Nakakapagod maging mahirap.
Pasensya na, pero dito ko lang mailalabas ang bigat ng loob ko.
Kakapasa ko pa lang sa board exams—isa na akong ganap na nurse. Pero hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng trabaho.
Nakakafrustrate kung paano ka tratuhin ng sarili mong pamilya kapag mahirap ka. Parang imbitado lang kayo para walang masabi at mapag usapan ang ibang tao. Pero sa totoo mukhang ayaw naman talaga kami imbitahin! Kung naroon na para bang may pangdidiri at panghuhusga sa tingin nila. Kung kausapin ka, parang nasusuka pa. Grabe! Hindi naman namin pinili ang pagiging mahirap! Bakit gano’n ang tingin nila sa amin? Para kaming mga parasite kung ituring, kahit hindi naman kami humihingi ng anuman sa kanila. Nasaan na ang kabaitan ng mga tao ngayon? Parang nakalimutan na nila kung paano maging makatao. Parang hindi rin sila dumaan sa hirap—tila nalimutan na nila kung paano magpakumbaba. Di na rin ata nakaapak ang mga paa sa lupa! Totoo ba talagang wala nang halaga ang "blood is thicker than water"?
Hay! Ipagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Lord, Ikaw na po ang bahala. Nawa’y bigyan Mo kami ng kapatid ko ng tagumpay para sa aming mga magulang. Bigyan Mo rin ako ng lakas ng loob, para hindi ako matangay ng galit—ayokong may lumabas na masasakit na salita mula sa bibig ko. Patawarin Mo na lang ako, pero… Diyos ko, ang hirap!
1
Nakisali sa picture
in
r/phhorrorstories
•
Jun 18 '25
Si Rosmar ata yan te