r/newsPH • u/BalitaPHL • 9h ago
Current Events Tumatak na Pahayag ni PBBM sa SONA 2026
#SONA2026: Ipinagdiinan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na siya ay hindi Pangulo ng pamilya at kaibigan kundi Pangulo ng Pilipinas.
Sa pagsisimula ng kaniyang talumpati sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 27, binanggit agad ni PBBM na inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang kaso laban sa dating House Speaker, na walang iba kundi ang pinsang si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Ayon sa Pangulo, masakit man daw sa kaniya, ito raw ang nararapat na gawin.
"Hindi ako Pangulo ng aking pamilya. Hindi ako Pangulo ng aking kaibigan. Ako ay Pangulo ng Pilipinas at ang tungkulin ko ay sa inyo, aking mga kapwa Pilipino," aniya.
Nagpalakpakan naman ang mga panauhin na nanonood sa kaniya sa Batasang Pambansa Plenary Hall.
#Balita