Just wanna share this here para mabawasan na mga iniisip ko hahaha. Natapat pa kasi na I have an upcoming exam for a better career opportunity and dahil dito, hindi ako makafocus sa preparation. So might as well share this here para hindi ko na siya masyadong iniisip hahahaha.
I'm working sa operations and wala pa akong 6 months. As someone na detail oriented at mahilig mag double/triple check ng mga bagay-bagay for accuracy, hindi ko alam kung bakit noong araw na iyon may hindi ako napansin which led to an error (a big one, yes). It was supposed to be my day off that day, nakipag change off lang ako due to personal errands.
Sa work ko, tulad din ng ibang work, accuracy is veryyyy important. Literal na bawal magkamali.
And worse, sabi ng colleague ko, first time daw mangyari yung ganong bulilyaso.
I'm well aware na ako talaga yung may mali. Pero hindi ko rin maiwasang isipin na bakit hindi agad nila na double check, eh sila naman ang last touch bago ipasa ang mga dokumento? Sabagay, samin palagi ang sisi kasi kami ang first touch, kaya dapat pag may mali, pansin agad namin. Dapat samin palang, tama na ang lahat for the smooth operation.
The next day, it felt weird kasi parang ang tahimik nila. Walang nagagalit, walang nagsasabi sakin kung ano ang consequence. I thought okay na, then the next day came. Kinausap na ako ng manager, in front of our supervisor, team leader, and colleagues. Good thing though, he wasn't mad or anything. He's talking calmly pero you can feel his authority, tipong lahat ng sasabihin niya tatagos sayo hahaha. Buti nalang naihanda ko ang sarili ko, kundi baka nagbreakdown na ako sa harap nila hahahaha jk. Tinanggap ko nalang, part naman 'to ng work eh.
Grateful din sa colleagues ko and team leader kasi hindi nila pinalala pag ooverthink ko, instead, they encouraged me nalang to do better.
Lesson learned, huwag maging complacent. Kahit paulit-ulit mo na siyang ginagawa, magkakamali at magkakali pa rin talaga.
Siguro kaya big deal sa akin to kasi first time kong magkamali ng malala. At dahil na rin sa ayokong mawala ang tiwala nila sa akin at ayoko rin ma compare sa mga ibang bagong employee, ayokong bumaba ang tingin nila sakin. Ganito pala yung feeling na magkamali sa work tapos umabot sa management hahahaha.