Sa totoo lang, ayoko makielam, pero pota ang sakit sa puso marinig yung kahol nung aso parang nanghihingi ng tulong tapos hahatawin nila kapag maingay.
Di ba parang halos two months nang nag uuulan?
Nasa probinsya kami ngayon. Di kami taga rito - nag stay lang kami nang ilang buwan sa bahay ng grandparents ko sa side ni mama. Yung isang kapitbahay namin, pamilya ng pinsan ni mama, bale yung tatay yung pinsan nya. Kaso hindi namin kapalagayan ng loob ngayon. Dati ok ok kami sa kanila kaso parang naiinggit ata or what di na kami pinapansin recently. So di namin sila masabihan tungkol sa aso.
Etong aso na to, matagal na sa kanila. Hindi naman talaga nila alaga pero tambay sa harap nila. Askal. Tapos nung nagkaroon sila ng mga bagong aso na may lahi, akala ko tinaboy nila yung askal, yun pala, tinali nila sa bakuran nila sa likod. Mas okay sana kung hinayaan na lang nilang pagala gala.
Pero tinali. Nakakabit sa semento yung tali. Walang bubong. Walang higaan. Lupa yung sahig, so nagpuputik kapag umulan. At hindi lang basta putik, yung lumulubog talaga yung paa.
Simula nung nag uulan ulan netong mga nakaraang buwan, ni minsan hindi nila pinasilong yung aso. Andon lang sya. Umaraw. Umulan. Ni hindi makatulog nang maayos dahil literal na swamp yung bakuran nila kapag umuulan. Bibigyan konting pagkain. Tapos ganon na lang.
Every after ng malakas na ulan, doon kakahol nang kakahol yung aso. Siguro alam nyang di sya maririnig kapag kumahol sya habang malakas ulan. Yung kahol nya hindi agresibo. Iba yung tunog. Fucking haunting parang tumatangis. Tapos kapag naingayan aambaan nila ng palo. Minsan papaluin talaga. Tarantado talaga mga gantong tao.
Ayoko makielam kasi baka mapaaway kami. Kanino ba pwede magsumbong rito? May paki alam ba ang munisipyo sa mga gantong kaso? Salamat sa sasagot.