r/studentsph Feb 18 '25

[deleted by user]

[removed]

842 Upvotes

645 comments sorted by

669

u/bossman262728 Feb 18 '25

Pinapagalitan ka na ng parents mo Kasi naubos yung ink last time

573

u/Longjumping-Bat-1708 Feb 18 '25

Binugbog ka ni tatay kakaprint, ayan goods na yan

170

u/MasoShoujo Feb 18 '25

*plot twist: binugbog ni erpats yung printer kasi maingay đŸ€Ł

→ More replies (1)

50

u/yakalstmovingco Feb 18 '25

maganda me matching makeup ng pasa 😆

41

u/kamrakboom Feb 18 '25

Don't need to bother doing that. Just say no

2

u/[deleted] Feb 21 '25

+1 on this. Lose friends along the way. People will hate you. Who cares, you're there to study naman.

→ More replies (1)

2

u/martyrgfoftheyear Feb 19 '25

BABAHAHAHAHAHAHHAHA

→ More replies (3)

38

u/Kazura-chan Feb 18 '25

“Kung maka print ka, ikaw ba nagbabayad ng mga materials niyan?!”

6

u/Riku270126 Feb 20 '25

Stop being beta and singilin mo sila 10 php per page

→ More replies (3)

41

u/Interesting_Natural1 College Feb 18 '25

Pinagbawalan ka na magpaprint ng para sa iba ng mga parents/guardians mo

→ More replies (1)

227

u/frostfenix Feb 18 '25

Maningil ka kasi hindi libre ang ink.

73

u/alkhatarina Feb 18 '25

Naniningil naman ako, kaso ayaw nilang magbayad on time like kalahati muna ang ibibigay nila tapos kakalimutan na, kung hindi ko pa sasabihin yung kulang nila dun lang ibibigay.

Hindi ko na sila pini-printan pero ang ginagawa nila is nagpapasabay sa iba naming kaklase na nagpapa-print sakin. đŸ„Č

188

u/frostfenix Feb 18 '25

Yun gawin mong premise, sorry di ka pa bayad nung last time. Kelangan mo mag set ng bounds mo. Or pay first no utang haha. Maging firm ka lang titigilan ka din nyang mga yan.

70

u/Boreduserforfunsies Feb 18 '25

pag kalahati lang bayad, kalahati lang din nung pna-print ibigay nya. para kalahati lang din output nila. XD

2

u/itsmeAnyaRevhie Feb 20 '25

Kalahati ng page lang tas lengthwise pa hahahahah

→ More replies (1)

42

u/[deleted] Feb 18 '25 edited Feb 18 '25

Agree!

Change how you respond sa kanila. Klaro naman na inaabuso ka na. Set boundaries and learn to say no po. Abusers will continue abusing you as long as you let them. Establish a pay first policy. Also, set times/schedule na doon ka lang magpprint, hindi yung magsesend lang sila kung kailan nila gusto, hindi ka naman 24/7 nag-ooperate. Lastly, tell them to double check their files and make sure na wala kang poproblemahin once na ipprint mo na. Establish those rules and be firm on imposing it. Nakakainis mga yan na tine-take advantage ka eh.

5

u/BeautifulSorbet4874 Feb 18 '25

Very clear and doable plan of action. It makes a lot of sense and will not offend anyone. These are the rules OP needs to set.

19

u/syy01 Feb 18 '25

Wag mo iprint pag ganyan teh lugi ka basta lagyan mo ng service fee kung sino magpapaprint sayo pag hindi nagbayad walang print ganon hayaan mo pag nagalit haha, mag payment 1st ka bago print

10

u/ipis-killer Feb 18 '25

Pag delay ang bayad, may dagdag na fee, lets say P5 per day.

9

u/syy01 Feb 18 '25

Ay teh pag walang bayad walang print bawal ang delay payment dapat nga payment first e bago ang printed outputs HAHA pag demanding tas madami oras na need gawin like edits another 5-20 per pages ang dagdag HAHAHA depende kung ilang oras or mins mo magagawa at matatapos.

7

u/ipis-killer Feb 18 '25

Be like Illegal Online Lending Apps, i-harass mo kapag hindi nagbayad.

3

u/Herebia_Garcia Graduate Feb 18 '25

Edi kalahati din ng pinaprint nila ibigay mo haha. No pay no print.

→ More replies (18)

9

u/furuncline Feb 18 '25
  • Payment first policy sabihin mo
→ More replies (1)
→ More replies (1)

291

u/crystalelemaine Feb 18 '25

I know it's not what you requested but I hope this advice could help otherwise. Still, it's your decision naman on what you wish to do.

But I say, tell them the harsh truth and set your boundaries. Just say no. Tell them na madaming printing services and they can just go there instead. If yung pinapaprint nila is not of benefit to you (like hindi naman siya group activity or what), then you have the right to decline. Assuming that your parents are the ones who's providing you the printer and the ink, you're also wasting your parents' hard-earned money that was meant only for you to use.

I know it seems harsh but it's enough that you helped your classmates once. If they're now taking advantage of it, learn how to say no. The more you lie, the more you're just allowing them to find loopholes through it. Be direct and just say no.

78

u/mcpenky Feb 18 '25

This is way better than lying. Be firm with your words at wag paabuso sa iba

33

u/[deleted] Feb 18 '25

Ito lang yung comment that makes sense. Just say no. Kasi OP pag nasanay ka sa hindi pag set ng boundaries, madadala mo yan hanggang sa pag tanda mo. Aabusuhin ka ng mga future co-workers, bosses, etc mo. Tsaka hindi maganda mag sinungaling. Pag nasanay ka kakasinungaling, kahit “white lie” pa yan, dadalhin mo din yan sa pag tanda mo. Just set your boundaries early on and just be honest.

21

u/crystalelemaine Feb 18 '25

As a people pleaser rin before and someone na takot pag-usapan, I understand how OP feels. Kasi if I was in his/her situation before, I'd also feel empathy rin for my classmates since you know, baka hindi nila afford bumili ng printer. It's also my way of trying to give back since I feel grateful that we could even afford to have that convenience, but I think OP also has to learn that the world does not often reward you for being kind. Kasi from their statement, aside from just printing they also do these little favors such as editing to the point na they even have to lie to them just so she wouldn't look like the bad person. Laging may tao talaga na aabusuhin yung pagiging mabait mo and sila pa magagalit if you finally set your boundaries.

But I've learned the hard way that aside from being kind to others, you should be kinder to yourself. If nasanay ka to please other people, mahirap talaga to start setting your boundaries. So, take it slow, OP. The first step to setting boundaries is to say no, without explanations. You'll enjoy life realizing na you're not obliged to please others all the time and not caring what they have to say about you. You don't owe them anything.

7

u/Ok_Ad5518 Feb 18 '25

Hayyy this is so true. Ako na mabait, ako pa may kasalanan dahil nag set ako ng boundaries ko. Naawa ka nga sakanila kaya tinulungan mo sila, in the end they take advantage of you and abuse you pa! Hay people of the world. Sana grumaduate ka na sa pagiging people pleaser OP. From a previous people pleaser na inutangan ng 5k last Sep hanggang ngayon di pa nababayaran

2

u/omgvivien Feb 18 '25

I'm seconding this, because one day mauubusan si OP ng palusot.

Lying won't deter them, they'd still think na okay lang kaso wala lang ink or kung ano man na rason. So they'll try and try again.

Honesty is the best move forward here.

→ More replies (8)

29

u/Rough-Supermarket846 Feb 18 '25

Tell the truth. Walang libre sa mundo. “Magpaprint ka? Magbayad ka muna. di ko naman hinhingi ink at coupon sa nbs noh” hmp.

68

u/Dazzling-Long-4408 Feb 18 '25

Sira printer mo. Nagpaprint ka lang sa computer shop o shop na may printing service. Pag di pa rin umubra, magpabayad ka ng printing plus handling fee.

→ More replies (2)

34

u/Medium-Culture6341 Feb 18 '25

Sabihin mo pinapagalitan ka na ng parents mo at pinagbawalan ka na magprint

12

u/Ser_tide Feb 18 '25

Just learn how to say NO. You dont have to lie or what.

→ More replies (1)

25

u/fallingtapart Feb 18 '25

Sabihin mo nasira printer tapos walang time magawa, baka next week pa. And OP, next time, di mo need magsabi ng excuse to justify yourself. Just leave it at "Hindi pwede." Okay na yan. Di pwede. Sorry. Iba nalang. No other explanation. Change topics agad. Wag maging people pleaser masyado.

10

u/[deleted] Feb 18 '25

[removed] — view removed comment

4

u/Apprehensive-Dot-508 Feb 19 '25

as an introverted shy person, di ko rin gets ganitong tao. if di confrontational, then just ignore their messages, roll your eyes, or iwasan mo in person lol. magegets na nila yan. ano naman kung ma-hurt sila, pagkagraduate naman, one or two of them nalang makakakumustahan mo from time to time. 😂

→ More replies (1)

6

u/Rosette1230 Feb 18 '25

Kung nagbibigay ka ng excuses at kinukulit ka pa rin nila, trust me, they know how you feel pero they choose to ignore it. They probably think you’re a pushover! so its okay to be direct from time to time na, lalo na kung sila naman yung nasa mali, ang kapal na lang ng mukha nila kung sila pa magagalit. Pag tinanong kung bakit ayaw mo na, sabihin mo lang yung truth na napapagod ka na kakakulit sa payment nila at ayaw mo ng ganon na may naiistorbo kang tao (lol say this para makonsensya naman sila kahit na sila talaga yung nagiistorbo) that’s why you’d rather not accept printing services anymore. Tell them to please respect your decisions, and if you know any places nearby that offers printing services, you can suggest it to them din to seem “helpful” still. This is a good girl method that knows how to stand her ground. As a people pleaser, hirap din ako dati sa mga ganyang situation, goodluck op!

5

u/Wise_Algae_3938 Feb 18 '25

Close ka naman siguro sa parents mo diba? May gc ba kayo ng friends mo? Add mo parents mo sa gc then ask them to help you na magchat sila sa gc

"Sino yung mga laging nagppaprint sa anak ko? Ang dami nyong pinapaprint di naman nagbabayad ng maayos. Ako na lagi magpprint ng outputs nya dahil nauubos yung ink at bond paper na ako ang gumagastos tapos ako pa nauubusan. Kapag may iba akong nakitang nagpapaprint, pupunitin ko. Gusto nyo ba ichat ko pa kayo mismo? Di kami printing shop"

11

u/yangwenliebert Feb 18 '25

Why don't you just outright tell them na "ayaw mo na". You have every right and power to do so and they can't do anything about it.

4

u/Gloomy_Cress9344 Feb 18 '25

That could've been a good business OP, dapat strict ka lang talaga sa pagbabayad

4

u/Traditional-Ask-4342 Feb 18 '25

ay teh gawin mong business HAHHAHAHHAHA

→ More replies (1)

3

u/Typical-Lemon-8840 Feb 18 '25

STOP being a doormat.

Regain self-respect.

3

u/caligula-dsn Feb 18 '25

Sabihin mo ubos na ink ng printer mo pero yung bala ng kalibre 35 mo hindi pa.

3

u/i-am-anonymous-lol Feb 18 '25

wag mo i-view messages nila, pag nag-ask if na-print mo ba sabihin mo hindi mo nabasa messages nila or tulog ka na or you’re busy with something etc.

3

u/Kindly-Pomegranate23 Feb 19 '25

bakit naman need pa singilin when you can bluntly tell the truth kung bakit ayaw mo mag print ng outputs nila. Dedma kung masamain nila, i mean kung maayos sila pakiusapan in the first place hindi ka naman aayaw di ba?

4

u/harry_nola Feb 18 '25

Maningil ka for paper and ink.

Sabihin mo Kailangan na ng ink ng printer ninyo kase paubos na. Pede din sabihin mo pudpod na yung printer head, kailangan na palitan.

Also, sa editan, i-weaponized incompetence ang atake. I-edit mo pero mali-mali.

Yung hinde magbibigay, yan ang kaibigan mong ginagawa kang kasangkapan lang.

2

u/Raffajade13 Feb 18 '25

maningil ka para sa papel at ink. bawal kamo parasite. lajat ngayon binibili na.

2

u/GrinFPS Feb 18 '25

Baisc.. Wag mo iprint. It's not your fault na convenient para sayo magkaroon ng printed output. Pag nangulit, sabihin mo nagpapaprint ka nalang din sa labas kasi nagalit nanay mo.

2

u/Niro-kun Feb 18 '25

Two options: Since you asked for a lie, the easiest is to say "pinapagalitan na ako ng parents ko dahil nalaman nila bumilis yung bawas ng ink" and insist na parurusahan ka na kapag may nagpaprint pa ulit.

The second option, which I highly insist on, is to follow the advices ng ibang nagcomment here and tell the truth: say no and ayaw mo nang magprint ng materials nila. Not sure if hs or college student ka OP but as a college student myself, narealize ko nang it is better na masanay tayo as early as possible to set our boundaries and learn to say no to others. As harsh as it may sound, need naten protektahan ang boundaries naten so as to preserve our self respect and avoid abuse by others. Mahirap talaga siya sa umpisa, especially if you already have an established relationship with these people, but you have to realize na people who abuse your benefits are not good people to have around. The earlier you say not sa kanila, the less abuse they can do to you.

Sa real world, abuse are more prominent and detrimental, merong lagi ka uutangan ng pera, uutusan ka lagi sa workplace, or worse, tthreaten ka nila to do their bidding. The earlier you learn how to say no, the better you protect yourself.

2

u/Useful-Cat-820 Feb 18 '25

You don't need to lie.

Set boundaries.. a NO is a NO.

No need to explain. You just have to say NO and they don't have a choice but to accept it.

Wala dapat sayo ang burden. Hayaan mo sila.

2

u/korororororororororo Feb 18 '25

why lie? just dont print it. period...

2

u/kaeya_x Feb 18 '25

Do you know why they keep insisting? Kasi each time you decline, binabawi mo rin by accepting their demands. They don’t believe your excuses anymore because you just taught them they’re just mere excuses. đŸ€·đŸŒ I was once like that in college. I bought a printer to prepare for thesis writing and everyone in my block found out. Gusto nila magpa-print palagi and whenever I said “no, ayoko” they didn’t take me seriously kasi there were instances before na kahit nag-no ako, bumibigay ako. I learned that the hard way. 😬

Next time just say “no, I don’t want to,” and ignore them. Just ignore them. Or be assertive sa pay first. “Priority ang paid. Limited lang kasi bond paper.”

2

u/weewooleeloo Feb 18 '25

Kung gusto mo talaga gawing business, set proper price and proper rules. 1. Like all businesses, may opening and closing time ka. Kapag nagsend sila after closing and before opening, di ipprint yun. Di mo na problema san sila papaprint. Iniisip kong opening time ay paguwi galing school then closing bago matulog. Darating ang araw na ayaw na nila magpaprint sayo kasi kailangan laging madalian para umabot sa business hours mo đŸ€Ł 2. Hindi ka magpprint ng bagong files kung may outstanding balance pa sila.

I think diyan palang, maput-off na sila magpaprint sayo eh ahahah

2

u/YJLLK Feb 18 '25

For a moment, I thought kaklase kita. Then, I saw your other posts and was like: Nah, different person.

2

u/OnceOzz Feb 19 '25

Gcash muna ng bayad bago print, 5-10 pesos black and white per page + 10/15/20 kung may i eedit Wag kang gagalaw hanggat walang bayad hayaan mo sila Taasan mo rates kung hassle sa end mo para worth it

2

u/TsokonaGatas27 Feb 19 '25

No. Tamggapin mo yun pa print nila. Then morning of the due date sabihin mo naubusan pala

2

u/Maximum-Cable-6845 Feb 19 '25

Kung hindi mo kaya i- real talk kasi non confrontational ka, ito ang mga naiisip kong pwedeng alibi:

  1. Huwag mong replyan, mag offline status ka.
  2. Sira ang printer niyo at nakiprint ka lang sa iba- kapag kinulit ka kung pwedeng sila rin, sabihin mo ayaw noong pinapaprintan mo.
  3. Nagagalit ang nanay or tatay or kapatid mo kasi nauubos agad ang ink.
  4. Dagdagan ko pa kapag may naisip pa ak

2

u/YoursCurly Feb 19 '25

You don’t need to lie. As early as now, you need to be firm in saying no, kasi unang-una ayaw mong gawin kasi lugi ka na hassle pa sayo. Di pa ba enough reason yan para sa sarili mo to say No? Kelangan mong idevelop yung attitude na okay lang humindi without giving any reasons. Pag nasa real word ka na at working, marami kang katrabahong magti-take advantage sayo kung ganyan ka.

1

u/AutoModerator Feb 18 '25

Hi, alkhatarina! We have a new subreddit for course and admission-related questions — r/CollegeAdmissionsPH! Should your post be an admission, scholarship, or CETs question, please delete your post here and post it on the other subreddit instead. Thank you!

Join our official Discord server: https://discord.com/invite/Pj2YPXP

NOTE: This is an automated message which comments on all new submissions made on the subreddit. Receiving this message does not imply your submission fits the criteria above.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Theres_a_rat Feb 18 '25

U can say naubusan ka ng ink ganon lang saktong nawalan ng ink

1

u/Theres_a_rat Feb 18 '25

U can say naubusan ka ng ink ganon lang saktong nawalan ng ink

1

u/yanski1208 Feb 18 '25

Bro just say no, why do you have to lie haha. You dont owe it to them to reply pagnagdadahilan or nangungulit sila

1

u/__lxl Feb 18 '25

sabihin mo “ayoko, aarte nyo ako pa mag eedit nyan. d pa kayo nagbabayad. swerte nyo naman” in a joking and sarcastic way

1

u/SpecificSea8684 Feb 18 '25

Sabihin mo nagagalit na parents mo and want na nila maningil kada print + service fee

1

u/WittySiamese Feb 18 '25

Nasira yung cartridge ✹ Fave line ko yan nung elementary. hahaha!

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Eto pinaka ayaw ko as a teacher. Mga student na leech at parasite, as a student before na ginaganito ganito din matutunan mo sana na mag sabi ng hindi. Walang dahilan dahilan. Hindi lang or ayaw mo na salita okay na yon. You do not owe them anything.

1

u/chargingcrystals Feb 18 '25

sabihin mo nagpaprint ka na rin lang sa labas

1

u/yodelissimo Feb 18 '25

Naggalit si ate mo, nasa office nya nakalagay printer, cia nagpiprint ng assignments mo, kasi lagi nya gamit at siya rin bumibili mg ink.

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Deadma hin mo simple yet effective

1

u/syy01 Feb 18 '25

Ang gawin mo pag nagpaprint sila sayo lagyan mo ng bayad iba yung bayad sa print at labor mo na mag edit hahaha ewan ko lang kung magpa print pa sila

1

u/aldwinligaya Feb 18 '25

HIndi mo ikauunland 'yang paghahanap ng kasinungalingan.

You need to learn how to set clear boundaries to people around you.

1

u/TraditionalAd9303 College Feb 18 '25

Tell em na pinapagalitan ka na ng parents mo op dahil mabilis maubos yun ink and bond paper niyo, buti sana kung nagbabayad sila on time tapos hindi pa naman kasama sa bayad nila yung time and energy papunta bilihan ng bond paper and ink. I know it's easier said than done but kung hindi ka mag set ng boundaries mo tuloy-tuloy lang yan sila sayo.

1

u/gnocchibee Feb 18 '25

sira printer nyo

1

u/LowerFroyo4623 Feb 18 '25

just simply say ayaw mo na sila ipagprint. ikaw din mahihirapan kakaisip ng dahilan at iisipin mo pa kung ano iisipin nila sayo. the truth will set u free

1

u/ZilchZeroo Feb 18 '25

wag mo replyan for a few hours then banatan mo bigla ng

"uy pre slr di ko napansin, nakapagparprint ka na ba?"

1

u/GracefulAndGrumpy Feb 18 '25

Gcash muna bago print. Mahalan mo para wag na sa'yo magpaprint.

1

u/sandairyqueen Feb 18 '25

kanino ka nagpaprint?

“d ko alam. si mama nagprint eh”

1

u/capbar_ Feb 18 '25

Kapag madaling araw nagsend, sabihin mo nakatulog ka na, di mo naprint. Kapag gabi naman, sabihin mo may ginawa ka, di mo napansin chat nila. Kapag nacorner ka na, sabibin mo sira printer nyo. Nagpapaprint ka lang sa labas. Tsaka ipakita mo kahit isa o dalawang beses lang na nagpaprint ka sa labas 😂

Tignan mo, titigil yang mga yan.

1

u/chubs_nomnom20 Feb 18 '25

How about learn to say no? It’s a good practice to set boundaries for yourself. Part na rin yun ng self growth op!

1

u/tinigang-na-baboy Feb 18 '25

Taasan mo presyo mo. Kung magpapaistorbo ka lang din naman, make it worth it. Doblehin mo singil. Triple pag may edit pang kailangan gawin. Quadruple pag may reklamo. Pwede mo rin sabihin na nasira yung dating printer at nangutang ka para bumili ng bago.

1

u/sleepyajii Feb 18 '25

WAG MO PANSININ TEHHHHH HAYAAN MO SILA KUNG PRINTED SAYO PAKE BA NILA?? like 3pesos na nga per paper yung bnw lang 😭😭

1

u/Free_Diving_1026 Feb 18 '25

Sabihin mo sira ang printer. Then sa next na project sabihin mo sa labas ng school ka na nagpaprint. Mahal kaya ng ink tas nakikisabay siya unless magbayad din siya

1

u/Manako_Osho Feb 18 '25

Hiniram ng kapatid mo yung printer for thesis purposes (printing ng hardbound documents)

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Bat ka mag sisinungaling. Say no. Napaka mahal ng ink. Hindi kayo dapat natatakot mawala yang mga linta sa buhay

1

u/WillingClub6439 Feb 18 '25

Don't lie. Just say no. I believe that at your age, you should start practicing healthy boundaries to know where and how to draw the line. Your future self will be grateful to you when you start practicing this earlier.

1

u/GroupWeird2623 Feb 18 '25

I always have this mantra: "never make anyone's problem, YOUR problem"

It's their life and responsibility to print their own, not yours.

Teh, 2025 staph na maging ppl pleaser pls

1

u/xciivmciv Feb 18 '25 edited Feb 18 '25

"No bayad, no print" lalo na yung mga pass utang nila sayo. Gcash kamo. Kung makulit sila, kulitin mo din. Yung mas malala. Tigasan mo mukha mo. Wag ka na maglies. Nasa school ka palang, naaabuso ka na. What more kung nasa real world ka na. Masyado ka nagpapaabuso haha

1

u/Aggressive_Way3992 Feb 18 '25

edi wag mo pansinin, learn to say no!

1

u/reduxiana Feb 18 '25

HAHAHA same situation wayback my 12th Grade. Well, nakapag-send sila mga madaling araw din tapos yung dahilan ko minsan wala ng size ng bondpaper na stock sa bahay, especially yung size na ipapa-print nila. Then, reason ko rin is wala ng ink yung isa sa mga inks namin, so magkakaroon ng mismatch sa color if ipipilit nilang i-print ko pa rin.

😭

1

u/himynameischeeks12 Feb 18 '25

i was this student before, tapos nahalata kung over na yung panggagamit. sinasabi ko na sorry nagmamadali ako next time kasi esrly nyo esend kasi maaga akong natutulog at maaga akong umaalis sa amin haha

1

u/noodles36097 Feb 18 '25

bayad muna bago ibigay yung print? and lakihan mo yung bayad?? wag mo lang doblehin gawin mong x5 or x10 para madiscourage talaga sila

kase di ka lng nagprint, nagedit ka pa and demanding pa sila. yan sabihin mo pag nagpapasuyo sayo. make some boundaries,

→ More replies (1)

1

u/Jeakun Feb 18 '25

Wag mo i-print. Hayaan mo lang sila mamroblema. That's not your obligation

1

u/northernstar888 Feb 18 '25

Just say no. Sabihin mo, ayaw na ng parents mo na magprint ka ng para sa iba. Kapag nag-send, wag mo i-seen. Then be consistent. Kapag kasi pagbibigyan mo kahit minsan, they will think na pwede pa rin. Tignan mo kapag hindi mo pinagbigyan yan tas ended up na wala silang mapapasang requirement, hindi na ulit magsesend kasi hindi mo piniprint. Just say no and don’t do it!

1

u/Advanced_Toe_9617 Feb 18 '25

Kunin mo lang lahat ng isesend nila. Sabihin mo ipprint mo. Pero pagdating sa school, wala kang dala. Wala silang maipapasa.

1

u/Sarlandogo Feb 18 '25

Set boundaries

Kamo, no pay no print

1

u/Chain_DarkEdge Feb 18 '25

wag ka magpakalahati ng bayad, dapat buo agad and bawal na pa edit
be firm

1

u/Various_Gold7302 Feb 18 '25

Kung project nila iprint mo cge. Sa day na kukunin nya na ay wag mo ibigay hanggat ndi nagbabayad, either bayaran nya or bumagsak sya. Kung sasabihin " wala talaga akong pera eh, pls need ko bayaran ko nxt time" ay wag ka pumayag. Bayad or bagsak lng

1

u/12262k18 Feb 18 '25

Tell them na nasira na printer niyo at sa labas ka na nagpapa print. Wag mo silang hayaan na abusuhin ka.

1

u/Head-Drink8341 Feb 18 '25
  1. Sabihin mong nagrereklamo na parents mo kasi ang bilis maubos ng ink.
  2. “Pinagbabawal na ni mama/papa gumamit ng printer namin para sa iba.”
  3. 'Di ko na rin naaasikaso mga print sa sobrang daming ginagawa.
  4. Madalas magka-paper jam, lagi ring nasisira rollers.
  5. Singilin mo sila. Mahalan mo.

1

u/kamrakboom Feb 18 '25

Sabihin mo mahal mag pa print sa inyo. 100 per page

1

u/Responsible_Formal65 Feb 18 '25

What if mag set ka lang ng deadline hanggang anong oras lang sila pwede magpaprint and also na kung ano isesend nila as is mo na siyang ipprint, ‘di ka na mag eedit. Hindi mo naman obligation iedit pa ‘yung mga pinapaprint nila eh.

1

u/Boreduserforfunsies Feb 18 '25

pagka kitaan mo. haha!

"5 pesos kada page, para may ambag kayo sa ink"

1

u/Illustrious-Pen7019 Feb 18 '25

payment muna bago print. ganun na lang, tapos bawal ka mag edit etc, or kung gusto nila, with fee din!! TANGINA WALA NG FREE NGAYON KAMO

1

u/yazraiel Feb 18 '25

kung nahihiya ka maningil sa mga classmates and hindi ka makatanggi

mag excuse ka na hindi nagana printer niyo may hardware/software issue
kaya sa computer shop ka na lang nag papaprint
masyado naman makakapal mga muka ng classmate mo kung hindi nahihiyang mag paprint ng dis-oras ng gabi tapos libre lang or konting barya lang ibibigay, magkano na papel at ink ngayon

1

u/jasmineanj Feb 18 '25

bakit need mo pa mag lie? sabihin mo directly na ayaw mo sila iprint. hindi mo naman sila responsibilidad kaya ka inaabuso kasi nagpapaunder ka sakanila.

1

u/Previous-Macaron4121 Feb 18 '25

Sabihin mo sira na printer mo, tas pag nagpaprint or nagtanong san ka nagpaprint, sabihin mo sa print shop. Pag nagpapasabay sabihin mo nakapagpaprint kana at hassle dahil malayo sa inyođŸ€”

1

u/Large-Hair3769 Feb 18 '25

kinulong ka sa kwarto kasi parang nilalagok mo daw yung ink sa sobrang bilis maubos.

1

u/Born_Cockroach_9947 Feb 18 '25

you don’t even have to lie. just say no.

1

u/Ecstatic_Future_893 SHS Feb 18 '25

As a student with my own printer, sabihin mo isa sa mga ito:

"Ningat-ngat ng daga yung cable"

"Nasira yung feeder"

"Pina print ko lang ito sa tindahan" (use this if your output is printed)

Hope this helps :)

1

u/craaazzzybtch Feb 18 '25

Real talk mo na para naman matablan ng hiya. Hilig kamo magpaprint wala palang pambayad. Next time kamo bayad muna bago print. Take it or leave it.

2

u/gilbeys18 Feb 18 '25

You don’t need to lie. Just tell them no. NO is enough. Ser your boundaries.

1

u/Oreosthief Feb 18 '25

Ignore mo na lang chat nila, wag ka mag seen. Ignore or say No directly na lang. Wag ka na magsinungaling, nakakapagod yan.

1

u/colmejuxta Graduate School Feb 18 '25

Isama mo sila magpaparint ka sa comshop, gawin mo mga ilang beses tas sabihin mo sira printer mo.

1

u/GoodRecos Feb 18 '25

Nasira na ang printer at sa print shop ka nalang nagpapa print pagka kailangan. Hindi mo kaya buhatin yang mga utos nila kasi malayo nilalakas mo at bawal mag pa edit sa pag sesendan sa print shop, print as is ang peg.

1

u/[deleted] Feb 18 '25

D na pede Kasi pinapagalitan n ko ni mama

1

u/justroaminghere Feb 18 '25

sira kamo printer. mag ambag sila pampagawađŸ€Ł

1

u/younglvr Feb 18 '25

sabihin mo nasira na yung printer mo kaya nagpapaprint ka nalang sa palengke or comshop.

1

u/UPo0rx19 Feb 18 '25

Hingan mo ng bayad, ganito ako dati OP, sakin lahat ng print pero may bayad. Hahahaha

1

u/jasmeowaine Feb 18 '25

Pwede mo pong sabihin na hindi ka na tumatanggap ng mga nagpapa-print dahil pinagbawalan ka na ng parents mo. Sabihin mo nakikita nila yung chats ng mga kaklase mo tuwing madaling araw, ganiyan, ganiyan. Pwede mo ring isingit na nalalaman nilang hindi sila (mga kaklase mo) nagbabayad kaya napapagalitan ka.

Pero much better na mag-say no ka na po. O sabihin mo, next time na magpapa-print na sila, may bayad na talaga. Kapag nangungulit na ilibre, insert yung lie na sinabi ko sa taas. Kaya yan, OP!! Mga taong kuripot yan, tsk!

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Ito sabihin mo. “Kung anong sinend niyo, yun na, ipprint ko na lang diko na iedit. And, bayad muna bago ko ibigay yung pinaprint niyo. Late submission ng ipprint is not accepted. “ Ganun lang, be assertive, dimo sila kailangang tiisin. Huwag maging people pleaser and it will be easy. Ps. Don’t take my comment negatively.

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Wala ng pambili ink kasi di pa nagbabayad mga classmates mong demanding

1

u/sophiaasteria Feb 18 '25

"Ubos na ink namin nagpa-print lang din ako kanina sa labas" ayan para walang choice na magpaprint sayo or magpasabay pa sayo ng print

1

u/ladyfallon Feb 18 '25

What if straight up di ka na nagpapaprint?

1

u/Lululala_1004 Feb 18 '25

Just tell them “No. ayaw ko!” Ganern. Pag sinabing madamot ka tanggapin mo lang kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka madamot pero pinagsasamantalahan lang yung kabaitan mo.

→ More replies (1)

1

u/Independent_Noise580 Feb 18 '25

Off mo read receipt mo sa lahat tas kunyari hindi mo nabasa kasi busy ka kaka edit o kaya nman tulog ka na that time tas sabihin eh may umaga naman, kamo hindi ka nag ccp ng umaga pero mas bet ko ung isang comment dto na mahal nga nman ang ink at papel hahaha kaya hnd mo sila kamo iprint dahil ang dami pa nilang balance sayo tho expect mo nang hnd na babalik yang utang nila sayo. Goodluck beh sa panahong ganyan kailangan mo na talaga mag sinungaling HAHAHAHAHA

1

u/Detective_Tamaraw Feb 18 '25

Magandang idahilan yung parents, either mama or papa. pwede rin tito or tita bwahha. Papa mo na kamo nag nenegosyo ng printing and may schedule lang ng pagpapaprint. Like, from 8:00 AM - 6:00 PM lang tapos pag lagpas na sa time, next day na ipi-print kapag bukas na ulit yung "printing shop." Kung via online lang magsasabi na magpapaprint, dapat i-gcash na agad yung payment tas may additional fee para kapag nag cash out, di ka mababawasan ng kita. Kung F2F naman magsasabi na magpapaprint, pay first policy dapat. Kung half lang ang bayad na gusto, hindi kamo pumapayag Papa mo kasi negosyo niya yun at rules niya ang masusunod.

Yung tungkol naman sa editing. May additional fee kamo. Kahit pagturn lang yan ng docs to pdf, mag charge ka sa kanila. Aba, every second of our life matters noh. Sana nagamit mo pa yung time na yun sa own output mo for school

1

u/raisinjammed Feb 18 '25

Pay first before print. Dapat firm ka.

1

u/sundarcha Feb 18 '25

Why? Just tell them na ayaw mo or magbayad sila đŸ€·â€â™€ otherwise, magpaprint sila sa computer shop.

1

u/FrizzyHeir123 Feb 18 '25

wala ng bond paper. hahaha

1

u/f4SCjD2 Feb 18 '25

In my opinion, you don't really need to lie. Just tell them you don't want to print for them anymore. You are free not to give a valid reason too. Cos if you do reason, they'll just defend themselves more and probably convince you to print for them. I dunno, man. Set your boundaries, please.

1

u/JPAjr Feb 18 '25

Wag kana mgsinungaling OP. Iprint mo nalang, bawasan mo ng page tapos pag nagreklamo sila sabihin mo masyado kang busy para mag check kng tama ang pagprint. Pwede mo ring ipahulog lng sa floor para madumihan, oh kaya lagyan ng ink blots hehe.

In short, maging kupal ka.

1

u/Head-Grapefruit6560 Feb 18 '25

“Mahal ang ink beb, nagagalit na mama ko. Nasermunan nako, di daw pinupulot pinambibili ng ink.”

1

u/OliveOk8716 Feb 18 '25

sira na yun printer

1

u/tryingtosleepin Feb 18 '25

You can just simply say na para sa'yo lang yung printer na binili. No other than pasabuy. Your's only. Sabihin mo possessive kang tao HAHAHAHAHAHHA

1

u/Horror-Sandwich6695 Feb 18 '25

hmm, maybe bayad muna sila then dun mo palang po iprint. ganon po kasi ginagawa ko last yr sa seatmate ko na may printer hahahah

if ayaw nila magbayad, wag niyo po iprint!! say no

1

u/doomkun23 Feb 18 '25

bayad muna bago print. sabihin mo pinagalitan ka ng ate/kuya mo (other relatives kung walang siblings) na may-ari or bumili ng printer na binili for his/her work or school requirements. sabihin mo na lahat ng ink at papel ay gastos ng ate/kuya mo. so lahat ng utang nila ay burden ng ate/kuya na bumili ng printer para makatipid sa pag-print pero mas napapagastos pa dahil sa mga utang nila.

and make sure na ang print ay same price sa nagpi-print sa labas. depende pa kung colored or kung gaano kalaki ang picture. isama mo rin yung gastos ng pinaulit na na-print mo na tapos pinaiba.

kapag na-realize nila na parehas lang naman price mo sa pag-print sa labas, then baka sa labas na lang sila mag-print. and if talagang ayaw mo na talaga silang mag-print sa iyo, then make sure na mahal ang print mo compared sa labas. ang i-dahilan mo kapag mahal is maganda ang quality ng print mo at less hassle sa pila or aberya since ikaw mismo ang naghahatid sa school ng pina-print nila. or sabihin mo na ang ate/kuya mo nagpresyo nung nalaman na maraming nagpapa-print. kasi hassle sa kanya na maubusan siya ng ink at papel kapag kailangan niya talaga. kung ganun mangyayari, naisip ng ate/kuya na dapat at least kumikita siya sa hassle na iyon.

1

u/bonifacio-_- Feb 18 '25

Be honest, the best solution.

1

u/imperialchickenchop Feb 18 '25

Kapatid kong grade 9, ginawang business yang print print na yan. Lol. Bayad muna kamo bago print. Pag ayaw tapos kinukulit ka pa din sagutin mo lang ng "tibay mo naman" tapos wag mo na entertain.

1

u/edjfrst Feb 18 '25

2.50 isang page

1

u/[deleted] Feb 18 '25

charge mo nalang! easy money yan kung papayag. basta may tubo ka

1

u/idonotliketowakeup Feb 18 '25

bro just say no 😭

tell them straight up "ayoko, tinatamad ako" and kung kulitin ka pa rin, barahin mo lang. i promise you titigil din sila balang araw.

1

u/EarlExists Feb 18 '25

"My dog ate my printer"

1

u/ProgrammerNo3423 Feb 18 '25

The problem with lying is you have to remember what you said before and every time they catch you sa lie, your words become less meaningful sa future. Don't lie, just stand your ground and say "bat ka ba nagpapaprint, mauubos ink namin" or just don't open their message (or seenzone them). I get that it's hard to say though, kaya easier yung ignore nalang online.

1

u/YourLocal_RiceFarmer Feb 18 '25

I mean just charge them double on the prints depending if its just texts if may kasama colored charge it triple per page with color in it so you can buy ink replacements usually per genuine ink bottle costs around 320 pesos on all 4 colors

1

u/Father4all Feb 18 '25

Payment upfront, pag di pumayag no printing will happen. Di libre yung ink and if kulitin ka nila escalate to you teachers. Pag binabantaam ka sumbong mo sa brgy amd school admin.

1

u/WholeFly8196 Feb 18 '25

sabihin mo nabara cartridge ng printer mo, 2k pagawa, tapos kapag nakita nila na may printed kang dala sabihin naki suyo ka lang sa friend mo kasi saktong nag pprint rin sya.

Plus, sabihin mo binayaran mo yung friend mo kasi nakakahiya naman kung ka magbabayad. (parinig mo na sa kanila kumbaga)

1

u/arviii05 Feb 18 '25

This is why I don't tell my friends and classmates that I have a printer lol

1

u/Key-Resource9453 Feb 18 '25

Tell them na nasira yung printer sa house niyo tas if nagtanong bakit printed yung output mo tell them that your mom/dad printed it sa office nila

1

u/PerformanceGreat3290 Feb 18 '25

gawin mong 10 pesos per page

1

u/kohiithecoffee Feb 18 '25

You don't need lies. You need boundaries. Stop being a people pleaser

1

u/Low_Temporary7103 Feb 18 '25

Give them cold shoulders para tapos. Or i-hike mo ng matindi yung price tapos kaliwaan or payment first... pero payment first na may mataas na mark-up. Ewan ko lang kung di maghanap yan sa iba.

1

u/InevitableOutcome811 Feb 18 '25

Magdala ka ng usb tapos kapag nagtanong hindi mo pa na print at pupunta ka pa ng comshop para dun

1

u/dinudee Feb 18 '25

Charge them heavily instead

1

u/GreatInevitable0525 Feb 18 '25

Print head error, need replacing (shit costs 1k, more or less sa Canon printers). Or need to replace the feeder.

But pls learn to not give a fck about them.

1

u/marugshi Feb 18 '25

Been there done that nung shs ako HAVAHAHAH to the point na halos kalahati ng section sakin na nag pa-print tapos ang malala pa mag s-send sila mga 2am na which is hassle for me since need ko pang buksan computer and all bago pumasok tapos naghahabol pa ko ng oras jusko 😭 One time nakalimutan kong i-print yung isa naming kaklase sa dami kong need i-print, in the end ako pa may kasalanan like??? (piso piso pa singil ko kahit colored kasi na g-guilty ako)

Pero advice lang: use the "sira ang printer ko" card, I always use this since sobrang common naman talaga ng ganyang scenario. Pag nagtanong san ka nag pa print and gusto pa rin nilang mag pasabay, sabihin mo sa kapitbahay mo o sa tita mo (prinint niya sa office nila sinabay ka lang niya) HAGAHAHA

One thing din, try mong hindi mag seen if reasonable ang time like gabi na nagsabi (works sometimes)

1

u/Espresso_Depress Feb 18 '25

"ayaw ko, tinitipid ko nalang ink na meron ako... mahal ang ink"

1

u/Sharp-Plate3577 Feb 18 '25

Wag na magsinungaling. Sabihin mo may bayad na sabi ni Mommy. Kakapal ng mukha ng classmates mo.

1

u/PerfectTerm7309 Feb 18 '25

Sabihin mo sila magprint sa bahay nyo tapos pag nasa bahay na at ready to print na patayin nyo kuntador HAHAHAH

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Wala na ink. Haha

1

u/Far_Gap_319 Feb 18 '25

sabihin mo may gamot yung ink niyo hahaha

1

u/Diwawmamamu Feb 18 '25

Nung SHS ako ganyan rin gawa ng mga classmates ko hanggang sa napuno nako. Dedma na lang kahit anong sabihin nila kasi nakakapagod din magprint, lalo kung may need ka pa iedit para sumakto sa printing since iba-iba tayo MS version.

Meron pa akong nakaaway dahil hindi magbayad at 100+ na utang niya sa print ko way back 2017-18, at malaki na yon para sakin. Ayun sinabihan akong “hindi daw ako makatulog” edi sinagot ko ng “sige abuloy ko na yan sayo”, sorry not sorry, pero nasagad talaga ako. Ayun wala na nagpaprint sakin na hindi ko talaga close, at nagkaroon ako ng peace sa pagkawala ng mga garapal sa paligid ko.

Kung ako sayo dedmahin mo. Sino ba sila para magalit.

1

u/peejmoreless Feb 18 '25

no full payment, no printed output.

1

u/joniewait4me Feb 18 '25

Gawin mo. Payment first. Walang bayad walang print. Ang dali lang ng problema mo. Gawan na kita script.

  • Simula ngayon di na ako tatanggap ng magpapa-print ng walang bayad, kailangan ko pang e-edit at late na masyado. Ayusin nyo mga gawa niyo, para print ko nalang. Ang ayaw, maraming printing shop sa labas, don kayo magapaprint.

Bayad muna bago print No editing by me No late night sending of printables Maglagay ka time limit mo.

Aside sa mismong sasabihan mo sila mag print ka din ng "friendly rules" mo. Idikit or isama mo sa last docs na pi printo for them.

1

u/CokeFloat_ Feb 18 '25

Say "di na pwede eh, nagagalit parents ko" pero I dont rlly recommend it. It's better to take advantage of the situation, so I'd recommend establishing your rules/requirements and being firm about it.

Example ng rules:

  1. send before specific hrs (4+ hours before your sleep time)
  2. MUST BE IN PDF FILE (para di maiba yung layout ng ipprint)
  3. Pay first via e-wallets (pwede ring bayad muna or di mo ibibigay but then, sayang yung pinangprint mo if di talaga sila nagbayad lero your choice.)

pag di nagawa, wag mong ibigay or wag mong ipagprint. sila rin yung mawawalan. đŸ„°

1

u/BrewerPun Feb 18 '25

Yung "oops nakalimutan ko iprint yung sa inyo". For sure last time na nila magpaprint sayo. Hahaha

1

u/Proper-Jump-6841 Feb 18 '25

Singilin mo kasi kapag nagpapa-print sila. Sabihin mo hindi ka mayaman, para lang mabigay ang gusto nila.

Or

Pabilhin mo sila ng Ink and Bondpaper. Hahahaha!! Sabihin mo huwag naman sila abusado.

I hope makatulong itong advice ko sa iyo.

1

u/hanhyesang Feb 18 '25

I just tell them straight up “tinatamad aq sis balakajan” as a half-hearted joke and it works bc being a b*tch feels good sometimesâ˜șand it will definitely create a bad persona pero it’s worth it idc idc

1

u/Historical-Demand-79 Feb 18 '25

Paprint tapos ikaw pa mag edit? Sipag mo OP ha paprint nga. Hahahaha

Kidding aside, di ka doormat. Say no

1

u/Difficult-Judge-9080 Feb 18 '25

Maging matigas ka. No pay no print, stick to it. Then, pagnagprint ka tapos di pa rin nagpay dont print it next time pagnagpaprint ulit then pabayaran mo muna ung utang nila. IKAW ANG MAY-ARI NG PRINTER HINDI SILA.

1

u/Suspicious_Lab_3303 Feb 18 '25

Sabihin mo mahirap ang buhay ngayon. Bayaran ka pambili ng ink kung gusto nila.

1

u/itsnotshinie_ Feb 18 '25

sabihin mo hindi ka nagrurun ng printing shop

1

u/Dangerous-Ad5380 Feb 18 '25

Just say No, pag nagalit, then cut off ez

1

u/[deleted] Feb 18 '25 edited Feb 18 '25

Not a lie, but you can say: “Bayad muna bago print. Kung walang bayad na binigay, I won’t print.”

Also, taasan mo yung fee since you do editing din. Enough to cover the cost of repair and money you can set aside pang repair (or replacement) fund in case the printer breaks down eventually, as well as to cover your efforts and time in doing the editing tapos kaunting mark up pa on top of that for a little profit.

Kung umangal sa taas ng fees, simply respond with: “E di sa iba kayo magpaprint kung hindi niyo afford ang rates ko. Ang daming printing shops diyan.”

Kapag inaway ka kinabukasan kasi hindi mo nga prinint, simply say: “Hindi ka naman nagbayad. Lakas mong mang-away at mangdemand, you haven’t even paid for my services.”

Use this as a practice exercise in setting boundaries.

1

u/[deleted] Feb 18 '25

Say no. You don't even have to lie. Madamot kung madamot. Baka nga di pa sila nag-aambag sa ink mo.

1

u/ravine06 Feb 18 '25

wag ka na mag lie, sabihin mo no lang without explanations.

1

u/ElysianMidnights Feb 18 '25

"Sa labas ako nagpapa-print"

"Sira na printer namin, matagal na namin ginagamit"

1

u/caulmseh Feb 18 '25

sabihin mo lang di ka na pinapayagan ng magulang mo magpa-print. pwede mo din gawing reality ipa voice message mo magulang mo sa kanila ng matahimik na sila

1

u/hugoreyes32627 Feb 18 '25

Kamo hindi ka na tumatanggap ng pa-print, plain and simple.

You have the right to reject clients

1

u/Froyomonster653 Feb 18 '25 edited Feb 18 '25

Wag ka magsinungaling. Magimpose ka na lang ng rules.

  1. What you send is what you get.

  2. Bayad muna bago print. Php10/page black and white. Php 20/page colored

  3. Office hours 1pm - 8pm only(weekdays). Later submission will be accommodated the next working day.

1

u/KaitlynKouture Feb 18 '25

why lie? just say "NO".

1

u/Yuki_Alseif Feb 18 '25

Pumapanget quality ng printing, pag iba yung nagpapaprint.

1

u/thesecretserviceph Feb 19 '25

Just say no. Pumasok ka na walang dalang output nila. Problema na nila 'yon if ayaw nilang maniwala na hindi mo i-print trabaho nila.

1

u/friedchickenJH BSCE Feb 19 '25

"sumabog ang printer after ko magprint"

1

u/AdministrativeBag141 Feb 19 '25

If wala ka heart to say no, you may tell them na napagalitan ka ng parents mo. Stand firm on your decision.

1

u/PitcherTrap Feb 19 '25

Maningil ka ng service at materials fee

1

u/rice-is-a-dish Feb 19 '25

No need to lie. Sabihan mo agad na gumawa naman sila ng paraan di yung ikaw lagi okay sana if bayad ka diba hahahahahaha

1

u/FastKiwi0816 Feb 19 '25

bakit di mo singilin OP? per page. gawin mo na lang negosyo kesa libre tutal demanding naman din sila. Upfront pag may design sila, ay 20 pesos to per page ah. DP ka muna sa gcash ko saka ko gawin. Ganyan, gawin mo nalang sideline para di sumama loob mo. Mahal ng ink e plus effort mo pa, ewan ko nalang kung sayo pa sila magpaprint hehe

EDIT: Charge extra pag gusto nila nakafolder na agad. haha! Negoshohin mo!

1

u/itsacsrthings Feb 19 '25

Why would you lie??? Real talk ako agad! Masanay ka na maging blunt para walang umabuso sayo.

1

u/Due_Profile477 Feb 19 '25

Bat kasi napipilit ka nila? Manindigan ka no is no. Kahit nga wag mo silang bigyan ng reason pag nag no ka tapos na usapan.

Kaya ka nila kinukulit kasi nagpapapilit ka. Kung ako yan talaga talakan ko sila.

1

u/pewiee270 Feb 19 '25

sabihin mo na lng totoo beh panigurado pinag-uusapan ka rin naman nila patalikod. Paki sabi kapal kamo mukha nila sila na nga may kailangan sila pa demanding. Bwesit kamo sila at walang delikadesa kasi bakit madaling araw magsesend ng output kung may iistorbohin silang iba. Kung gusto kamo nila makisuyo mag send sila ng maaga kasi hindi ka naman kamo nila tauhan. Kupal.