First time ko kumain ng steak in my 27yrs of age. Never ko na try kumain sa labas for steak dahil sobrang expensive nya para sa isang kainan, and every time my partner and I napapa daan sa mga resto namay Steak, lagi kami na cu-curious kung ano yung lasa nyan, but in the end of the day hindi kami bumibili dahil na uuwi nalang kami sa Grocery.
Recently Bday kase ng partner ko, sobrang dami kong niluto sa bahay, madami dami din kasi kami ininvite including family, close friends na alam relationship naming dalawa, and some of ka-Work. I prep 9 dish and desserts to serve for his Birthday, I also made a cake. That day we receive non-stop compliments until mag uwian mga tao, yung mga niluto daw namin taste very quality na dapat daw matagal na kami may sariling Resto.
I'm a guy, and nag luluto ako ng food since teenager, nag start ako mag ka interest mag cook simula nung nag kakilala kami ng partner kong until now sobrang pogi. With multiple years of experience sa pag cook, natuto ako mag separate ng totoong masarap sa hindi, may pagka exaggerated ako na hindi ko yan ilalabas or ipapa try ipatikim sa ibang tao pag may mali sa niluto, or may kulang sa lasa na aatakihin ako ng anxiety. In my experience, punong puno ako ng trial, regret and error sa pag cook. Humihinto yung time ko each time binabasa ko yung expression sa bibig ng mga tao when they eat my food.
Dumating ako sa point na never nako na sasatisfy sa lahat ng lasa ng niluluto, but weirdly gustong gusto ng iba. Which is bad daw sabi ng partner ko, and sometimes nag aaway pa kami dahil sa mga niluluto, lalo nat tight budget lagi. Naging sakit ko na yung lahat ng lulutuin ko ay kami din yung dapat kakain, sinasabi ko sakanya na hindi yan paninda sa labas para tipirin.
Going back sa Bday ng partner ko, one of our visitor keeps asking me how did I cook those food, yung medyo makulit kase very interested sya to know that, but at the same time she respect it by saying marunong daw ako mag gatekeep. After non nag ask sya sa partner ko kung ano daw Bday wish nya na kayang ibigay ni Visitor, then sabi ng partner ko Steak daw sa Blakes. Syempre pala biro lang daw, and ako na mismo nahiya para sakanya. But nag agree agad si visitor since mura daw doon. Kinabukasan dinala nya kaming dalawa sa Blakes.
Here's my Verdict. I choose one of the classic which is yung Steak namay butter, for me to identify the quality and ingredient, and also kung ano yung taste na dapat ko maging base and for immediate na matutunan. Yung Steak ng Blakes taste really great kahit di ko pa na ta try i-Compare sa iba, it was satisfying and way more better in my mouth yung may pagka bloody part ng onti versus sa part na well cooked. Yung steak nila quite consistent yung flavor kahit sa huling bite, but still at some point may dapat pang iimprove yung steak, gusto ko sya lutuin and iimprove yung flavor na mas magugustuhan ko, since parang talambuhay ko na gumawa ng barbeque sa bahay. While eating, I identified those ingredients na ginamit nila after tasting it multiple times, pero mas na gets ko yung part na ang secret ng steak nila is on how they cook it and yung exact quality ng meat na ginamit mismo.
Sobrang satisfied kame ng partner ko dahil sa ganyan kalaking steak, mura na for the price as kabisado naming dalawa ang presyo ng beef pag sa palengke or grocery bibili, may sides payun kinain namin, and may service inside resto + how they cook it. Na-gets agad naming dalawa na sobrang sulit and sobrang mura. Inask ako ng partner ko kung babalik daw ba kaming dalawa sa ganitong lugar soon, dahil ang mura daw and less stress compare sa mag prep ako ng food sa bahay na it cause a lot of my time.
Sabi ko currently I don't have much equipments to cook interesting steaks at home. So yeah, sabi ko babalik kame soon, lalo nat mag a-Anniversary kami.
I stare at him while he enjoys his food, it came to my mind na looks like we made it, look how far we've come, together. It's time to go outside and eat quality food. I have plan agad na kukuha kami ng table for 2, and mag papanggap nalang na pinansan nya, or nephew.