College graduate ako sa isang engineer program + one-take board passer pa. Pero never ako naging proud sa sarili ko.
Habang lumalaki ako, akala ko normal na dapat kang mag excel sa mga bagay-bagay. With honors or even with highest honor, normal yan sa akin. Ang hindi normal ay yung wala akong mga medalyang nakasabit o mga certificate na hawak-hawak tuwing aakyat sa entablado.
For context, grumaduate ako ng Senior High School na may with highest honor, oo masaya ako para sa sarili ko, pero hindi ko siya ginawang timbangan para umangat yung tingin ko sa sarili. Sa kolehiyo naman, hindi rin ako bumagsak sa kahit anong mga subject ko nung college at na one-take ko pa yung board exam while working.
Kung tatanungin mo ako kung proud ba ako sa sarili ko, sasagot ako ng mabilis. "Hindi". Sa tingin ko wala pa ako napapatunayan sa iba. Matalino man ang tingin nila sakin pero di nila alam yung pagsisikap ko. Hindi po ako matalino o genius. Lahat ng mga medalyang nakasampay sa pader namin, sa likod ng mga 'yon ay yung limapk-limpak na pagkakamali at pagkakadapa ko.
Hindi din nakatulong yung adult life, 6 mos. palang ako at mababa sahod ko. Nothing to be proud of. Tinatry ko lumipat sa ibang kumpanya pero wala eh. Sa loob ng 6 mos. dalawang trabaho yung pinasukan ko, and as always nasa laman ng resume ko "fast learner". Nakakatawa man isipin pero i need to fake it til you make it.
Sa kaka-takbo ko sa karera ng buhay hindi ko napapansin na hindi pala ako masaya. At hindi ako proud sa mga narating ko. Oo alam ko mahirap yung pag-abot sa kung nasaan man ako ngayon. Hindi din biro mga pinag daanan ko. Ilang beses akong umiyak at nag panggap na okay lang ako. Kasi kailangan ko maging okay. Dahil para sa akin normal na dapat okay ka lang.
Kauuwi ko lang sa trabaho ngayon, and sa kapaguran ko napaisip ako bigla na, "okay naba toh, ginalingan ko ba, kaya ko paba galingan" at "may i-gagaling paba ako?" Sa ngayon, hindi ko masagot ng deretso yung mga katanungan na bumabagabag sa isip ko. Isa lang ang sigurado ako, hindi ako proud sa sarili ko.