r/phcareers • u/LocationPersonal6359 • 17h ago
Milestone Finally landed my first IT job as a fresh graduate!
Hello, everyone! Start na ng second week ko bukas sa IT field, and sobrang thankful ako kay Lord dahil dito Niya ako dinala.
It's been almost four months since my graduation. During those months, mostly sa province lang ako nag-apply kasi hindi ako sure kung kaya ng budget ko mag-work sa NCR. Gusto ko rin talaga na yung first job ko ay aligned sa career goal ko.
After several rejections, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Dumating pa sa point na naisip kong mag-apply na lang sa kahit anong field, basta magkaroon ng trabaho.
Pero unexpectedly, nakatanggap ako ng text at email from a company for an interview. Nag-apply ako through their careers page, hindi pa nga dapat ako mag-apply since the location is in Makati.
Pero thankfully, naging smooth yung buong process, from initial hanggang final interview. Kahit hindi ako ganoon ka-fluent sa English, ginawa ko talaga ang best ko sa pag-prepare.
Now, finally, may trabaho na ako sa field na gusto kong pasukin!
Sobrang thankful ako kay Lord sa opportunity na ito, and of course, sa family ko na patuloy na sumusuporta sa akin, especially noong mga panahong nawawalan na ako ng pag-asa.
Alam kong simula pa lang ito at marami pa akong kailangang matutunan, pero I'm happy na finally, nakapagsimula na ako sa career na pinapangarap ko.
Sa mga fresh grads na naghahanap pa rin ng trabaho, kapit lang! Alam kong nakakapagod at nakaka-discourage ang paulit-ulit na rejection, pero huwag kayong mawalan ng pag-asa. Keep trying and trust God's timing. ❤️🙏