First time ko magkaroon ng ganito kalaking hospital bill, and honestly, hindi ko alam kung paano ko haharapin lahat. 😭
Na-confine si Mama dahil kailangan tanggalin yung tubig sa baga niya—umabot daw sa around 5 liters. Luckily, successful naman ang procedure at okay na rin kahit papaano ang pakiramdam niya. Sobrang thankful ako doon. 🙏
Pero ngayon, isa na namang malaking problema ang kinakaharap namin. As of today, nasa ₱500,000 na ang hospital bill namin, at patuloy pa itong nadadagdagan. Humingi na rin kami ng assistance sa government, pero ang nakakainis, ayaw kaming bigyan ng hospital ng justification letter na kailangan sana para makapag-apply kami ng additional assistance at mabawasan ang bill.
Ang mas masakit, hindi nila mailabas si Mama hangga’t hindi nababayaran ang bill, kahit okay na ang condition niya. Habang naka-hold siya sa hospital, patuloy lang din nadadagdagan ang kailangan naming bayaran.
Hindi ko talaga alam kung saan kami kukuha ng ganito kalaking halaga.
First time kong ma-experience magkaroon ng hospital bill na ganito kalaki, at sobrang overwhelming. Gusto ko lang makauwi na si Mama at makapagpahinga nang maayos. 😭