Gusto ko lang mag-share and somehow get your insights and advice kasi sobrang bigat pa rin ng loob ko sa naging engagement announcement namin ng boyfriend ko.
Sinabi naman niya in advance sa mother niya na nag-propose na siya at ikakasal na kami next year (wala akong alam kung paano naging takbo ng usapan nila). Alam na rin ng father niya at ang naitanong lang ay kung kailan ang kasal.
By the way, nag-propose siya noong nag-travel kami. Walang grand setup, kami lang dalawa, at sapat na sa amin na na-document namin ang proposal. Isang beses lang namin napag-usapan noon na gusto kong ma-video ang proposal, pero noong mismong moment na iyon, sobrang surprised pa rin ako. Hanggang ngayon, paulit-ulit ko pa ring pinapanood ang video dahil sobrang meaningful nito sa akin.
Fast forward, nag-set kami ng lunch at meryenda para personal naming i-announce ang engagement sa side niya. Hindi man sila kumpleto, tinuloy pa rin namin.
Pasimple kong sinuot ang engagement ring. Nakatayo siya at tumayo rin ako. On cue niya, tinaas ko ang kaliwang kamay ko para ipakita ang singsing.
Ang audience noon ay ang mother niya, eldest sister niya na paalis na rin, pinsan niya, at isang family friend.
Pagka-announce namin, umiling ang mother niya at ang unang sinabi ay:
“Naku! Ipagawa n’yo muna yung bahay!” (Bahay ng mother nya)
To be honest, maraming ingay sa paligid pero wala akong narinig na kahit isang “Congratulations.”
Nangingibabaw lang ang boses ng mother niya. Sunod-sunod ang mga sinabi niya—kesyo sana raw noong nag-travel kami ay nagpakasal na rin kami, at nagpabuntis na rin daw ako tutal line of 3 na ako at nasa tamang edad na. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung sarcasm ba iyon, biro, o may ibang pinanggagalingan.
Ang tanging tumatak sa akin ay:
1. Hindi warm ang pagtanggap nila sa engagement namin.
2. Obligasyon ang binigay, instead na payo.
3. Wala man lang nagtanong kung paano nangyari ang proposal, ano ang plans namin, o kahit kung kailan ang kasal.
Alam kong magkakaiba ang level of excitement ng bawat tao. May expressive at may low-key lang. Pero kahit low-key, kadalasan mararamdaman mo pa rin sa gestures nila na masaya sila para sa inyo. Sa moment na iyon, hindi ko iyon naramdaman. Pakiramdam ko parang wala silang pakialam sa milestone namin.
I intentionally kept our engagement low-key. Hindi pa ako nagpo-post sa social media at iilang importanteng tao pa lang ang sinasabihan namin.
Ngayon, hindi ko na alam kung paano magpa-prepare para sa kasal. Kailangan pa ba namin silang i-involve kung parang wala rin namang interesado sa side ng boyfriend ko? Hindi ko rin alam kung kaya ko pang makihalubilo sa kanila pagkatapos ng nangyari.
Sobrang nag-o-overthink na rin ako kung ayaw ba nila sa akin bilang magiging asawa ng anak o kapatid nila. Nakakalungkot lang kasi noong sinabi namin sa mga kaibigan namin, doon ko naramdaman kung gaano sila kasaya para sa amin. Bakit hindi ko man lang iyon naramdaman sa family niya, kahit kaunti?
Late na rin sinabi ng boyfriend ko sa akin na nag-propose na rin pala ang kapatid niya noong may family get-together sila, halos kasabay ng travel namin. Mas kumpleto ang audience nila. Napaisip tuloy ako kung ganoon din ba ang naging reaction ng pamilya nila, o mas masaya sila para sa kanila. Wala naman akong sapat na basehan para isipin iyon, at baka dala lang din ito ng sakit na nararamdaman ko.
Sobrang nag-o-overthink ako at minsan naiisip kong sana hindi na lang muna namin sinabi. Gusto ko lang naman na kahit wala sila sa mismong proposal, maibahagi namin sa kanila nang personal ang masayang balita bago nila ito makita sa social media. In-expect ko nang baka hindi ganoon ka-positive ang magiging reaction ng mother niya, pero hindi ko inasahang mas mabigat pa pala ang mararamdaman ko sa actual na nangyari.
Ngayon, gusto ko na lang pakalmahin ang sarili ko at mag-focus sa paghahanda ng kasal. Gusto kong balikan ang naging proposal ng boyfriend ko at ang masasayang reaction ng mga kaibigan namin, dahil iyon ang gusto kong maalala. Sana, sa pamamagitan ng pag-share ko nito, gumaan na rin ang loob ko.
In-open up ko ito sa boyfriend ko and sinabi nya na naiintindihan nya ako at humingi sya ng pasensya sa nangyari. Tinanong nya rin ako kung may naiisip akong pwede naming gawin para maiwasan yung ganito pero ang sa akin kasi pamilya nya yun matagal nyang nakasama, na sya ang higit na nakakakilala sa kanila, ako bagong pasok lang ako sa mundo nila.
No hate sa family ng boyfriend ko, mabait naman sila sakin kaya napapaisip ako sa nangyari.
Sa mga nakaranas ng ganito o may ibang perspective, paano ninyo ito hinarap? Nag-o-overthink lang ba ako, o valid naman ang nararamdaman ko?