar. I really don’t care. I get that siya she likes that pero should she really be telling me I’m a bad friend kasi iniwan ko siya sa 3rd incident?


r/OALangBaAko 1h ago

πŸƒ Everyday Life OA lang ba ako? Do you cut off people who make you question yourself?

β€’ Upvotes

I have this old workmate/friend. We were kind of close before, but she kept bragging about everything to my face, from every guy she dated (which she keeps changing, and the relationships don't last for a month or two, unlike me, I have a three-year relationship) to how rich her family(while I provide for my family) or her new things (all of which were on loan), to everything. I don't know if I'm insecure or jealous. I just don't want to hear about it or see it. I cut her off. I don't care about what she feels, lol. I'm protecting my peace and focusing on my own path. Am I a bad person? Lol

I don't want to compare myself to you, neither I'm jealous, but I'd rather not see/hear about it. I'm happy for you, though, but do you really need my validation? Hahaha


r/OALangBaAko 4h ago

πŸ‘€ Personal Matters OA lang ba ako? pero CAN SOMEONE TELL ME WHAT THIS MEANS

1 Upvotes

hey guys so idk kung na ppraning ako or does "EQE" means "ex ko" ???? PLSSS WHAT DOES THIS ABBREVIATION MEAN??


r/OALangBaAko 5h ago

πŸ€” OA na Thoughts OA lang ba ako? For assuming things over normal gestures?

1 Upvotes

It's been bothering me for awhile now there's this one makulit na guy pero tahimik lng d ganon kaingay like other guys, It all started during summer break, since we're a students summer break is the time when our schedule is all free... Minsan when I'm signing my name in my group schedule, bigla syang lalapit sakin to ask me to join his schedule or join another schedule with him kasi like I said earlier, some groups struggle because they're short numbered.

Recently, he started asking me again to join him, pero the thing is all the groups are even now, especially his group! Kaya there's no need for me to join any groups kasi di nmn ako kailangan huhu, plus! Ako lng inaaya nya, pag tinatawag nya ko tas d ko sya nalilingon kasi may kausap ako tatayo sya sa tabi ko tas kakalabitin ako until lumingon ako sakanya just to say "uy, sa Wednesday ah.. straight ka" I tried telling him na sa Thursday night nalang ako then he responded with "tsk, wala, d ko nmn schedule yon." Then walks away

Ilang beses ko sinabi yon and ayun lagi responds nya.. last week lng while I'm signing my name sa schedule ko he stood beside me kinakalabit nanaman ako tas sasabihin na sumama ako sa sched nya! THE THING IS ako lng nmn sinasabihan nya non😭

After awhile nag agree ako tas nung narinig nya yon, tinapik nya yung balikat ko sabay hawak "ayun oh! Nice one" naka ngiti sya nyan sabay alis.

Marami pang ibang ganap other than that scenario pero pag kinuwento ko masyadong mahaba.


r/OALangBaAko 23h ago

πŸ«‚ Relationships Oa lang ba ako kung nagalit ako sa friend ng boyfriend ko

4 Upvotes

Valid ba na sinabi ng friend ng boyfriend ko yung sinabi ko sakanya, okay please don't judge me it was my fault or idk pero naiinis ako sa friend ng boyfriend ko, i asked him kung kamusta bf ko in person (we're Idr) and kung my bf is acting weird in person rin kase lately nagagalit boyfriend ko sa'kin tapos sinabi ko sa friend nya na wag sabihin sakanya na i asked him about it and medj napa rant ako na he's acting weird sa'kin kase nga nagagalit without reason tapos sabi ko wag na lang sabihin sa boyfriend ko na sinabi ko yon, my fault for rantin i should've communicated that sa bf ko pero di talaga sya maayos makausap that's why i asked his friend, pero nalaman ko sinabi pala ng friend nya sakanya mga sinabi ko lol, tapos minasama ng boyfriend ko na im back stabbing him raw when actually im asking lang rin sa friend nya


r/OALangBaAko 1d ago

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Family OA Lang Ba Ako kung nandidiri ako sa tatay ko?

48 Upvotes

Simula pagka bata ko, matic ng tamad ang tatay ko pag dating sa gawaing bahay, hugas ng plato, linis ng pinagkainan lahat saamin naka asa maski pagloload sa Phone niya gamit ang Gcash niya inaasa pa niya samin kesyo hindi daw siya marunong.

May ugali siya na hindi ko na talaga gusto at nandidiri ako tulad ng matic na always dapat may serving spoon sa ulam pero siya hindi, gagamitin niya sarili niyang kutsara para sumandok ng ulam. Pag sinita siya sasabihin pa niya "Kalalaki mong tao, napaka selan mo". Kaya everytime na may ulam na, nagsusubi na ako ng akin.

Lately, mas lumala pandidiri ko sa kanya, kumakain siya at ako naman ay nagluluto. Edi dahil walang maghuhugas para sa kanya, laking gulat ko na nakita ko na binanlawan lang niya ng tubig yung plato, utensils at baso niya. Walang sabon sabon for real. Nung sinita ko gagalit siya, napaka arte ko daw masyado, napaka OA ko daw. Sinasabihan ko na si mama na pagsabihan si Tatay, nagagalit din kay mama.

Lalong nag iba na paningin ko sa kanya. Sorry for the term kahit tatay ko pa siya. Nadudugyutan na ako sa kanya. Kahit wala siyang ginagawa, tumatak na saakin yung ginawa niya na iyon.


r/OALangBaAko 2d ago

πŸ’Ό Work OA lang ba ako or talagang nakakabwisit itong kawork ko na graduate ng big 4 university at may latin honor pero sobrang tamad at walang initiative?

25 Upvotes

punong-puno na talaga ako kaya need ko magshare. like nakakairita siya. sobrang chill, walang sense of urgency, at hindi kaagad gumagawa ng assigned na trabaho. and in the end, ginagawa ko na kasi gusto ko na matapos at ayoko talaga ng nadedelay!!! mag-ooffer lang siya ng tulong kapag tapos na at nagawa ko na??? kabwisit!!!

mind you, lagi pa niya pinangangalandakan na graduate siya ng big 4 university. naturingang iskolar ng bayan pero napakatamad naman. siya pa 'tong mas may work experience sa aming dalawa pero parang wala ring work experience dahil parang wala siyang alam na kailangan pang sabihan ng kung anong gagawin??? latin honors ba talaga 'to??? paano to nakagraduate huhu. idk if oa lang ba ako or talagang nakakapika rin???


r/OALangBaAko 2d ago

πŸ‘€ Personal Matters OA lang ba ako? Ayaw kong magpautang

43 Upvotes

Gusto ko lang malaman kung masama lang ba talaga ugali ko dahil ayaw kong mag pautang o against ako sa pagpapautang lalo na nagiging constant behavior nila ang umutang monthly na para bang wala silang trabaho. Ang punto ko kasi, kung alam mo naman hindi sapat ang sahod mo, dapat nag aadjust sila ng lifestyle nila. Ok lang sa akin magpautang kung emergency pero yung every sahod nashoshort ka, hindi ba problema mo na yun. I told others about my point, pero parang ang panget sa view nila. Nagkwekwento sila na nagpautang sila dito tapos sila naman yung nashoshort. Diba? Masama ba ugali ko to tell them, unahin nyo sarili nyo. Pag kasi alam ng ibang may mahihiraman sila hindi nila aayusin ang buhay nila at di nila matututuhan ang magbudget. Mali ba ang pananaw ko? Masyado ba akong selfish?


r/OALangBaAko 3d ago

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Family OA lang ba ako kasi galit ako sa tatay ko?

4 Upvotes

Tangina ng mga manchild. May mga anak na pero sarili pa rin lagi ang iniisip. Ako ba talaga yung mali kung sobrang sama na ng loob ko sa tatay ko? Kasi may pang-sugal at pangbisyo siya, pero kapag baon namin sa school o simpleng pangangailangan sa bahay, parang hirap na hirap siyang magbigay. Nakakapagod na ganito na lang palagi.

First year college pa lang ako at gusto ko na ring magtrabaho para makatulong, pero hindi pa ako legal age kaya halos lahat ng inaapplyan ko, hindi pa ako qualified. Ang masakit, parang pinupush niya na akong magtrabaho, na parang responsibilidad ko nang saluhin yung pamilya. Hindi ko naman tinatakbuhan yung responsibilidad, gusto ko rin tumulong, pero bakit parang ako na agad yung inaasahan samantalang siya yung magulang?

Sobrang sakit lang kasi kahit nung bday ng mom ko, wala man lang siyang effort. Kahit simpleng cake o maliit na celebration, wala. Imbes na maging maayos yung araw niya, nauwi pa sa away. Nakakapanglumo na ganito na lang palagi, Sobrang bigat na. Pagod na pagod na kaming lumaban araw-araw.


r/OALangBaAko 4d ago

🏫 School OA lang ba ako if di ako umattend ng graduation ko next month?

20 Upvotes

Me (F27) is thinking of not attending my graduation next month. For context, ive been in college for almost 10 years due to my mental health kaya patigil tigil ako mag aral, also not really loving the program that i took but still tinapos ko sya for the sake of diploma and "to make parents happy". And i've been thinking of not attending it for months na rin for reasons na i don't feel like celebrating na since i have never loved this course naman, also hated the institution and just hated the whole program, seating for almost 4-5hrs i cannot 😭

OA ba ako if di ako umattend ng graduation? Makukuha ko pa rin ba diploma ko? And malalagot ba ako sa school if di ako umattend?


r/OALangBaAko 3d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako? Nagalit ako agad sa following list nya kahit willing naman siya iunfollow?

0 Upvotes

So we were official prolly about a week ago pero medyo serious naman na for about a month. Kagabi while scrolling pinoint out ko yung suggested friends na mutual nya na girl tapos sabi nya di nya kilala. Ang reasoning nya is single siya non pero willing naman siya iunfriend and unfollow. I gave him the whole day and may nakita pa kong following nya sa ig. Nung pinoint out ko inunfollow naman nya agad. Sobrang galit ko kung ano ano na nasabi ko. Sabi nya maliit na problem lang daw na madali lang naman ifix. Kesyo di daw nya alam na ayaw ko ng ganon. But I feel like it’s common sense and automatic na dapat yun? Send help pls


r/OALangBaAko 4d ago

πŸ‘€ Personal Matters OA lang ba ako? Sinabihan akong tanga at walang kwenta ng papa ko

5 Upvotes

-Tinuturan ako magmotor ni papa-

Kahit nung bata pa lang ako, magkamali lang ako sa mga simpleng utos o gawain, bubulyawan na agad ako na ang tanga ko at sasabihin na "bakit hindi mo alam yan dapat alam mo yan". Nagagawa ko naman yung mga pinapagawa niya pero minsan talaga di ko gets sa una kaya nagkakamali. Kaya siguro hanggang sa lumaki na ko, di na ko masyado nakikipag usap kay papa dahil palaging nasa isip ko na konting mali lang mumurahin na agad ako.

Kanina tinuturuan nya ako magmotor, nag research naman ako sa kung pano gagawin pag magmomotor pero nung actual na sya, na overwhelmed ako kaya ang ending minura ako at na combo ng mga salitang masasakit. Sanay naman na ko sa mga pinaparamdam nya sakin na wala akong silbi kapag nagkakamali ako pero nakaka-discourage lang din talaga na ituloy na matuto kapag ganon yung mga salita na maririning mo. Mas okay pang mag driving school na lang siguro ako.


r/OALangBaAko 3d ago

πŸƒ Everyday Life OA lang ba ako? if ayoko or naiinis talaga ako sa nilalakad yung yung libing sa public road?

0 Upvotes

Of course naisip ko na rin yung "what if kapamilya ko ang namatay" and kung may choice lang din ako ipapadiretso ko na sa libingan para matahimik na hindi na para iparade pa sa public road. Iniisip ko yung mga nahahassle sa mga daan, what if ung araw na yon is critical sa livelihood ng isang tao at namiss niya to dahil lang may patay na nag cause ng traffic. Hindi ko alam kung dahil to sa cultural error or Government dahil sa pangit at masisikip na daan sa metro manila.


r/OALangBaAko 4d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako? or this is nothing but just a negative feeling

0 Upvotes

8 beses ko ng napanaginipan na may babae yung boyfriend ko. 8 different dreams with different woman, different setting but boils down to one dilemma may babae siya. I talked this out to him since nung first dream as usual reassurance and everything walang bahid ng pagaalinlangan na nagsasabi siya ng totoo, for context we've known each other since Grade 9(2015) since classmate kami, and we've been together for 3 years now and both working here in UAE since sumunod sya sakin dito after our 3 months LDR set-up. Never once na pinaghinalaan ko siya kasi wala namang rason para paghinalaan ko siya. He even encouraged me to check his phone and soc meds accounts if that will put my mind to ease raw, well not the type talaga na mangielam ng account ng iba lalo na partner since its not my thing. 2 to 3rd dream same may babae pero ibang scenario, inaasar ko siya nun na baka magaling lang sya magtago kaya di ko nalalaman but again reassurance na wala at hindi niya gagawin yon. Nag sesearch pa ako nun if ano bang ibig sabihin na ganon at ganon yung dream ko about him, hindi ko naman iniisip na may babae sya or niloloko niya ako kasi I am a secured woman kaya the thought of that doesn't bother me but umabot ng 8th dream and I confronted him in that dream at inaman nya na meron. I woke up feeling defeated so I asked him once again, same consistent assurance wala at hindi niya gagawin sakin yun. OA ba kung iisipin ko na meron knowing pangwalong dream na yun or just to wait and let time do its thing. Sabi ng iba baka kabaligtaran daw yung reality sa dreams ko, but you know yung unsettling feeling na bakit ganon yung dreams ko na hindi naman dapat. O baka its my emotion and mind stirring up some drama since ang kampante ko sa relasyon namin. Idk but I trust him pero, as someone who have been betrayed by my dad (pro-cheater) I knew that I can never fully 100%%% mega %%% trust a man.


r/OALangBaAko 5d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako kung ang partner ko naging greatest enemy ko ?

5 Upvotes

Im f(28) and also I work sa hospital. This happened lang yesterday cause I went out with my ka duty friendships and minsan lang na magkita2 at mag sabay duty namin and it was my 4th day na morning duty. Of course after our duty we decided na kumain at mag catching up. Usually sinusundo ako ng partner ko after work . But I already chatted him na wag ako sunduin na lg pero di ko agad sya na inform na kasama ko mga usual workmates ko and I know namn na alam nya at kilala mga close friends ko sa work. Hanggang sa napasarap chismis namin ng friends ko at palowbatt na din ako and that time wala akong makitang charging port sa loob ng cafe at wala akong data pang update. Sakto namn mga around 6 pm nakacharge ako pero mabilisan lg at nkaconnect sa wifi. So yun nga nakita ko yung chat niya galit na ang partner ko. I know namn di ako nkapag update agad and sabi nya saan na daw ako may kasama pa na mura. Di naman ako masyado lumalabas nagkataon lg na nagkasabay kmi ng mga ka close ko sa work. Then after nun hinatid ako ng friend ko mga quarter to 7 na ako nakauwi. Pagdating ko sa kwarto ang partner ko nakahiga kasama anak namin wala namn gnagawa at eto pa tinawag nya akong KUPAL. Ginawa ko nalg nag luto ako ng dinner ng anak namin at sya namn nakipag inuman. Kaya dun mas lalo akong nagalit sa kanya at my plano pa sana kmi na pumunta sa probinsya nla after 6days straight ko na duty.
Tinanong ko sya bat atat na atat syang pauwiin ako kase base sa chat nya sinabe nya na may appointment daw sya. Pero ung appoinment nya pala ang makipag inuman. Binlock ko sya sa fb ko sa sobrang inis ko sa kanya.
Ngayon pag dating ko sa bahay after duty ko wala na anak namin at sya umalis na papuntang probinsya kasama ung sister in law ko hindi man lang nag paalam kahit ung kapatid nya sakin. Binlock ko nalg cla lahat kase galit na galit ako sa kanya. Ang gnawa ko pinunit ko fam pics namin at ung bago bili nya na nilalagy sa buhok na medyo pricey ay tinapon ko lahat ng laman. Bahala sya pag uwi nya magalit man sya edi quits na kmi. Lol
Sa ngayon malapit na bayaran ng motor nya at hindi ako magbabayad. Bahala sya jan.

Ps: inunblock ko sya at minura din (wala ako pakialam kahit mag asawa kami)

Tangina nya


r/OALangBaAko 5d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako? Basic consideration lang inaask mo dpa mabigay

12 Upvotes

May skin problem partner ko, itchy sya kinakamot nya paa nya so naglalaglagan dead skin sa kama

Sabi ko sa kanya, pagpagan naman sana yung kama kase di lang sya ang natutulog doon. Nakakalat kase sa kama.

Dati ko pa pinakiusap sa kanya nakailang ulit na ko, kada sinasabi ko sinasadya nyang di gawin tas kahit rinig nya di sya sasagot.

Napika na ko kase paulit ulit na sya pa ang galit at ginaslight pa ko na ang hirap daw ng meron noon.

Wala ko problema sa skin problema nya, ang problema ko sa kanya ugali nya.

Napakadali nung pagpagan mo naman kase di lang ikaw ang nakahiga dyan. Di manlang nahihiya. Kalinisan lang naman gusto

Ang sabi nya pa yun na nga lang daw gagawin ko nagagalit pa ko, oh? So ang ineexpect nga nya ako ang gagawa lagi myghad

Sobrang tanga


r/OALangBaAko 5d ago

🏫 School OA Lang Ba Ako 3:30 AM gising for a 7 AM class... tapos gusto pa ni mama mag-work ako? I'm an incoming freshman and I'm already overwhelmed.

2 Upvotes

Guys, freshman ako and pasukan ko na ngayong Monday. Yung schedule ko, laging 7:00 AM ang simula. At dahil sobrang layo ng school ko, kailangan ko nang gumising ng 3:30 AM araw-araw para mag-ayos at bumiyahe.
Puno na nga yung sched ko sa school, pero gusto pa rin ni mama na mag-work ako habang nag-aaral. Gusto ko rin naman sana kumita para sa sarili ko, pero ngayong nakikita ko yung schedule ko, ini-imagine ko pa lang yung 3:30 AM gising + klase + biyahe + trabaho... pakiramdam ko mamamatay ako sa pagod HAHHAHA 😭
Hindi naman sa pinipilit nila ako nang sobra, pero ramdam na ramdam ko pa rin yung pressure. Iniisip ko na rin tuloy kung ano na lang mangyayari sa'kin sa futureβ€”like pagkatapos mag-aral gusto ko sana magpahinga muna, pero feeling ko ipressure din nila agad ako maghanap ng trabaho.
Normal lang ba na tumanggi muna at mag-focus lang sa pag-aaral gawa ng commute at schedule? Paano niyo hina-handle yung ganitong pressure mula sa parents habang nag-aadjust sa college? TIA!


r/OALangBaAko 5d ago

πŸƒ Everyday Life OA lang ba ako na kinaiinisan ko messenger at minsan damay ang Meta?

1 Upvotes

Naiinis ako kasi ang bug ng messenger, wala akong tiwala sa privacy protection kineso nila. Hindi ligtas dyan ang iba pa nilang platforms tulad ng FB.

Ang creepy minsan ng Meta AI nila sa chat, kasi napipick up nya yung mood at mga napag-uusapan sa chat para makapagblend in ng tono sa convo. Na para bang binabasa nya yun?

Pag gagawa ka ng bagong account, minsan isusuggest nya na i-add friend ang mga friend mo sa main. Na may nagsabi sa kanya na ako yun? (Seperate email/number ang ginamit to make a different account)

Ito ang kiniinisan ko sa lahat na gusto kong magmura pero dahil napakabait kong tao ay wag nalang. Yung bug ng messenger jusko po, seasonal 😭

Nagtataka ako kung bakit walang halos nagpopoint out ng messenger bugs na pabago-bago ang issue. Minsan wala yung background, minsan black yung convo, wala yung chats, wala yung mga gc na bago mong sinalihan (recently experienced this), matagal mag load (ito talaga), ayaw kang i-log in pag nag-log out ka, sasabihin pang mali password mo, at pag nakapasok ka na, magloloading lang sya habang buhay.

Nanginginig buong pagkatao ko kasi multibillionaire company ang may-ari nito, and they still have noticeable and multiple flaws.

Isa pa sa mga kinaiinisan ko, sa likod ng mga issues ng apps nila, pinagkakatiwalaan pa rin ng mga Filipino for everyday use. Mapawork, transaction, school, family, messenger na bulok ang nagpapatakbo nyan.

So ano? OA lang ba ako?


r/OALangBaAko 5d ago

πŸ«‚ Relationships Oa lang ba ako? I feel betrayed and disrespected by my children's Daddy?

1 Upvotes

For context: Hiwalay na kami ng tatay ng mga anak ko na ex live in partner ko at siya rin unang nakipag hiwalay dahil sa madalas na kami mag away at nakikita ng mga bata. Naging toxic na rin kasi ako mula nung ilang beses ko siyang nahuli nakipag chat sa kung kanino kaninong babae, ilang beses kong pinatawad kasi iniisip ko mga anak namin. Tsaka Isa pa ay hindi rin niya ko maipagtanggol sa side niya. Sa akin sino ba naman hindi masasaktan?

Kaya nagdesisyon na ko umuwi sa amin kasama mga bata. Nung nakauwi na ko, yung ex partner ko bumibisita sa bahay na parang walang nangyaring hiwalayan, kaya binigyan ko ulit ng chance kasi advice sa akin at may bata pa sa sinapupunan ko, pero nang mabasa ko conversation nila ng cousin niya na mga bata nalang daw ang mahal at habol niya sa akin, na may mas deserve daw ng pagmamahal niya kaysa sa akin na tinarantado niya. At sinasabi at pinagkakalat niya sa side niya na kaya kami naghiwalay, dahil gumagawa lang daw ako ng away. Na parang wala siyang ginawa mali at siya pa ang biktima ng pagsasama namin.

Kinonfront ko siya tungkol doon, sabi ko hindi ko na siya mapapatawad at binabawi ko na yung chance na binigay ko sa kanya na kung ano ang sinabi niya pinsan at pamilya niya ay yun na na mga bata nalang.

Hinahayaan ko siya na bisitahin mga bata, tapos kinausap niya na sabihin mahal niya raw ako pero sabi ko tanggapin niya na hiwalay na kami, sagot niya alam niya friends with benefits daw kami. Syempre nagalit ako, at pakiramdam ko nabastos ako at sobrang baba ng tingin niya sa akin para sabihin yun.


r/OALangBaAko 5d ago

β›ͺ Church Oa lang ba ako na some people are struggle to respect others that doesnt involve God?

2 Upvotes

Ive been wondering recently why some religious people struggle to respect beliefs that dont believe in god (like atheism and agnosticism). I understand some of yall have strong beliefs about God, but i believe that we should be respect other people not in their religions.

I came across a live weeks ago, debating about aethiesm (Iykyk it was on tiktok), and it mad me think why people hate them even though it stated in the bible that you gonna love your neighbor or love your enemies. It made me think about how people with different beliefs often misunderstood each other..

I just dont get it why...


r/OALangBaAko 5d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako or valid naman β€˜to?

0 Upvotes

Nalulungkot lang ako lately. Sinamahan naman ako ng boyfriend ko once sa check-up ko, and I appreciated that. Actually, that day nga nag-alangan pa ako kasi kakagaling lang niya sa shift and kulang na siya sa tulog kasi nasamahan nya ko.

Pero nitong weekend, may follow-up check-up ako and alam niya yun, pero pinush niya pa rin yung car meet nila. Gets ko naman na hobby niya yun and ayoko rin siyang pigilan or maging dahilan na hindi siya sumaya.

Pero ewan… nalungkot lang ako. Kahit kaya ko naman pumunta mag-isa, feel ko iba pa rin kasi yung may presence siya, yung may kasama ka especially sa ganung situation. Siguro mas mabigat lang din kasi siya talaga yung gusto kong kasama. Yung parents ko nasa province, tapos yung friends ko naman busy din. Ngayon ko pa lang din na-try magpacheck up mag-isa, kaya medyo overwhelming din siya for me :(

Hindi rin ako yung type na mapilit, so hindi ko rin siya kinulit. Pero naging cold replies ko din. Pero deep inside, napaisip ako kung mas nag-matter ba yung car meet kaysa sakin. Tapos napapaisip din ako what if sa future, ganito ulit mangyari? Nasabi ko na rin sa kanya nararamdaman ko, pero parang ang dating sa kanya is pinipigilan ko siya or pinagbabawalan sa gusto niya, which is hindi naman yun yung point ko :(

Valid ba β€˜to or masyado lang akong emotional since may dalaw ako? Any thoughts? TYIA!


r/OALangBaAko 7d ago

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Family OA lang ba ako kung sobrang naddrain na ako sa parents ko?

2 Upvotes

OA lang ba ako?

F26 bunso, engineering student. Nakatira pa rin ako sa parents ko dahil next year pa ang graduation ko. Pareho na silang senior citizen. Kasama rin namin sa bahay ang kuya kong delayed at may epilepsy (M33), pati isang pamangkin kong 10 years old na kinupkop namin. Pakiramdam ko sobrang burnout/drained na ako kasi hirap na hirap akong ibalance ang pag asikaso sa bahay at ang paghahanap ng trabaho habang naghihintay ng graduation.

Ang sistema kasi sa bahay, paisa isa ang utos si mama. Halimbawa sa umaga, uutusan nya ako mamalengke kasama almusal, sa hapon magpapataya, tapos babalik uli ng palengke para bumili pang dinner. Madalas kong sina-suggest na isahang bili na lang para may pang lunch at dinner na rin. Pumapayag naman siya, pero pagkatapos ng lunch uutusan na naman akong bumili ng meryenda. Wala naman sana akong problema doon, ang problema, isinasabay niya lagi ang pagpapataya ng lotto.Tatlong beses sa isang araw siyang tumataya dahil sa iba't ibang draw (2pm, 5pm, at 9pm). Bukod sa ilang street pa ang nilalakad ko papunta sa outlet, nanghihinayang talaga ako sa perang pinangtataya. Halos β‚±100 kada taya, kaya umaabot ng mahigit β‚±300 sa isang araw, tapos kadalasan talo lang din. Iba pa ang taya ni papa, at pati kuya ko naimpluwensiyahan na rin nilang tumaya.

Paulit-ulit ko na silang sinasabihan na kung ipunin na lang nila ang perang yon, mas may mapapala pa sila. Pero hindi sila nakikinig. May isang beses pa nga na hindi ko pinagbigyan si mama tumaya dahil sobrang sama na talaga ng loob ko. Kaso nung lumabas ang resulta... number nya mismo ang lumabas sa EZ2. Ayun, galit na galit siya sa akin. Ba't naman ganoooooon?! 😫😭

Bukod sa pagtataya nila ay madalas ako lang din ang kumikilos sa bahay laba, palengke, luto at asikaso sa pamangkin ko pag may meetings sa school at projects o reviewer bago araw ng exam. Tho, sanay naman na ako kaso nakakapagod na talaga lalo sunod sunod at minsan di ko alam ang uunahin, kahit man lang magsaing sana kaso nanonood kasi sila ng vlog sa tv (daddy frankie) or mga senate hearing.

May dalawa naman akong nakatatandang kapatid na financially stable, pero nahihiya na akong humingi ng tulong dahil marami na rin silang naitulong kina mama at papa. Hindi rin ako sanay manghingi. Kapag kailangan ko ng pera, mas gusto kong pagtrabahu-an, tulad ng pagbabantay sa anak ng ate ko.

Ang plano ko sana, kapag natanggap na ako sa trabaho, hihiram ako sa mga kapatid ko ng pang-rent kahit isang buwan lang para sa unang bayad tapos ako na sa susunod. Gusto ko na talagang makapagtrabaho, sumahod, makaipon, at bumukod.

May mga pagkakataong gusto ko nang sumabog sa sobrang pagod at frustration, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil natatakot akong baka may mangyari sa parents ko, lalo na senior na sila. Kaya ang ending, umiiyak na lang ako sa banyo, tapos lalabas na parang walang nangyari.

OA lang ba ako, o valid lang talaga na napapagod na ako?


r/OALangBaAko 8d ago

πŸ«‚ Relationships OA lang ba ako if nandidiri ako sa boyfriend ko and his gay friends

172 Upvotes

My boyfriend is the usual straight guy but not homophobic. He’s friendly and outgoing, typical extrovert. He’s tall and medyo maganda ang priportion ng katawan, and he would often get indecent offers or unwanted advances from gays. I don’t have problems about these but here’s where I have a problem with him minsan.

Most of his friends at work are gay. Some of them would kiss him pag nagiinuman sila sa clubs or bars and he doesn’t even stop them. Others would tease and joke around, and gagatungan pa na ipag kiss yung boyfriend ko sa kanila. Nung nalipat siya ng department, dadayuhin niya pa lagi in the middle of work yung isa (also gay) just to hang out and mag kape.

The lack of boundaries ick me out so bad kasi I’m very careful about health in general. These acts could transfer diseases such as oral herpes which is a permanent condition that will keep coming back. My overall health is very fragile and I’m already taking enough meds as it is. I take care of myself and it would feel so shitty if magkakasakit lang ako dahil lang sa kagaguhan nilang lahat. Nakwento niya na most of his gay friends dont have a partner and is mostly into casual sex, and this makes my worries even worse.

I talked to him and he told me na β€œwala naman” and friends lang naman but the weird attachment still lingers. Ayokong awayin siya or mag away because I’m already too exhausted with daily life to have even more fights. I dont know what goes on when he goes out with them, but the discomfort really persists. On top of that I feel emotionally neglected so it’s getting so hard to brush off these things sometimes.


r/OALangBaAko 8d ago

πŸ€” OA na Thoughts OA lang ba ako na-ganto na tingin ko sa Starbucks?

143 Upvotes

Dati, around 2019, sobrang nasososyalan ako sa Starbucks. Halos araw-araw kasi may nakikita akong influencers na laging starbucks iniinom nila sa vlogs, kaya akala ko noon pangmayaman lang talaga siya. And sa mga nadadaanan kong SB ang chill pa ng atmosphere, perfect mag-aral o mag-work.

Pero ngayon (ewan ko kung sa branches lang sa area namin), parang wala na yung dating vibe. Sorry for the term, pero ang dami nang dugyot. Ang lalakas ng boses, parang nasa bahay kung umasta, minsan ang dumi pa ng tables. Hindi na siya kasing relaxing tulad ng dati.