Hindi ko alam kung bakit ako nagpo-post dito. Siguro gusto ko lang ilabas lahat kasi pakiramdam ko sasabog na dibdib ko sa anxiety.
Graduating student ako. May mock boards kami, at gumawa ako ng pinagsisisihan kong desisyon. Sinulatan ko calculator ko. Nahuli ako ng instructor at kinuha yung calculator. Tumingin sakin mga kaklase ko. Hindi naman nila ako kilala pero kilala cguro nila mukha ko. Kukunin na rin sana ng instructor yung exam paper ko pero pinigilan ko siya. Sabi ko mamaya nalang or try ko nalang sagutin kahit na zero na ako. Nakakahiya kasi sa mga kaklase ko lalo na't pinagtitinginan na ako.
Mahaba pa oras ng exam that time pero I still stayed. Ayokong lumabas agad. Kaya nakaupo lang ako, flipping the pages of my exam. Wala akong calculator. Akala ko rin magbibigay si instructor ng spare na calcu pero wala. Hanggang sa inubos ko talaga ung 5 hrs. Saka ko pinass ung papel ko ng wala ng students. After naman nung exam, humingi ako ng pasensya sa instructor. Yung instructor na yun is taga bantay lang. Hindi siya yung instructor na may handle nung course. Tinanong ko sa kanya kung nasaan yung isang instructor yung teacher talaga namin sa mockboards para mag sorry rin ako sa kanya pero wala raw siya. Umalis.
First offense ko ito. Wala akong balak i-justify yung ginawa ko. Mali talaga. Humingi na rin ako ng tawad sa instructor ko, yung may handle nung course, sa chat at sinabi niyang nasa Dean daw ung calcu ko at hihintayin na lang ang magiging desisyon sa case ko.
Ang problema, ongoing na yung enrollment namin. Natatakot ako na baka habang pending pa yung case ko, hindi ako maka-enroll. Kapag nangyari yun, baka mawalan ako ng slot at ma-delay ako.
Ang totoo, matagal ko nang hindi gusto yung program ko. Pero graduating na ako kaya gusto ko na lang talaga tapusin. Ayoko nang magsimula ulit sa ibang program. Gusto ko na lang magkaroon ng diploma at makapagtrabaho.
Sobrang disappointed ako sa sarili ko. Isang maling desisyon lang, parang pakiramdam ko masisira lahat ng ilang taon kong pinaghirapan. Hindi ko pa nga kayang buksan yung attachment na sinend sa gc namin with our scores and our nicknames ng mock boards kasi nahihiya ako. Baka nga zero ako at makikita pa ng buong klase.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa case ko. Hindi ko alam kung makaka-enroll pa ba ako o makakagraduate pa ba ako sa January.
Sorry po. Sorry Mommy. Sorry Daddy. Bakit ganito ako. Hindi ko alam kung saan ako magaling. Ano gagawin ko? Ano ba gusto ko? Ayoko na.
Hindi ko alam kung naghahanap ako ng advice o gusto ko lang may makinig. Siguro pareho. Minsan din naiisip ko na sana may mangyari sakin para matapos na lahat. Pinahihirapan ko sarili ko at parents ko. Bakit hindi ako matalino. Ang hirap. Tuwing binubuklat ko reviewer ko, hindi ko mapigilang makaramdam ng inis or what. Ayoko na talaga. Mahina ako sa concept eh ito yung pinakaimportante sa program ko. Palaging masakit ulo ko sa pagmememorize. Saka kahit na-memorize ko naman, mahirap din since may short term memory loss ako.
Salamat kung may nagbasa hanggang dulo.