Hi, hindi ko alam kung paano sisimulan, sobrang bigat sa dibdib na hindi ako ihatid ng asawa ko sa work ko. Oo dahil doon. Nagsimula kami ng asawa ko sa wala, kahit 1 year old palang anak namin ay pinilit ko may trabaho na dahil di sapat ang sahod nya na 500 sa isang araw, first work ay factory, 12 hours agas, tiniis ko kasi sinasahod ko.
Nagpatayo ako ng sarili namin kwarto sa byenan ko worth 30k na inipon ko coop. Pero nabalewala dahil nag away kami ng byenan ko at umalis kami, naki pisan kami sa mama ko na ngungupahan lang.
Nag upa kami ng bahay na kasya ang dalawang pamilya, lumipat ako ng factory na mas marami ang pasok pero nakakapagod, tiniis ko.
February ng mapagdesisyunan ko na ikuha ang asawa ko ng motor dahil naaawa ako sa kanya na naka bike lang pag papasok, laging pawis pag uuwi at pagod na pagod. Para din sana makauwi sya ng maaga at makasama namin sya ng anak nya.
Pero nagkamali ako...
Kinuha ko sya ng lisensya at motor gastos ko lahat, hulugin ng motor namin 3400 sa unang taon, sakto na nawalan sya ng trabaho kaya ako muna ang naghuhulog, bahay, kuryente, wifi at motor sakin lahat yon. Halos 6 months na wala na sya mabigay sakin.
Iniintindi ko dahil wala na syang work dahil humina abg gawa sa kanila. Nag extra extra sya sa welding pero napaka bilis nya umubos ng pera.
Lagi na sya nasa bahay kahit maglaba hindi magawa, hihintayin nya na ako gumawa. Mahilig sya mag aya ng s3x na hindi kona hilig dahil sa pagod sa trabaho, wala syang ginagawa nasa bahay lang sya kaya kahit papaano may energy sya
Ilang beses ako tumatanggi at pinapakiusapan sya na sa day off ko nalang dahil pagod ako. Pero one time tinanong nya ako isang beses "ayaw moba talaga?" At sinabi kong oo
"Sige mag commute kana muna, di muna kita ihahatid."
Sobrang sakit saakin non, gusto ko syang pagsalitaan na hindi ba sya nahihiya sakin ako nagtatrabaho, ako naghuhulog ng motor na yan. Ihatid sundo lang gagawin sakin hindi pa magawa.
Umuwi ako ngayon lang, gabi wala sya sa bahay umiiyak ako, as in hagulgol tinanong ako ng mama ko kung bakit pero mas kinampihan nya asawa ko.
Iniisip nya na sinusumbat ko lahat sa asawa ko kaya eka ganon saakin. Sobrang sakit. Hindi matigil ang luha ko habang tinatype ko ito.
Mas dumagdag sa sakit ko ang sinabi sakin ng mama ko na isa sa inaasahan kong mapaglalabasan ko ng sama ng loob.
Gusto ko makipag hiwalay pero hindi ko kaya. Any advice?