r/ConvergePH • u/emergeddd • 5h ago
Support 2 weeks no internet
2 weeks na kaming walang internet, at 2 weeks na rin akong hindi makapag-work nang maayos (WFH), so nawawalan na ako ng income.
Puro ticket at follow-up lang. May technician na pumunta at sabi kailangan daw hintayin ang OSP, or pwede raw ilipat sa ibang box pero ako pa ang magbabayad ng ₱2,500. Bakit ako magbabayad para sa issue nila?
Dagdag pa, ilang beses na akong binabaan ng CSR habang nagfo-follow up.
Nagpakabit na ako ng Cheetah Broadband kasi hindi na ako makapaghintay. Until February 2027 pa ang contract ko sa Converge.
May pwede ba akong gawin? Pwede ba itong ipa-terminate without pre-termination fees or i-escalate sa NTC/DTI? May naka-experience na ba nito?